"Lumabas ka, Rejean! Labas!" sigaw niya sa paligid habang nililibot ang paningin sa buong paligid. Wala ni isang tauhan ang lumapit sa kanya o nakita niya na lalaban. Alam ni Rejean ang lahat ng galaw niya kaya tuwing nakakita siya ng CCTV cameras ay binabaril niya ito. "Labas! Ang duwag mo! Ginagamit mo ang sitwasyon natin noon, ginagamit mo si Saetong!" Ang tagal na ng panahong iyon. Mga bata pa lang sila noon kaya bakit ito magagalit sa kanya? Pareho lang naman silang lahat ng nasa ampunan na magkaroon ng magandang pamilya, naswerte nga lang siya dahil ang akala niyang aampon sa kanya ay ibang tao, ngunit nalaman niyang totoong ama niya pala ito. Kung alam lang sana ni Rejean ang totoong pinagdaanan niya. Hindi madali. Hindi madaling mapunta ka sa pamilyang walang katahimikan ka

