Hinawakan ni Mosaic ang kamay ni Lovie at umiling. “You cannot go.” Tinitigan ng dalaga ang mga mata ng lalaki at naluluhang yumuko. Hindi siya dapat madala sa ngayon. Hindi dapat na magpadala sa anumang nararamdaman niya. Sapat na ang nangyari ng nakaraan at sakit na dulot ng mapaglarong pag-ibig nito. Kinuha niya ang kamay ni Mosaic na nakahawak sa kanya at tiningnan ito nang buong tapang. “Do not stop me, Mosaic. Hindi ko puwedeng iwan ang mga bata sa loob.” “Kasama na natin sila.” Sinamaan niya ito ng tingin dahil hanggang ngayon ay selfish pa rin ito. Hindi ka pa rin nagbabago, Al Mosaic! “Alam mong may mga naiwan doon.” Marahas itong bumuga ng hininga at tila napipikon na tiningnan siya. “Our point is to save these kids. Ngayong naligtas na natin sila… we’re done, Lovie, nak

