Nakakabingi ang ingay ng putok. Hawak ng batang si Hazza ang magkabilang taing habang nakatago siya sa likod ng cabinet. Sinusugod sila ng mga kalaban ng kanyang ama at natatakot siya. Takot na takot! "Mommy," iyak ng bata habang hinahanap ang kanyang ina. Hinabilin lang siya ng daddy niya para magtago rito ngunit hindi niya alam kung nasaan ang mommy niya. Muli na namang nagkaputukan kaya mas lalong humigpit ang pagkakatakip niya sa dalawa niyang tainga. Ayaw niya ng putok, natatakot siya. Natatakot siya. Biglang naalala ni Hazza na matagal na palang... wala ang ina. Ilang beses na itong nangyari, hindi man niya nakita ang nanay niya sa mga namatay dahil sa mga pag-atake ng mga kalaban ng daddy niya ay alam niyang... ayaw niya ng putok dahil natatakot siya. Natatakot siya... "

