Pulang-pula ang mukha ni Chanel. Hindi niya alam kung dahil sa pagbagsak ng cellphone niya o dahil na naman kay Emil. “Feelingerang teenager, Chanel?” sarkastikong tanong niya sa sarili. Huminga siya nang malalim. “No, hindi ka teenager para kiligin sa ganoong bagay na wala namang kahulugan sa nagsabi. Those are just empty words, Chanel!” mariin ang boses ni Chanel. Pilit kinukumbinsi ang kanyang sarili. Binalikan niya ang messenger at muling nag-type. “Come here, daddy, I’ll eat you.” Iniisip niya kaagad na mahihiya ‘to, sa ganoon siya may laban kay Emil. “Kapag nakauwi na tayo, pero let’s find some time.” Napabangon si Chanel. Si Emil ba ang ka-chat niya?! “Matutulog na ‘ko.” Naalarma si Chanel. Matapos nitong gisingin ang kanyang diwa ay matutulog na lang ito? “Lasing na la

