Kahit sa umagahan ay nakasabay si Chanel. Inalam niya talaga kay Emil kung anong oras kadalasang nag-aalmusal ang mga ito. Maaari naman daw siyang matulog uli sabi ng lola nito. Pagkatapos ng almusal kanya-kanya na ng gawain ang halos lahat. “Matulog ka pa,” ani Emil. Nagpapaaraw si Chanel sa labas ng bahay pero hindi naman siya lumabas sa bakuran nila Emil. “Bihira na nga ‘ko maarawan, ipagkakait ko pa sa sarili ko?” natatawa niyang tanong. Nangiti naman si Emil. “Kailan pala ipalalabas ‘yong nai-shoot ninyo?” Napaisip si Chanel. “Nextweek na, manonood tayong dalawa. Dapat ikaw ang number 1 fan ko, ha?” Nangisi si Emil. “Iyang ganyang ngisi ‘yong magiging basher, eh!” Natawa si Emil. “Kiss nga?” inginuso ni Chanel ang labi. Halatang nabigla si Emil. “Kahit pala sa kulay mo,

