Puro pabida sa ‘kin at sa ibang alaga niya si Mother Jimmy. Mukhang sanay na sanay naman makipag-usap si Mr. Sy at palaging nakangiti pa rin. Dahil sila na ‘yong nag-uusap dalawa pasimple akong lumingon sa likuran. Nakita ko naman ang pakay ko sa kabilang mesa na nakapangalumbaba at nakatitig din sa ‘kin. Kinindatan ko siya at nag flying kiss ako. Pero hindi man lang ako nginitian. “Anyway, I need to go.” Nang magsalita si Mr. Sy, napadiretso ako ng upo. “I’ll wait for you, Chanel,” ani Mr. Sy. Tumayo na ‘to dala ang coffee nito na siguro nanlamig na dahil puro kuwento si Mother Jimmy. Nang makaalis na ay tuwang-tuwa si Mother Jimmy na bumaling sa ‘kin. “Narinig mo ‘yon? Hihintayin ka niyang mag-audition! Mabuti at siya ang executive producer kung saan kita balak i-audition! Mukh

