CHANEL Hindi naging kasiyang saya ang Tagaytay noon katulad ng kasing saya ngayon. Ang kasiyahan talaga minsan ay nakabase sa kasama. Sa lumipas na araw ay nangabayo kami ni Emil, gumala, namili ng mga pagkaing sikat sa Tagaytay, dumayo sa iba’t ibang café kung saan kita ang kagandahan ng malaking bahagi ng Tagaytay. Pakiramdam ko’y inilulutang ako sa araw-araw. Masaya dahil kasama ko ang lalaking sa palagay ko ay minamahal ko talaga. Pagkain, tawanan, kuwentuhan at honeymoon ang namamagitan sa ‘min kung gabi. Pakiramdam ko’y waging-wagi na ‘ko dahil ganap ng ako ang may karapatan sa gintong baton na ipinagdadamot ni Emil. Ilang araw din silang nagpakasaya sa Tagaytay at napakarami pa nilang planong dalawa. Ngayon ang ikalimang araw niamin, pero walang honeymoon session dahil tu

