“Pupunta ‘ko sa daddy mo pagkahatid ko sa ‘yo. Mag message ka sa ‘kin kapag may ipapabili ka,” ani Emil nang kumakain kami sa table for two na de-tiklop. Parang Japanese table siya kaya sa pillow kami na kapareha nito nakaupo. “Hmm, wala naman ako ipapabili kasi palagi naman may lunch na ro’n. Saka as much as possible dinner na ‘ko kumakain kasi hindi ko mapigilang maparami kapag kasalo ka,” nangingiti ako. Totoo kasi! Sobrang sarap magluto ni Emil! “Kumain ka, baka naman mahilo ka ro’n,” aniya. “Okay po.” Hindi na ‘ko nakipagtalo. “Bakit ka raw pinapapunta ni Dad?” “Hindi naman niya nasagot.” “Hmmm…”Tumango-tango si ako. “Hindi kaya napanood niya kung gaano ka kagaling kanina?” itinuro ko ‘yong sirang CCTV. Napatingin din siya ro’n at tila nabigla. “Kailan pa ‘yan?” “Dati pa, diy

