“Paano mo nalaman?” tanong ko kay Chanel. Hindi siya nakakibo. Base sa reaksiyon niya ay nagulat din siya sa kanyang nasabi. “Ano, n-nasabi ni dad—” “Iyong totoo?” “Are you telling me that I’m lying?” angil niya. “Nagtatanong lang ako.” “Pero it looks like you are accusing me!” “I’m not.” “Paano mo nalaman? Iyong totoo? Saan galing ang scholarship na ‘yon?” “Sa kaibigan nga ni dad.” Hindi na ‘ko kumibo. Napansin kong minsan ay tinitingnan niya ‘ko. Hindi ko maiwasan na mainis kaya tumahimik na lang ako. Hanggang sa matapos kaming kumain at mahiga na kami pagkaligo ay hindi ko siya makausap. “Love, are you mad?” “Hindi ako galit, hindi ko lang alam bakit kailangan mo pa ‘kong paglihiman.” “Love—” “Iyong scholarship, sa inyo ‘yon, hindi ba?” tanong ko. Pinagkatitigan niya

