“Anong problema?” tanong ni Emil sa kausap niya sa cellphone. Inihahatid niya ‘ko an hour before sa start ng shooting. “Bababa na ‘ko, ‘wag mo na ‘ko ihatid hanggang sa loob. Sabihin mo na lang sa ‘kin anong problema, ha?” Hinalikan ko siya sa pisngi at lumabas na ng sasakyan. Mukhang may emergency sa kanila. Nag-aalala naman ako. Marami kaming ginawa ngayong araw, sobrang pagod, at kaunti lang ang pahinga. Itong araw na ‘to iyong hindi ko na nasamahang matulog si Emil. Pero kausap ko naman siya ngayon sa videocall. “Uuwi ka ba? Dalhin mo na ‘yong sasakyan, I’ll call dad na lang para padalhan ako,” sabi ko sa kanya. “Magbiyahe na lang ako, babalik din ako kaagad kapag stable na si tatay.” “Hindi, mas okay sa ‘kin iyong dalhin mo ‘yong sasakyan. Magpapadala naman si dad ng bodyguard

