“Bakit parang ako lang ang nalasing?” natatawang tanong ni Chanel kay Ashanti. Nagpresinta ‘tong ihatid siya. “Aba, napakarami mo kayang nainom! Hindi mo lang napansin dahil panay ang pakikipagkuwentuhan mo sa ‘ting Executive. Iyong totoo? Type mo ‘no?” nakangiting tanong ni Ashanti. Naglalakad na sila patungong silid. Nahihilo at tila umiikot talaga ang pakiramdam ni Chanel. Para bang habang lumilipas ang minuto lalo lamang tumataas ang tama ng alak sa kanya. Nagsisimula na rin maging blurred ang paningin niya. “Teka, hindi kaya nakainom ako ng gamot?” ani Chanel. Nabigla naman si Ashanti. “Loka!” tila ito naalarma. “Anyway, gusto mo lang iwasan ‘yong tanong ko sa ‘yo na type mo ‘yong executive na si Mr. Sy.” “Loka ka rin! Hindi ‘no! Siguro kung ibang pagkakataon. Pero I’m so in lov

