Chapter 46: CHANEL VILLALUNA

1881 Words

  Umalis ako kasama si Mother Jimmy. Hindi ko magawang gumawa ng komosyon. Tumawag ako sa kanya ng umiiyak at kaagad naman niya ‘kong pinuntahan. Paulit-ulit niya ‘kong tinatanong kung anong nangyari. Pero hindi ako makapagsalita, gusto ko lang umiyak nang umiyak. Panay din ang tawag ni Emil pero wala siyang message. Alam kong galit siya sa ‘kin. Parang sasabog ang ulo ko. Maging ang katawan ko kanina no’ng magbuhos ako ay halos sirain ko ang balat ko maging ang labi ko sa pagkuskos. Pakiramdam ko sobrang dumi ko. “Naghiwalay ba kayo?” tanong ni Mother Jimmy. Nag-aalala siya. Katabi niya ang driver niya. Narito ako sa backseat at iyak lang nang iyak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Parang iyong kasiyahang nararamdaman ko pinalitan nang sobrang tindi ng sakit. Iyong pangarap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD