Pinagtatabuyan ako ni Chanel. Nang makita ko ‘yong video, para ‘kong binuhusan ng malamig na tubig. Pagod na pagod ang pakiramdam ko pero biglang nawala ‘yon sa nakita ko. Alam kong sa hitsura no’n, naramdaman ko rin ‘yong galit pero pilit akong kumalma dahil ang video ay gawa ng ibang tao. Sa isipin na may nangyayari kay Chanel at hindi siya ay may hawak ng cellphone niya, paulir-ulit kong tinawagan ang messenger niya, maging ang cellphone niya sakaling hacked lang ‘yon. Napatakbo ako para bumalik. Mabuti at dala ko ang sasakyan. Hindi ko siya ma-contact, marami na ‘kong messages, chat, at call na hindi niya pinansin. Humingi ako ng tulong sa daddy niya dahil baka may numero siya ng kasama ni Chanel. Sinabi ko na ipasundo niya si Chanel. Hindi ko alam kung bakit nagawa kong magtaas

