Chapter 48: ANGELA CARLOS

1763 Words

Binunggo ko ang balikat ni Emil nang balikat ko kaya nilingon niya ‘ko at nginitian. Narito kami sa mahabang nakatumbang troso at nakaupo. Pinagmamasdan ang paglubog ng araw. “Broken hearted ka raw,” sabi ko na ‘di siya tinitingnan. “Halata ba?” natatawang tanong niya. Hindi talaga ‘to mag-da-drama at tatawa at ngingiti pa rin pero alam ko na kapag siya na lang mag-isa ay mag-iisip siya nang mag-iisip. Nalaman ko na dalawang linggo na siya rito at ngayon ko nga lang siya napuntahan. Alam ko na kung sino ‘yong babae kahit hindi ko itanong. Hindi ko lang alam kung umabot ba sila sa pagkakaroon ng relasyon. Pero kahit naman nginingitian niya ‘ko alam ko na hindi pa rin siya masaya. Natatahimik din kasi siya. “Ililibre kita,” sabi ko. “May pera ka ba?” tanong niya. Sinimangutan ko s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD