Malakas ang ulan kinabukasan kaya hindi natuloy ang shooting nila Chanel. Maraming lugar na rin ang bumaha dahil sa malakas na pag-ulan mula kagabi. Mabuti na lang din dahil mukhang pagod na pagod siya sa gabing ginapang na naman niya ‘ko. Hindi ko na siya ginising nang may tumawag nga na cancelled na ang kanilang shooting. Tulog na tulog siya at para na namang anghel. Naupo ako sa gilid ng kama. Habang umiinom ako ng kape ay nakatitig lamang ako sa kanya. Kahit tulog lang ang inuuwi namin madalas simula no’ng shooting niya, makita ko lang siyang maayos ay napapangiti na ‘ko. Good thing na rin siguro na nagsasama kami. Nagkausap kami ng daddy niya. Alam na niya ang relasyon namin. Mas lalong gusto kong bumalik na sa pag-aaral para makatapos na ‘ko at mas magkaroon ng malaking sahod.

