Naiinis ako at ‘di ko ‘yon mapigilan! What the f*ck is wrong with me! Bakit hindi ko maitago ‘tong inis na ‘to. Bago lang ang relasyon namin pero we are fighting kaagad?! Paano naman ay ibubungad niya sa ‘kin ‘yong gusto niya sa ibang lugar mag-aral. Ano ‘yon LDR kami? Bakit hindi na lang niya ‘ko bitbitin sa kanila kung gano’n, paniguradong hindi niya rin naman gusto ‘yong ideya na ‘yon. Tapos mababasa ko ‘yong conversation nila ni Angela! Oo, mali nga na makialam ng cellphone at kailangan din namin ng privacy. Pero sh*t naman! Napaparanoid lang ako. Lalo pa ngayon na may pa-gano’n pa silang conversation! Nakakairita. Ang mas nakakainis pa hindi niya gustong makipagtalo sa ‘kin at iniiwasan niya ‘ko. Mas lalo akong naiirita! Kung galit siya bakit hindi na lang niya ‘ko sigawan din?

