Masaya. Masaya ‘ko dahil masaya ang puso ko. Isinantabi ko si Angela, ayoko rin maging paranoid. Mas naging sweet na rin si Emil, mahilig na siyang manyakap, humalik sa ‘kin, at lambingin ako. Lalo kaming nagiging malapit sa isa’t isa. Iniisip ko na magbabago rin naman ang desisyon niya kapag na-realize niyang hindi niya ‘ko kayang iwanan. Mas pinagbuti ko rin ang pagta-trabaho. At kapag may time, nag bebe time kami ni Emil. Sapat na sa ‘min ang mag movie sa loob ng unit, kumain, magkape, at maglambingan sa kama. Totoo na sobrang saya ko kay Emil. Hindi ko na talaga matandaan kung naramdaman ko ba ‘to noong una ‘kong magmahal. Pero dahil sa dating pagmamahal na ‘yon nagiging paranoid ako kung minsan. Hindi ko rin naman maiwasan kahit alam ko naman na mahal niya rin ako. Minsan naisip

