“Napakarami ko namang schedule,” sumimangot si Chanel. Nananakit na kaagad ang ulo niya habang tinitingnan ang schedule ng interview at kanyang guesting. Tiningnan niya si Emil na nag-da-drive. “Mag mall tayo, Love,” sabi ni Chanel. Nilingon siya ni Emil. “Ngayon mo gusto? May two hours pa naman ang mall. Pero hindi ka ba pagod?” “Hindi, gusto ko mag mall na-stress ako. Gusto kong mag shopping.” Nag U-Turn siya para balikan ‘yong malapit na mall. Kinuha niya ang shade sa bag. “Hindi naman ako sikat na sikat pero may mga nakakakilala na talaga sa ‘kin. Pero hindi ko rin alam kung talaga bang marami akong fan, feeling ko nga one of this day may sasabunot sa ‘kin dahil sa galit nila sa ‘king role.” Natawa si Emil. “Kasama mo ‘ko, walang makagagawa no’n sa ‘yo.” Nangiti naman si C

