“Anong nangyari?” tanong ni Emil. Narito kami sa pinakamalapit na mall at nagtatanghalian sa favorite comfort food ko. Tinakasan ko lang si Mother Jimmy at Cassie. “Hm, babalik pa kami mamaya kasi hindi pa tapos,”sagot ko. “Kumusta?” tanong niya. Nangiti ako, “Sa tingin ko, nagawa ko naman ‘yong best ko. Kapag hindi ako nakuha, i-comfort mo na lang ako sa quickie natin.” Natawa siya. “Anong pinag-usapan ninyo ni dad?” tanong ko. “Wala naman, kinumusta ka lang niya at kumain lang din kami.” “Anong sabi mo? Mabait na mabait na ‘ko?” natatawang tanong ko. Nagkibit-balikat siya kaya sinimangutan ko nga. Hindi ko sinabi sa kanya na hindi na ‘ko mag-audition do’n sa isang daring na primetime. Mabuti na lang, dahil nauwi pa rin ako sa pag-a-audition. Tingin ko rin supportive talaga s

