Masakit ang ulo ko dahil sa sobrang dami kong iniisip. Sinusubukan kong huwag ma-guilty pero hindi talaga maalis sa isipan ko. Kung tutuusin hindi ko naman alam ‘yon. Isa pa, tapos na naman ‘yon. Pero ang hirap na hindi talaga isipin. “Marami ka bang ginawa ngayon?” tanong ni Emil sa ‘kin Minamasahe niya ang aking binti. Nakaupo ‘to sa carpet habang ako ay nasa sofa. “Marami, maraming scene na paulit-ulit pero hindi naman sa part ko. Normal na yata na maldita ako kaya wala silang problema sa acting ko,” sagot ko. Nangiti naman siya. Kapag nangingiti siya ay nadadamay ako. Emil is my sunshine. Iyong kahit anong pagod, irita, at over thinking ko ay napapagaan pa rin niya ‘yong loob ko. “Pero ayokong mapanood mo ‘yong palabas na ‘yon,” I pouted. “Bakit?” “It’s flirty and sexy.” “Per

