Hindi makatulog si Chanel samantalang himbing na himbing na si Emil sa kanyang tabi. Tam aba ‘yong narinig niya? Hindi ba ‘yon joke? Oh, masyado siyang nag-iiisip kaya kung ano-ano na rin ang naririnig niya. “Hay!” Niyakap na lamang niya ‘to at kahit nakakalma ang amoy nito ay patuloy pa rin ang pagwawala ng kanyang puso. I love you? Totoo bang narinig niya ‘yon? Dahil antok na antok siya narinig niya pa ‘yon pero tila nagising ang kanyang diwa. Pero hindi siya makamulat. Hindi naman nito inulit ‘yon. Paano kung naidlip naman pala talaga siya? Paano kung wala naman talaga ‘tong sinabing gano’n? Paano naman kung totoo ‘yon? “Hindi ‘yon totoo, no to being assumera!” aniya sa sarili. Nakatulog din naman siya pero parang kaiidlip niya lamang ay narinig niya nang ginigising siya

