NANG makita ni Sheryl ang laman ng paper bag ay bigla nitong naalalang lunes na lunes pala. "Kailangan ko ng maligo," wika pa nito at kinuha ang school uniform nito. Agad din siyang pumasok sa banyo. Sa kanyang paglabas ay nakabihis na rin 'to. Pero bigla 'tong nag-aalala nang maisip na nasa condo nga pala siya. Kung kaya bigla siyang nagmadaling naglakad patungo sa pintuan. Ngunit hindi pa siya nakakalabas nang makarinig 'to ng boses. "Saan ka pupunta? Hindi ka man lang ba magpapaalam sa akin?" tanong nito. "H-Hi, sir. Good morning po," wika nìto sa binata na may ngiting mapakla. "Hindi mo man lang ba aalamin. Kung ano'ng nangyari sa inyo kagabi sa party at bakit katabi kitang natulog dito sa condo ko?" tanong ni Elton habang ang dalawang palad nito ay nakasukbi sa kanyang dalawang

