"Hoy! Sheryl!" sigaw naman ni Rowena. "Si Sheryl ba 'yon?" tanong naman ni Jerry kay Roxanne nang nagkasalubong sila. "A-Ah. Oo, nagmamadali siya. May importante yatang gagawin. Sige Jerry, mauna na kami," paalam din ni Roxanne na iniiwasan ang binata. Napasimangot na lang si Jerry at nasabi sa isipang, "Iniiwasan ba niya ako? Bakit kaya?" Nagmamadaling tumatakbo si Sheryl at hindi nito napansing ang kanyang nasa harapan dahil sa pag-iiwas at tago kay Jerry. Hanggang sa mabangga nito si Jasper. "Ano ba? Hindi ka kasi tumitingin sa dinaraanan mo, tumingin ka naman," wika ng binata na naka kunot ang noo at nakatuon ang pansin sa mga nagkalat na gamit nito. Agad din nitong pinulot ang mga gamit na nabitiwan niya. "Ako pa ang hindi tumitingin sa dinaraanan. Eh, ikaw nga 'tong nakaharang

