Prologue
June 8, 2009
Jaaved
® unang araw noon ng klase walang masydong mga estudyante ang nagsipasok malamang ay hindi pa sila tapus sa kani kanilang mga bakasyon, lihim kung pinagmamasdan ang babaeng sadyang naiiba ang kanyang angking kagandahan lalo na sa aking paningin,hindi maitatago ang saya sa aking labi habang ngumingiti siya sa akin, haha how i wish ngunit sa akin nga ba siya nakangiti?
nakakapanghinayang nga lang naman talaga dahil alam kung ang mga ngiting yun ay sadyang hindi para sakin,kundi sa aking katabi,ngunit salamat na din dahil bahagyan kung napagmamasdan yung mga matang parang bituwin na kumikinang,yung perpektong korte ng kanyang mukha,ang hindi nito katangusang ilong na bumabagay sa manipis at mapupula nitong labi,bahagya akung napalingun sa katabi ko na halos hanggang tenga din ang ngiti,may kung anung kumikirot sa puso ko ngunit bakit nga ba naman niya ako mapapasin kung isa lang naman akung normal na estudyante kasama sa honor student,opo hindi sa pagyayabang ngunit may angking katalinuhan po ako,gwapo daw ako sabi ng aking ina ngunit sadyang hindi lang ako maporma gaya ng iba na ang buhok naka gel o wax samantalang ako kulang na lang maging idolo na si Jose rizal,medyo may katabaan pa, imagine niyo ba hindi naman sa panget ako kasu papasa na sa baduy ang pormahan ko pero handa akung magbagong anyo, mapansin niya lang ako.
Lumipas ang mga araw natutunan ko narin kung panu pomorma nakikita ko din naman ang aking mga kapatid na lalaki kung pomorma at kung panu mag ayus ng buhok,kontrolado na din ako sa pagkain,madalas na din akong sumali sa basketball para mag papawis, napapangiti ako kasi kahit papanu napapasin na niya ako dahil din siguro sa kilala din ako sa buong campus dahil anak ako ng alkade ng bayan namin pero kunti pa malapit na.
hanggang isang araw uwian nakita ko siyang nag aantay sa gate ng school, syempre dumamoves na ako.
''helow jannah mag isa ka lang? inaantay mo ba sundo mo?'' sunod sunod kung tanung bahagya siyang tumingin sakin at ngumiti woah nginitian niya ko!
"ah ikaw pala Jaaved! oo inaantay ko si papang'' nakangiting sagot niya
''ah ganun ba sige samahan muna kita'' ngiting sagot ko
''bakit wala ka pang sundo okay lang mauna kana'' nahihiya niyang turan
''ah wala pa eh samahan muna kita tara dun oh fishball bili tayo''
''talaga kumakain ka nun diba mayaman ka?'' manghang tanung niya oo may kaya kami at mayor ng bayan namin ang papa ko ngunit nanatili naman kaming simple lang at malapit sa mga mabababang tao at di naman ako ganun kaarte mas gusto ko pa nga ang mga ganitong pagkain sarap kaya.
''hindi sarap kaya niyan tara'' nauna na akung lumapit sa nagtitinda
'' manung dalawang baso nga po tag sampu piso po'' sabi ko kay manung. sabay abot ng bente saka ko inabot kay Jannah yung isang baso.
''anu gusto mung sawsawan maanghang o matamis'' tanung ko sa kanya
'' ah silang dalawa''
''anu pwede yun''
'' oo mix subukan mo kaya akin na'' kinuha niya yung baso ko saka niya nilangyan ng matamis saka maanghang na sawsawan tudo ngiti pa habang naglalagay at saka inabot sakin nakatigtig lang ako sa kanya habang sarap na sarap sa pagnguya,
"hmm sarap nga mukang mas mapapadalas pa ako ng kain neto dito ah" sabi ko sa kanya habang siya ang bilis niyang kumain alang kaarte arte, sakto naman pagkaubus namin dumating na yung papa niya, nagpaalam na siya at umuwe.
masaya yung mga sumunod na araw dahil sadyang nagkakausap na kami madalas ng magkasama hanggang sa ilang buwan na lang malapit na kaming magtapus masaya ako at isa na ako sa tinuturing niyang kaibigan marami na din nagsasabing gwapo ako kasi di na ako mataba kunti na lang nakataas na din ang mga buhok ko, masaya ang huling taon ng high school at mas naging close ko pa lalo ang mga kaklase ko lalo na sina Jhoniel at Ed mas napapadalas ko pa silang kasama dahil sa hilig din nila mag laro ng baksketball,at dahil hindi naman papahuli ang pormahan namin minsan nakamotor din kaming pumasok pero minsan may sundo ako dahil binabawal nila papa ang pag gamit ko ng motor delikado daw kasi,
madalas na wala kaming klase kasi busy ang mga Teachers lalo tuwing may mga program lalo na ngayon at intrams kaya heto kami at kumpulan dito sa room jaming lang dala kasi ni Ed ang gitara niya kaya naisipan namin na mag jaming!
"oh Jaaved kanta ka ano gusto mo na kantahin natin pagkakataon muna to haranahin si Jannah haha" bahagyang bulong ni Jhoniel sakin habang naka bilog kaming mga makaklase mangila ngilan lang kami dito dahil yung iba abala din dahil katatapus lang ng program ngayong umaga at maya maya mag uumpisa na ang mga laro at kasali din kami sa basketball si Jannah naman ay badminton.
natawa na lang din ako sa sinabi ni jhoniel pwede ah "haha loko ka talaga sige crazy for you nga ed pagbigyan natin si Jho" tawa tawa parin ako pasimple ko namang sinulyapan si Jannah na nakikipag tawanan sa mga kaklase namin.
"nice! hit it Ed!" palakpak pa ni Jhoniel na nakahanda naman para tapik tapikin ang upuan para gawing drums
at nagumpisa na nga si Ed sa pagtipa ng kanyang gitara
"Swaying room as the music starts
Strangers making the most of the dark
Two by two their bodies become one"
panimula ko habang nakatingin sa banda nila ni Jannah! sumabay na si Ed sa akin na siyang kinatingin na nila sa gawi namin bahagya pa silang natigilan dahil maganda ang blending ng kanta habang seryoso din si Jho sa paghampas ng kamay na akala mo talaga totoong drums ang tinatambol.
I see you through the smokey air
Can't you feel the weight of my stare
You're so close but still a world away
What I'm dying to say, is that
halos lahat na sila ay sumasabay sa kanta lalo na nung mag chorus.
I'm crazy for you
Touch me once and you'll know it's true
I never wanted anyone like this
It's all brand new
You'll feel it in my kiss
I'm crazy for you, crazy for you
Trying hard to control my heart
I walk over to where you are
Eye to eye we need no words at all
ang saya lang na ganitong bagay nagagawa naming lahat na masaya dahil eto madalas ang ginagawa namin dahil every week may Convocation ang school dahil isa itong Christian school every wednesday may dalawang oras para sa praise and worship bago mag umpisa ang klase.
Slowly now we begin to move
Every breath I'm deeper into you
Soon we two are standing still in time
If you read my mind, you'll see
I'm crazy for you
Touch me once and you'll know it's true
I never wanted anyone like this
It's all brand new
You'll feel it in my...
nasundan pa ng maraming kanta bago kami nagsibabaan sa room para tumungo sa gym para sa uang laro kalaban namin ang 3rd year students per year kasi ang labanan nauna ang basketball kasabay ng ilang mga laro susunod ang badminton at sepak takraw. buti na lang hindi kami sabay nila Jannah ng laro mapapanood ko pa siya.
dahil magagaling kami na upper year tambak ang laro at nanalo kami sa unang game. madali akong nagpalit at nayaya kila Ed at Jho para manood ng laro ni Jannah.
"hoy saglit lang wag masyado excited dre" tawa tawa ni jho habang sumusunod samin ni Ed
"haha alam mo naman kapag si baby girl ang usapan etong si Jaaved di papahuli" sagot naman ni Ed di ko sila pinansin tumayo na lang ako malapit sa field kung saan maglalaro sila Jannah single ang laro ngayon at kalaban niya ang pareho naming upper year section A kung sino ang mananalo sa kanila siya ang lalaban sa ibang year at magaling si Mira dahil mula pa elementary kami kasama na siya lagi sa palaro.
nag umpisa na ang laro at makikitang magaling din si Jannah sa una maganda pa ang palitan nila ng lalo halatang nilalaro lang ni Mira si Jannah ngunit di matatangi na magaling din si Jannah hanggang sa naging seryoso na ang laban pawisan na sila pareho talo si Jannah sa unang change court nanalo si Mira pero hindi nagkakalayo ang score hanggang sa lumabas na ang bilis ni Jannah
"Wooaah Go Jannah" hindi na namin mapigilan na mag cheer sa kanya bahagya din siyang tumingin sa gawi namin at tipid siyang ngumiti at tinanguan namin siya at ngumiti din ako pabalik nanalo si Jannah sa 2nd game kaya tie sila last set na sila at mainit na ang laro dahil pana na ang Kill ni Mira malalakas pa eto at nakaka ilang palit na sila ng Shuttlecock pero makikitang medyo hirap na si Jannah pero naiababalik parin ni Jannah eto nang hindi inaasahan ni Jannah na bilang mag ki Kill si mira dahil malapit lang eto sa net at sobrang lakas ng hapas ni Mira saktong sa mata natamaan ng shuttlecock si Jannah,
"Aray" bahagyang natigilan kami at akmang dadaluhan ko na sana si Jannah ng nauna na yung mga coach at si James na alalang tinignan si Jannah parang kinurot ang puso ko nung hawakan niya eto dapat ako yun kung mabilis lang sana akong lumapit kainis naman.
"ayos ka lang Jannah" tanung ni maam Sha,
"yes maam ayus lang po"
"namumula yung mata mo Jannah" sabat naman ni James na lalo kung kina irita kung makatingin kasi eto akala mo naman kung sinong close
"okay lang James lagyan ko na lang ng yelo pagkatapus ng Laro"
"maam sha pwede naman nating gawing Double nalang si Mira at Jannah dahil halos lahat naman ng mga year ay two representative sa palarong bayan na lang tayo mamili ng single na ilalaban as of now we can set them as partners what do you think" sabi ni sir andie
"pwede naman sir kung ganun we will end the game here, Mira and Jannah bukas ang makalaban niyo ay 3rd year ngayon ay wala na"
lumapit naman si Mira kay Jannah at nakipagkamay humingi din to ng pasyensya ngumiti lang si Jannah at sinabing "wala yun laro lang naman yun"
"Jannah you can go to Nurse Jenny para e check yang mata mo" sabi ni maam Sha agad namang nagpaalam si Jannah
"samahan na kita" si James nanaman naiinis na talaga ako dito sa lalaking to ah bakit ba masyadong lumalapit to kay Jannah
"ahem mukhang may Something sila" pang aasar naman ni Jho
"tara na nga nood na lang tayo ng sepak" sabi ko na lang dahil ayoko namang sumunod sa clinic
hanggang sa nag uwiaan hindi ko na nakita pa ulit si Jannah, kinabukas ay nagkatapat ng ang laro namin kaya hindi ko na siya napanood maglaro nanalo ulit kami at balita ko nanalo din sila Jannah hanggang sa final game na buti huli ang basketball na maglalaro mapapanood ko ulit siya
mapapahanga ka na lang talaga habang nakikita mo siya naglalaro yung mahaba niyang buhok na sumasabay sa tuwing gumagalaw siya at kapag sinasabi niya "mine" bago tumira ang ganda ng laro nila ni Mira halata mong nagbibigayan sila madaling natapus ang game nila at panalo sila kaylangan namin manalo para over all 4th year na nag panalo babatiin na sana namin siya nung lumapit nanaman si James para bigyan siya ng tubig.
"Tsk! walang panama ang Gatorade sa Tubig dre" pang aasar nanaman ni Jho hawak ko kasi yung gatorade para sana ibigay kay Jannah,
tinapik naman ako ni Ed sa balikat sabay sabing "next time dre galaw galaw din"
"tsk lets go tayo na ang maglalaro" iwas ko na lang sa kanila at nanguna na ako maglakad papasok sa gym iiling iling naman silang sumunod sa akin
kahit medyo badtrip ako habang naglalaro maayos parin namang natapus ang game at panalo kami.
natapus ang intrams at balik nanaman sa normal ang klase.
May isang araw na nakita ko ulit siyang nag aantay sa gate kaya nilapitan ko.
"wala ka pang sundo" i ask ngumiti siya pabaking sakin
"wala pa medyo late na nga eh Fishball?" ngiti niyang anyaya "tara" sabi ko sa kanya sabay kaming lumapit kay manong para bumili ng fishball at kikiam
ako na din ang naglagay ng sauce limang fishball at limang kikiam ang nilagay ko nakangiti siyang inabot yun at binibigay din yung bayad niya pero iniligan ko lang siya "libre mo na lang ako bukas sa breaktime" sabi ko sa kanya "huh okay sige" nang maubos namin wala parin siyang sundo pero nandun na yung sundo hindi ko naman siya magawang iwan dahil kakaunti na lang ang tao baka mapano pa siya "ah Jaaved ayun na yung sundo mo ayos lang mauna kana baka mag tricy na lang ako baka nakalimutan akong sunduin ni papa" medyo malungkot na yung mukha niya.
"kung ganun halika na drop na lang kita" sagot ko sa kanya
"ano malayo sa amin bario ako tas kayo sa bayan lang okay lang may sakay pa naman dun sa palengke nandun yung paradahan pauwi sa bario namin" tangi niya "okay halika na hatid kita sa paradahan na lang kung ganun" anyaya ko sa kanya wala na siya magawa nung igaya ko siya palapit sa sasakyan.
"kuya daan po tayo palengke sa may paradahan papuntang bario villa sanchez" sabi ko kay kuya Elmer siya yung driver namin minsan sumusundo sakin "Oh sige pero baka wala nang byahe ngayon pauwi dun anong oras na bakit kasi ngayon lang kayo pag ganitong oras wala ng byahe" sabi ni kuya elmer napabaling ako kay Jannah nakayuko lang siya sa likod tila alam din na wala na nga byahe sa ganitong oras
"kung wala na kuya pwede ba nating hatid si Jannah sa kanila" baling ko kay kuya elmer
"oo walang problema Jaaved dahil may idadaan din ako dun sa kamag anak ko dun sa bario kay kapitan pero kaylangan natin umuwi saglit para magpaalam sa mama at papa mo" nakangiti na sagot ni kuya siguro ramdam niya din yung nararamdan ko ngayon lang kasi niya nakita na may kasama akung babae, padating namin sa palengke wala na nga talagang tricy dun meron man pero kaylangan mong mag arkila ng tricy pauwi babayaran mo ang buong byahe tsaka delikado may nag offer nadin sa kanya kasu kinabahan ako dahil mag isa lang ni Jannah na babyahe kung ganun, bago pa siya makasagot sa tricy driver hinila ko na siya pabalik sa sasakyan.
"no Jannah hahatid ka nanamin ni kuya Elmer gabi na delikado baka mapano kapa sa daan let's go kuya" i open the back door at hindi na siya hinintay na makasagot pinasakay ko na siya dun. "Pero Jaaved nakakahiya naman gabi na baka Hindi ka din payagan nila mayor" mababang boses niya
"kasama ko naman si kuya elmer saka pupunta din si kuya Elmer dun dahil may idadaan siya sa kamag anak niya" sagot ko hindi nagtagal nasa bahay na kami bumaba ako at pinabuksan siya "come papaalam lang ako kila mama" yaya ko kay Jannah
"Ma nandito na ako" sabi ko kay mama nanonood siya sa sala sabay halik sa pisngi niya
"Ma may klasmate is here" bulong ko kay mama
"late na bakit ngayon ka lang oh your klasmate or girlfriend baby" nakangiting tingin ni mama na parang nanunukso nah how i wish ma haha
"Jannah mama ko pala ma this is Jannah klasmate ko po ihahatid namin siya sa bario villa sanchez, hindi po siya nasundo at wala ng byahe ng tricy so hahatid na lang namin kuya elmer" pagpapakilala ko sa kanila "wait ma i will change only Jannah saglit lang"
"Jaaved hindi mo man lang papakainin si Jannah!" sigaw ni mama oo nga nakalimutan ko naman na
"iha please maupo ka nakatawagan kana ba sa inyo para ipaalam na nandito ka at ihahatid na lang" kausap ni mama kay Jannah naririg ko habang papalapit sa kanila
"Ah magandang gabi po! hindi pa maam po naubusan po kasi ako ng load kay hindi pa ako nakakatawag kay mama.
"ganun ba oh akin na ang number ng mama mo ako ang kakausap baka nag aalala na yun and call me tita iha" namumula si Jannah nahihiya siguro nakita kung tinype naman ni Jannah yung number saka binigay kay mama nakangiti ako na lumapit sa kanya
"gusto mo bang kumain muna bago tayo umalis" anyaya ko sa kanya
"hindi na Jaaved busog pa ako dun sa fishball kanina" nahihiya niyang sagot sabay baling kay mama na ngayon ay may kausap na sa cellphone, kausap neto ang mama ni Jannah at pinapaliwag na ihahatid na lang namin siya, hindi na kami nagtagal at umalis para ihatid siya sa kanina malayo pala pero gamay na ni kuya Elmer ang daan kaya madali kaming nakarating sa kanila tudo pasalamat yung mama niya nung mahatid namin siya sa kanila, uumuwi nadin kami agad dahil gabi nadin nagpaalam na ako kay Jannah
"una na kami Jannah bukas ah yung libre ko" nakangiti ako habang kausap siya
"ha oo sige bukas na lang salamat ulit sa pag hatid" tumango na lang ako at sumakay na paalis buo na ang gabi ko ang tagal ko siyang nakasama haha di na ako makapa antay ng bukas pero kinabukasan hindi ganun ang inaasahan ko walang Jannah ang pumasok maghapon akong balisa bakit wala siya anong nangyari tinanung ko din si Kathy yung bestfriend niya pero hindi niya din alam. kinabukasan pumasok na siya pero ramdam kung hindi siya yung gaya na dati tulala siya kaya hindi ko na siya ginulo pa hinayaan ko lang baka may problema siya,lumipas ang araw buwan tanging pagtanaw at sulyap na lang ulit ako sa kanya.
hanggang magtapos na kami ng high school hindi na ako nakapagtapat sa kanya,siguro di siya para sakin kaya nung nagtapus kami sa highschool,yung balak kung sundan siya sa universidad na papasukan niya ay hindi ko na tinuloy sumunod na lang ako sa kagustuhan aking ina na ipadala sa maynila, alam kung wala pa akung mapapatunayan sa kanya kaya ganito na lang ako katakot magtapat sa kanya ngunit pag bumalik ako at wala ka pang nobyo J?Jannah pangako di na ako torpe sa araw na muli nating pakikita..
mahirap lumayo dahil alam kung maiiwan ko siya ngunit kaylangan para balang ayaw makakaya ko na, madami akung nakilala natutung bumarkada madaming taong nakasalamuha! ibat ibang uri ng tao at maraming na ding nagbago sakin lalo na sa pisikal kung anyo, ngunit ang laman ng puso at isip ko ay siya padin ang babaeng lihim kung minamahal..hindi ko siya iniwan bahagya parin akung nakikibalita tungkol sa kanya, nalungkot ako dahil sadyang naging malupit ang tadhana sa pamilya niya hindi ko man lang nagawang bumisita dahil kasalukuyan akung nasa ibang bansa para sa international training, natuwa ako dahil wala parin napapabalitang kasintahan si Janna, hindi na ako makapag antay na umuwe para makita at makapagtapat sa kanya,
naging maganda ang resulta na aking pag aaral nakatapus ako ng bussiness course, hindi rin nagtagal ako na halos ang kasalukuyang namamahala na sa aming negosyo kasama ng mga apat kung kapatid at sila mama naman sa aming probinsya dahil.kasalukuyang nasa larangan ng pulitiko ang aking ama,kahit busy nakikibalita parin ako kay Jannah,dumaan pa ang taon nakikilala na ako at aking pamilya sa larangan ng negosyo, ngunit sadyang nag iba na ang panahon iba na si Jannah na nakilala ko noon sa ngayon mailap sa mga tao nalaman ko din na naghihirap na sila at may sakit ang kanyang ina isa ang negosyo namin ang pinagkukuhanan nila ng pera kung nagigipit sila suki namin sila ng mga gamit sa pagsasaka mapa abono at binhi mapa palay o mais, ang alam ko naman noon maganda ang takbo ng sakahan nila ngunit simula ata ng makapagtapus kami ng high school ay tuluyan na silang nalugmok sa utang bali balita kasing matagal ng hindi umuuwi ang papa niya.
dahil na din sa sobrang desperado akung makuha siya nakagawa ako ng kasalanan na alam kung ikakagalit niya dinaan ko naman sa ligaw kasu sadyang hindi niya ako napapansin ginamit kung paraan ang utang nila sa amin para mapasa akin siya, oo alam kung hindi tama pero masisi niyo ba ako kung ito na lang ang paraan ko para makuha siya. alam kung labag sa kalooban niya ngunit dahil na din siguro sa wala siyang magawa napilitan siyang pumayag, ngunit akala lang ang lahat mas mahirap pa lang kasama ko nga at nakakasama ko abot kamay ko na! ngunit wala naman sakin yung pinakaimportanteng sangkap ng masayang pagsasama ang PUSO o PAGMAMAHAL niya pero di ako mapapagod na iparamdam sa kanya kung ganu ko siya kamahal na hindi lahat ng lalaki ay iiwan at sasaktan lang siya ipaparamdam ko lahat ng di niya pa nararanasan hangang sa araw na mahalin niya na din ako.. hindi ako susuko hanggat my pag asa. naniniwala ako hanggat mahal ko siya.