UMAYOS ng upo si Ava nang huminto ang sinasakyan nilang limousine ni Dimitri sa harap ng isang hotel sa Italy. Mayamaya ay bumukas ang pinto ng limousine at may nakita siyang isang naka-uniformeng lalaki na nagbukas niyon. At sa gilid nito ay nakita niya si Rocco at gaya ni Dimitri at naka-suot din ito ng formal suit. At sa halos ilang linggo ni Ava na nasa poder siya ni Dimitri ay ngayon lang niya nakita si Rocco. Paano naman niya ito makikita kung kinukulong siya ni Dimitri sa kwartong inuukupa. Minsan lang yata siya nito pinalabas ng kwarto at iyon 'yong inutos nito kay Edda na sa dining area siya kumain. At iyon din ang araw na nahimatay siya dahil sa sama ng pakiramdam. Hindi nga din niya magawang kausapin si Rocco dahil maliban sa malamig na ekspresyon ng mukha nito ay nakakaramd

