NATIGILAN si Ava nang paglabas niya ng cubicle sa restroom na kinaroroonan nang makita niya si Ellaine do'n. Nakita niyang nakasandal ito sa may sink habang matiim na nakatitig sa kanya, mukhang hinihintay nito ang paglabas niya sa cubicle. At mukhang nakita din nitong nagtungo siya doon kaya siya nito sinundan. "E-ellaine." "What are you doing here?" tanong ni Ellaine sa malamig na boses. "You promise me to stay away from Dimitri forever. But what are you doing here? And why are you with him?" halos magkasunod na tanong nito. Humugot naman si Ava ng malalim na buntong-hininga. "I keep my promise, Ellaine. Despite my efforts to stay away from him, he spotted me. Do you think I'm pleased? Dimitri forcibly brought me here." "What about you?" Hindi naman niya napigilan na itanong. Nap

