KANINA pa nakatingin si Ava sa gawi ng pinto. Hinihintay kasi niyang bumukas iyon at pumasok si Edda, may kailangan kasi siyang sabihin dito. Alam kasi niyang sa oras na iyon ay papasok na ito sa kwarto para dalhan siya ng lunch. Hindi kasi siya nagkaroon ng pagkakataon na kausapin ito noong dalhan siya nito ng breakfast. Late na kasing nagising si Ava kanina, pero paggising niya ay nakita na niya ang food cart na may lamang breakfast niya sa loob ng kwarto. Mukhang pumasok si Edda sa kwarto niya kaninang umaga para dalhan siya ng breakfast. At dahil tulog pa siya ay iniwan na lang nito iyon do'n. Hindi na nga din siya nito ginising at hinayaan na matulog na ulit. At mayamaya ay napaayos siya ng pagkakaupo mula sa gilid ng kama nang makarinig siya ng katok at mayamaya ay bumukas iyon.

