Kabanata IX: Ang Pagkakalat

2356 Words
Lunch break at DITO... YUCA "ATE Yu, may sakit ka ba?" narinig kong tanong ng emong katabi ko.  Hindi ko agad ito nilingon kaya 'di ko inaasahan ang pagpatong nito ng likod ng palad at dinama ang noo ko. Agad akong napatingin sa gawi ng kapatid kong nakatingin rin pala sa amin and I saw how one of her brows arc when Hale did that gesture to me. Agad naman nitong binawi ang tingin ng nakita nyang nakatingin ako sa kanya at nagkunwaring bumalik sa pagkain. "Yes, I'm fine." nakangiting sagot ko sa emo at pasimpleng tinanggal ang kamay nitong nakadama pa rin sa noo ko. "Hindi mo kasi kinakain ang pagkain mo. Baka po magkasakit ka." mababanaag naman ang sincerity sa mukha ng bata and she's so cute kaya 'di ko naman kayang ignorahin lang ito. Concern lang naman ito at wala namang malisya ang ginagawa nya, 'di ba? "Okay lang ako. Don't worry." I reassured her kasabay ng pagtapon ko ng tingin sa mesang 'di kalayuan sa amin. "Kahapon pa yan walang gana si Yu, eh." buking sa akin ni Marga. "May sakit ka, te? Magpahinga ka naman. Baka masyado mo ng kinacareer ang pagiging teacher's assistant mo?" nag-aalalang epal ng kapatid ko. I smile to my sister. Akala ko dideadmahin na naman nya ako. And of course, kalat na sa buong VBS ang pagiging teacher's assistant ko kay Augustina. "No, hindi naman." sagot ko. "Hindi naman masyadong mabigat ang pinapagawa ni Miss Stone sa akin." dagdag na sabi ko kasabay ng mabilis na pagtapon ulit ng tingin sa mesang iyon, na pinagsisihan ko rin dahil super saya ng mga taong nasa table na yun.  Hayy, ba't 'di ko napansin ang closeness nila? Tsk. Too late. I'm too late. I talked to Ark na wag na munang ipamalita ang newsflash namin. I convinced him na gagamitin lang namin yun pag pinag-initan kami ng teacher. Luckily, naniwala naman sya sa akin pero ang totoo, ayaw ko lang masira si Miss Stone. "Kahit magkasakit pa si Yu. She will never miss the opportunity na 'di makasama si Miss Stone." parang wala lang na sabi ni Issa tsaka sumubo ng pagkain. Lahat kami napatingin dito. Naglalakihan naman ang mga mata kong tinapunan ito ng masamang tingin. "What?" takang tanong nya ng makitang nakatingin kaming lahat sa kanya. Pinanlakihan ko pa ito ng mata, saying a what-do-you-mean-by-that look. "What do you mean, te?" tanong ni Yaci dito. Tinignan ko si Issa ng umayos-ka look pero nginisihan lang ako ng nerd. "Ah, I mean, ano... " nakangisi pa rin ang bruhang nerd. Wag nyang masabi-sabi sa mga to na narinig nya akong makipagdebate sa sarili dahil kay Miss Stone. Malalagot talaga to sa akin. "Yu will never missed that opportunity kasi plus points yun sa kanya tsaka andaming benefits, 'di ba Yu? Mas napagaan ang loads mo sa subject nya dahil 'di mo na kailangan mag-effort to take notes dahil provided na ito as her assistant." diniinan pa ng bruha yung last word nya tsaka ngumiti ng nakakaloko sa akin. Tinaasan ko lang ito ng kilay pero narelieve din dahil 'di nya ako pinagkanulo. "Ahh ganun ba. Ayos naman pala maging teacher's assistant." halatang naconvince naman ang kapatid ko.  Hindi ko naman napigilang 'di tumingin sa gawi ng kabilang mesa. In case you're wondering sinong naroon, hmm yung crush na teacher ko lang naman kasama yung lover nyang teacher at isa pang lalakeng teacher. 'di ko maiwasang pagsikipan ng dibdib sa nakikitang kasiyahan nila habang kumakain. Awts, my first broken heart. Ouchie! "Pero ate, 'di ba andaming nag-approach sayo maging teacher's assistant nila? You declined Mr. Tulfo III, Miss Blanca at Miss Zobel. Bakit kay Miss Stone ka lang pumayag te?" Yaci is being nosy. My ged, nilagay pa ako sa hotseat ng kapatid kong to. "Oo nga, Yu. Bakit nga?" epal na rin ni Marga na kanina pa sambakol ang mukha. "Oh come on. Isn't it obvious? Dahil super hot ni Miss Stone kaya napapayag si Yu na maging teacher's assistant nito." sagot para sa akin ng joiner na feelingerong nobyo ni Issa, si Orzon. Yan ang dahilan kung bakit sambakol ang mukha ni Marga. Actually, 'di lang si Marga ang may ayaw dito, lahat kami kaso respeto na lang kay Issa kaya kami nakikisama sa douchebag na nobyo nito. "Pinayagan kang magsalita dito, dude?" bara dito ni Marga. "Family matters to, kaya wag kang umeepal. Nakikiupo ka na lang nga, nakikialam ka pa." "Marga," tinaasan ng nerd ng kilay si Marga. Umismid lang ito. Nagpaawa epek naman si Orzon. "Basta ako, I'm part of the family. 'Di ba, baby?" nakangiting akbay sakin ni Marlo. Oo, narito rin sya at katabi ko pa. Siniko ko naman ito sanhi par tanggalin nito ang kamay na nakaakbay sa akin. "Ouch! Sarap mo talaga magmahal babe. I love you too." dinaan nya na lang sa biro ang ginawa ko. Ang insensitive talaga ng taong to. Sinimangutan ko na lang ito dahil pinagtawanan kami ng mga kasamahan namin. "Ate ang cute nyo ni Kuya Marl. Bakit 'di mo pa sya sagutin?" sabi ni Kame. "Kasi hindi naman lalake ang gusto ni Ate Yuca." muntik naman akong nasamid sa sinabi ni Earn. "Di ba, ate Yu? Like Tita Yumi and Tita Dani, ganun din ang gustong mangyari ni ate Yu sa lovelife nya." parang matandang sabi ni Manong Earn. Nakakaamazed 'tong mga batang 'to. Nakita ko namang nagsalubong ang kilay ng batang si Kame. "Tsk. Hindi mo pa naiintindihan kasi bata ka pa." dagdag pa nito na iniiling-iling ang ulo. Dun na kami napahagalpak ng tawa except kay Orzon na nakasimangot para pansinin ni Issa pero 'di naman ito pinapansin ng huli. Huh! Buti nga sa kanya. Nagtataka namang nakatingin lang yung dalawang bata sa amin. Kung makapag-usap lang kasi sila'y parang sila lang ang nasa mesa. Tsaka kung makaasta si Earn, parang 'di lang sila magkaedad ni Kame. Mga batang to talaga. We were laughing so loud never minding those other students na nasa DITO rin, 'di tuloy kami naging aware na nakatingin na rin yung teachers sa amin dahil ang ingay na namin. Ako ang unang tumigil sa pagtawa when I saw Augustina and the rest of the teacher are eyeing us. Pasimple kong pinatigil ang mga kaibigan ko at sinabing teacher's alert, at nakaintindi ang mga itong tumigil pero humahagikhik pa rin. In some cases, kung may teacher man o wala, 'di ko naman pinipigilang mag-ingay 'tong mga 'to but since nagpapagood shot ako kay Miss Stone, na hindi ko alam kung ano pang use, eh pinatigil ko na sila. Ewan ko, pero ayaw ko talagang madisappoint si Miss Stone sa akin. "Ikaw Earn, ha. Ke bata-bata mo pa me alam ka na sa ganyan." kastigo ni Issa sa bunsong kapatid pero hindi naman ito galit. "Sinong nagturo sayo ng mga ganyan?" "Wala, ate." sagot ng bata. "Practical lang ako. Kasi I know how much Ate Yuca idolize her parents. And kung anong kinalakhan mo, maadopt mo rin, 'di ba? Tsaka I know, Ate Yu and Ate Yash are gay as well as yung iba rin dito. May tinatawag naman tayong 'pakiramdam'. Si Kuya Marlo lang naman yung nagbubulagbulagan. Ayaw nyang tanggapin na ganyan na si Ate Yu." sinupalpal na agad ni Earn si Marlo kasi sasagot pa sana ito pero naunahan na ito ng bata. Natatawang tinapik-tapik ko na lang ito sa likod. Tawang mahina naman ang mga ibang kasamahan namin except kay Orzon na naman na mas lalong sumisimangot para magpapansin kay Issa but poor guy, Issa's nonchalantly joining in our conversation. "Wow, Ate Yash. Tomboy ka rin?" parang newsflash yun para kay Kame. "Yes, baby doll." nakangiti at proud na sagot ng aking kapatid at kumindat sa emong nakatitig na rin pala sa kapatid ko. Well, nagulat rin ako sa pag-amin nyang yun dahil noon 'di nya naman talaga sinasabing ganun sya dahil 'di pa daw nya alam. Pareho kasi kaming walang napagkakainteresan nung tinanong ko sya. Noon. But I guess, naconfirm na nya at alam ko kung sino ang dahilan ng pag-a-out nyang to. "See? I told you she's gay. Lagay mo na lang sa account ko yung 20k ha." kaswal na sabi ni Earn kay Kame. Nagulat kami sa sinasabi nila. "Pinagpustahan nyo ang s****l orientation ko?" bulalas ng kapatid ko. Paknonoy talaga ‘tong mga batang to. Nagpustahan pa. "Oo te." Earn and Kame grinned at nagpeace sign. "Kailan pa?" takang tanong ni Yaci. "Matagal na po. Ngayon lang kasi naconfirm. Hihi." pacute na sagot ni Earn. "Oh, nalagay mo na ba? Kasi kailangan ko ng pera." baling nito kay Kame. "Tapos na." sabad naman ng babaeng bata at binalik ang iphone sa bulsa ng blazer. "Luhh, susumbong kita kay Mommy, Kame. Tsaka kailan ka lang natutong makipagpustahan ha?" si Ark. "Alam ‘to nila mommy, kuya. Nakisali nga rin sila." kibit-balikat na sagot ni Kame. "Woah? What do you mean, alam nila?" it was Ici who ask. Si Coco, napakabusy sa cellphone. Malamang naglalaro na naman ng dota 2 or coc. "Nakipagpustahan din ang mga Inay ko." sabi pa ng batang babae. "Actually, they spread it to their friends the news now about the sexuality of the Tan sisters. 'di pa ba kayo nakakareceive ng text, te?" takang nagkatinginan naman kami ng kapatid ko. Tong mga batang 'to, pinagpustahan pala talaga kami at kasali pa si Tita Mara at Tita Kara. Ang ungas talaga ng mga Tita kong yun. I was about to answer when I felt my phobe vibrated at sabay pa kami ni Yaci nagcheck sa mga mobile namin. It was a text from my Moms saying, "We are so proud of you, mga anak. You’ve grown balls to face the truth of your true self. Don't worry, we will support you and love you no matter what. Lablab!" Nagkatinginan na lang kami ni Yaci at nagtawanan. Nagtataka namang nakatingin yung mga kaibigan namin sa amin. What a great mothers, eh? Syempre, dapat suportahan talaga nila kami dahil ganun rin naman sila at mga anak nila kami kaya wala silang choice kundi tanggapin kami. As if naman shocking news pa yun pag nagkataon. Mas kilala nila kami kaya I know, maliliit na unicorn pa lang kami, alam na nilang mahilig kami sa color rainbow. "So, dahil binisto nyo na kami and sabi pa ni Earn matalas ang 'pakiramdam' nya at kaya nyang mapoint out kung sino ang mga gay dito sa pamilyang to, then spill." nakangising sabi ng kapatid ko. Oh well, this is gonna be fun. "Oo nga, Earn. Ayusin mo ang pagkakalat kung ano mang nalalaman mo at bawiin mo ang sinasabi mong tibo 'tong baby Yuca ko." sabad ni Marlo na pasimpleng hinawakan ang kamay ko pero pinalo ko ito ng mahina kaya 'di nya naituloy. Narinig kong humagikhik ang katabi kong emo at si Yash yo, natulalang nakatingin sa katabi ko. Oh my, tinamaan rin yata ni Kupido ang baby sis ko. "What would I gain if I did this revelation thingy?" kakaiba talaga 'to si Earn. Kailangan pang may kapalit. "Namumuro ka, Earn. Laki na nung 20k ni Kame, ah." sabad ni Coco pero 'di naman nag-angat ng ulo. But atleast, nakijoin din sa usapan at kinagalitan si Earn. "Tuloy mo yan basta balatuhan mo lang ako." Nge! Akala ko nagalit, yun pala kinunsinti ang bata at nakihingi pa ng balato. "Alis na ako, hun." banta at epal ng bruhong si Orzon. Sus, nagsalita pa. Bakas ang pagkaalarma sa mukha ni Issa at pinigilan ito. "Woosh! KeeShPee!" inubo ni Marga yung last word. Totoo namang KSP lang yang taksil na si Orzon. If I know, makikipaglampungan lang yan sa ibang chick at ito namang martyr kong prenship, nakz, pininigilan talaga ang nagkukunwaring nobyo. "No hun, dito ka lang. Please." at niyakap ito ni Issa. Ngingisi-ngisi naman ang burho sa amin na parang naisahan kami pero ng nakaharap na kay Issa ay nakapuppy look na ito. Akala mo naman cute! Ang bulag lang ni Clarissa. Apat na nga ang mata, 'di pa nakikitang demonyo ang nobyo nya. Aambanan sana ng suntok ni Marga si Orzon pero maagap na napigilan ito ni Yaci. Pikon pa naman yang kaibigan kong yan lalo na pagdating kay Issa. "Ganito, Earn." salita ng kapatid ko pero nakahawak pa rin sa braso ng namumulang Marga. Panu ba naman kasi, ngingisi-ngisi pa rin si Orzon at ang masaklap, kami lang ni Marga at Yaci ang nakakapansin dahil may kanya-kanyang business ang mga tao sa table namin. Coco, Marlo and Hale are busy playing dota 2 against each other. Medyo nag-iingay na nga rin sila sa table namin. Samantalang, napakabusy sa paglalampungan ang magkasintahang Ark at Ici. Yung dalawa namang bubwit, si Earn at Kame, nagdodrawing sa tab nya si Kame habang kinukulit ni Earn. Hindi kami matapos-tapos kumain dahil nga andami naming business. Ang busy namin ano? Masanay na kayo, basta kami, magkakasama ganito kami kagulo. "Earn?" tinapon ni Yaci ang natirang cucumber nya sa bata. Bad move yun ng kapatid ko dahil, pag ganyang nagtatapon ng pagkain ang isa, na lagi naming ginagawa dito sa DITO na so far 'di pa kami nahuhuli, it means food war. "Food waaaar!" pa-roar na tumayo ang batang si Earn at sinimulang tapunan ng french fries kaming lahat. Nabuhay naman ang ibang kasama namin at dun na nga nagsimula ang batuhan at liparan ng pagkain sa DITO. Nakisali na rin ang lahat ng estudyante dahil aminin, masaya naman talaga 'tong ginagawa namin. Halakhakan, tawanan at wala kaming pakialam na nagtapunan ng mga pagkain, sauce, gravy, at utensils sa DITO. Nagkukumahog naman ang mga crew ng resto para pigilan kami pero 'di kami nagpapigil. Nagkatinginan kami ni Marga at nagkaroon ng mental agreement na gumanti kay Orzon. So, ang ginawa namin, with the help of Yaci, we randomnly throw gravy at foods sa mukha nito. Ayun, sapul! Nagsisigaw itong nakakapit sa matang nalagyan ng maanghang na gravy. To the rescue naman ang dakilang nerd dito at pasimple kaming naghigh-five ni Marga at Yaci. Nagliliparan pa rin ang mga pagkain at kami nama'y nagtutumba ng mga table and chairs sa DITO. Ang saya 'di ba? Tatawa-tawa pa akong tutumbahin sana yung isang table ng mapatigil ako sa kung sinong tumayo sa harapan ko. She was looking at me with pure disappointment. Nawala tuloy ang saya ko sa diwa and I stood frozen at nakatitig lang sa crush ko, kasabay ng pagkarinig ko ng aming guidance councilor na sumisigaw at pinapatigil kami gamit ng megaphone nya, na si Miss Blanca. Uh-oh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD