YACI
"ATE, okay ka lang?" naramdaman kong hinawakan ako ni Earn sa isang braso ko.
Si Earn na kapatid ni Ate Issa. Anak ni Tito Basilio and Tita Clara. He is the balladeer in the family and pareho kaming member ng music team sa VBS.
"Ah, oo." sagot ko while still looking at the hot emo whose wearing her tennis gear. I can't take my eyes off of her kasi sa totoo lang, naglalaway na ako. Naglalaro pala sya ng lawn tennis? Shucks! Akala ko paemo na clumsy lang sya pero I underestimated her. Nakuu, ansexy! "Mauna ka na." taboy ko dito.
Tapos na naman kaming magpraktis para sa event sa friday. Pabalik na kami sa room nya para kunin ang gamit nito. Tinignan nya ako ng matagal pero hindi na ito nagsalita dahil hindi naman ako sa kanya nakatingin. Maya-maya lang, nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag-alis nya.
"Diretso sa dorm ha!" pahabol ko pero 'di pa rin nakatingin dito kundi sa emo na nagwawarm up.
Hindi ko na narinig kong sumagot ito. Nahigit ko kasi ang hininga ko when the emo looked at me. Lakas kasi ng sigaw ko! Sheyt! Nalaman nya tuloy na narito ako.
Hindi ko malaman ang gagawin kaya ang initial reaction ko ay ngumiti dito at diretsong tumalikod upang maglakad palayo. Ayeee, nahiya ako agad.
Hayy, stupid, Yaci! Duwag! Torpe! Walang love life na mangyayari sa'yo kung ganyan ka!
I'm scolding myself. Uh-huh. Tsaka panu nga magkakalovelife 'tong batang ere kung ang big sistah ko naman ang gusto ng emo. Ahayyy, anshaket.
"Yash!" I am hearing an angel calling my name. Anghel nga ba? "Yash!" Muling may tumawag sa aking. Wait... confirmed! May tumatawag sa aking anghel!
With sweating hands, lumingon ako. At nakita ko ang emong anghel pala ang tumawag sa akin while she's jogging towards me. The odd thing was, parang naging slow motion yung pagtakbo nya at ako nama'y nakangangang nakatingin lang dito habang papalapit ng papalapit ito sa gawi ko. Potek! Yung puso ko mga mare, pakiayos! Nagdudugudug ng sobra! Aist!
"A-anong :'$$"! Kkbvgskk?" tumaas ang kilay nito. Mismo ako, 'di ko naintindihan ang sinabi ko. Panu ba naman kasi, nabulolol, nabuloolo, nabubu-- sheyt! NA.BU.BU.LOL. ako!
"Huh?" kunot noong tanong nya. Nasa harapan ko na ito at metro na lang ang layo. Ambango kahit pawisan na sya. Anshexy pa rin kahit pawisan, sarap halikan sa leeg, pababa sa--- "Yash?" tawag nya uli sa akin at nakataas ang isang kilay.
Oh sheyt! Did she caught me looking at her boobs? Oo mga mare, dun nakatutok yung mga mata ko bago nya ako tinawag. Bwiset na teen hormones 'to. Whew! "Ba-bakit?" I manage to say.
Tumaas lalo ang kilay nya. Argh! Panu ba ako makakamove on sa like-like ko sa dalagitang ito kung ganyan sya ka cutie patotie? My emo barbie! Haist! Jusko tulungan nyo po ako. Bigyan nyo po ako ng lakas!
"Are you looking at my boobs a while ago?" I mentally choke! Deym!
I didn't know she was this straightforward. What to do? What to do? Clever plan Yash! Muster a very clever alibi! Parang naimagine ko pang nagseparate yung soul ko sa physical body ko. Mygad!
"May dumi kasi sa shirt mo. Sa bandang you know." toinks. Yun na yun, Yash? "Kunin ko ha?"
Hindi ko na ito hinintay magsalita dahil sambahin ang lahat ng santo sa kalangitan sapagkat meron talagang dumi sa bandang dun nya. Pasimple kong pinagpag ang dumi and felt the softness of her boob, naramdaman ko namang nanigas ito. Heaven! Nasa langit na ba ako? Hihi. Sino gusto magpaturo ng tsansing 101? Gumagaling na ang batang Yaci mga tsong. Whose your mommy now?! Nyahaha!
"T-thank you." I heard her say pagkatapos kung gawin yung pagpapagpag sa damit nya.
I can't help to plaster a huge smile. More like an evil smirk na nakaisa. But yeah, yung sweetest smile ko lang yung binigay ko. Tapos ayun, natulala ang emo. Anong nangyayari kaya dito?
"Hale?" I waved my hands in front of her face tsaka naman parang natauhan ito. Tumikhim muna itong napayuko at hinawi-hawi ang bangs. That was a sweet gesture of her. Shucks Yaci, lahat ng bagay napapansin? Tumahimik ka, brain!
"Hmm... nga pala, what are you doing here?" tanong nya.
"Nag-aaral ako dito, remember?" biglang yun na lang lumabas sa bibig ko. Ayts, me and my big mouth. Baka isipin nyang pabalang ako kung sumagot. Bawas ganda points na naman 'to. Fudge. Gusto ko na lang sampalin ang bibig ko eh. Grr.
"Oh yeah." sabi nito na nagblush. Nagblush? At bakit? Ayee, ancute. Ankyut kyut nya. Nakakagigil. Sarap halika-- "I'm gonna go practice. Nice to see you." sabi nitong tumalikod na sa akin. Hala. No, no, no.
"Hale!" tawag ko dito. Buti na lang tumigil ito.
"Bakit?" balik na tanong nya.
This is the moment, Yash! You can't miss this out!
"Can I watch you play?" Nahigit ko ang hininga pagkatapos ko syang tanungin.
Maghahaperventilate na ata ako kasi for a moment hindi ito nagsalita. But I saw a smile flash in her face tsaka tumango, extending her hands to me. Patakbo ko namang inabot ang kamay nya at nginitian ito ng pagkatamis-tamis tsaka kami bumalik sa court. Ang saya ko lang kasi kahit sa ganung paraan, napapalapit ako sa kanya. Hindi naman ako umaasang magkakagusto rin sya sa akin pero okay na rin sa akin ang ganito, yung tinuturing nya akong kaibigan.
Weh? Wag ka ng umepal BRAIN!
Hindi ako maghuhugas ng kamay! Bwahahahaha!
+++
KINABUKASAN...
YUCA
"Hoy bayot! Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" untag sa pagde-daydream ko ni Ark.
Istorbo talaga 'tong bading kong kaibigan kahit kailan. Hindi ko ito pinansin, instead nakatingin pa rin ako sa teachers table at hinihintay ang magandang binibining uupo doon. The usual, early bird pa rin kasi ako na mas lalo naging maaga pa sa usual time in ko sa school dahil kay mademoiselle Augustina. Hayeee...
"Best? Hello?" si Marga naman ngayon ang pinagpapaypay sa mukha ko ang isang kamay. Nada pansin. Masaya lang talaga ako. Tsaka excited na akong makita sya. Oo, sya. Eeehhh...
"Malala 'to. May mental bang malapit dito?" si Issa ata yung nagsalita. Hindi ko na alam basta alam ko nagbell na. Umayos ako ng upo wearing my sweetest smile. Tumahimik na yung seniors. Wow talaga. Kami na yung mababait.
"Good morning, class." bati ng teacher sa amin.
"Good morning, sexy, ganda, beautiful, gorgeous!" yun ang mga sagot namin. Ngumiti lang namang napailing ang teacher sa amin. Buti na lang 'di sya nagalit.
"Thank you, class." nakangiting sabi nito at sumulyap sa akin. S-sumulyap sa akin? Hallucination? Imagination? Oh hindi! I swear, ninakawan nya ako ng puri. Chos! Tingin lang pala. "But seriously, you need to call me as Miss Stone when I'm in class. Sa labas, you can call me anything you want. Is that clear?" sabi nito at parang mga tutang sumang-ayon ang mga seniors. Wow. Just wow! Ang charmer talaga ng Augustina ko.
Ko? Sa'yo sya, Yu? Shhh brain! Wag naninira ng moment ha! 'kay. Sabi nya tawagin daw sya ng kahit ano. Hmm, edi tawagin ko syang MAHAL KO. Ayieee!
"Good. Then let's begin with our lesson for today but before that," sabi nya and this time she's looking at me, 'di na 'to hallucination, imagination, exaggeration, but really, she is looking towards me with that knee wobbling smile then proceed to talk. "Ang daming task na binigay sa akin ng mga heads that's why I'll be needing an assistant." nagsimula ang bulungan. Ang iba'y nagpresenta sa sariling maging assistant nito. Ngiti lang ako. Hindi ako affected. "So, nakapili na ako." my classmates groaned. Ako? Lapad ngiti, 'te. Haha! "Anumang lahat ng concern nyo regarding my subjects I'm handling with you, ipaalam nyo lang sa asisstant ko. Miss Tan, come here in front." tawag nya sa akin at agad naman akong tumalima. Super feel na feel ko naman yung moment dahil bakas na bakas ang inggit sa mga mata ng classmates ko. Lumakad akong parang nasa catwalk.
Ako ang nagwagi! Sa puso nya din kaya? God, my thoughts are so embarrassing but I like it! I am so pumped!
"Ansabey! Ang ganda mo, 'te!" narinig ko pang bulong ni Ark. Ngumiti lang ako ng 'di masyadong obvious, pero ang lapad na pala ng ngiti ko, habang tumayo sa harapan, katabi ni Miss Stone. Hayaaa...
"That's my girl! Wooh. Mas lalo pa akong gagaling sa subject na 'to, baby!" sigaw ni Marlo. Tinukso naman kami ng mga kaklase namin. Aist! Panira moment! Hindi ko alam pero bigla akong napatingin kay Miss Stone and saw how her brows arc while looking at Marlo whose winking at hayagang nagpiflirt sa akin sa oras na yun.
"Okay guys, quiet!" ginamit na ni Miss Stone yung teacher tone nya. Yay! Nakakapanindig balahibo yung ganung boses nya. Nakakaturn on. What? Really? Ganun talaga yung nasa isip ko? My ged! Tumahimik naman ang madla. "If you really want to pass my subjects, we really need to deal with your attitude, guys. Hindi porke't mga anak mayaman kayo'y pwede na kayong maghari-harian sa klaseng 'to. As long as your in the four corners of this room, ako pa rin ang masusunod. Nagkakaintindihan ba tayo?" hindi naman nya sinagaw yun pero grabe dude, nakakatakot pala si Miss Stone kung nasa teacher tone ito at the same time, ang hawt!
"Y-yes, ma'am." sabay na litanya ng seniors. Wow. Nagcast siguro ito ng spell sa klase namin, naging masunurin lahat ng kaklase ko eh pati ang mga usual na makulit kong bestfriends.
"Good. So, all I need is your cooperation and respect. And Yuca here," she motion her hand towards me at hinawakan ako sa balikat. Reaction ko? Stiffened! Nakakapanghina. "will be my assistant, starting today. And besides, she's the top student in your class kaya I know irerespeto nyo sya." ngumiti na uli si Miss Stone at binitiwan na nya ang balikat ko. I compose myself dahil sa simpleng pagkakahawak lang nya na yun ay para na akong dinuduyan sa langit. God, kung alam nya sigurong ganito ang iniisip ko sa kanya, sigurado akong 'di nya ako kukuning teacher's asisstant nya. "Now, let's start our lesson for today. Please pass them these sheets, Yu." mabilis pa ako sa alas kwatrong sumunod sa iniuutos nito.
Gusto ko rin naman 'tong nangyayari dahil napakalaki ng benipisyo bilang teacher's assistant. Bukod sa exempted ka sa quizzes at free notes, makakasama ko pa lagi si Miss Stone. Not that may plano akong masama sa kanya ha pero atleast mapapalapit ako dito. Admitttedly, ang lakas kasi ng pagkakacrush ko dito. Err.
I have never felt this too much attracted to a person. Wala naman sana akong problema sa attraction na nararamdaman ko dito dahil normal lang naman yun but the fact that she's my teacher and a straight woman ay lusaw na lahat ng pag-asa ko. Kaya kahit ganitong bagay na lang, hanggang sa mawala ang attraction na nararamdaman ko dito'y gusto ko pa ring mapalapit dito.
I am a hopeless romantic, 'no? Well, ganun talaga basta unrequited love. Chos.
At yun nga ang naging role ko, kung nasaan ang klase ni Miss Stone na hindi naman conflict sa schedule ko'y naroon rin ako. Ang saya lungs! Kasi kitang-kita ang inggit sa mga mata ng ibang victorians pero meron ding ibang estudyante na nagsasabing mas maswerte si Miss Stone dahil ako'y pumayag maging assistant nya. Hindi nyo kasi natatanong, bukod sa nasa popular circle ako ng school, ako talaga ang laging maasahan ng mga guro ng VBS. Maraming guro ang nagtry na gawin akong teacher's assistant pero si Miss Stone lang ang pinahintulutan ko.
Crush mo kasi! Shhh! Wag maingay, brain!
"Yu, pag-inaaway mo nga sarili mo, wag yung masyadong halata." sabi ni Issa na nasa tabi ko na pala. "Tsaka ang lakas ng boses ha. Sabi ko na nga ba't may crush ka kay Miss Stone eh." tudyo nya sa akin.
Kasalukuyan kaming nasa hallway. Free period na rin kasi at tapos na ang pag-assist ko kay Miss Stone. Ang bilis tumakbo ng oras, walang pakisama! Ngayon, balik trabaho na ako. Ang kumuha ng best photos para sa Surat.
"Huip! Hinaan mo boses mo baka may makarinig sa'yo." bulong na sabi ko dito at tinakpan ang bibig nito. Lumingon pa ako sa paligid para i-sure kung may nakarinig sa kanya. Luckily, walang masyadong tao sa hallway at kung meron man, busy ang mga ito sa ginagawa.
Natatawa naman itong tinanggal ang kamay ko. "Baho ng kamay mo." sabi ng nerd. Napaamoy tuloy ako sa kamay ko.
"Hindi ah!" angal ko.
"Joke lang. Ang sensitive." biro nya sa akin. Nagpout ako at nagsimulang maglakad. "Yu, yung totoo, may crush ka talaga kay Miss Stone ano?" this time, hininaan nya na ang pangalan ng teacher.
"Wala nga." deny ko. At kunyaring abala sa pagkuha ng mga larawan.
"Weh? Wag kang magdeny, Danielle. 'Di bagay sa'yo." kulit nito sa akin. Kahit bespren ko pa 'tong nerd na 'to, hindi ko aaminin sa kanilang may huge crush ako sa teacher ko. Para ano pa? It doesn't make sense naman, 'di ba? Hindi rin naman magiging kami. Walang pag-asa. Ngayon ko parang naiintindihan na si Marlo. Shite! Sakeeet!
"Wala nga, Is! Kulet naman neto." kunwaring nainis ako. Ang totoo ,di naman ako mabilis mapikon kaya tinapunan nya lang ako ng amused smile. "Tsaka hep! Ba't nandito ka? Tinuringan kang EIC ng Surat 'di mo ginagawa role mo. Magtrabaho ka para 'di ka nangungulit dito. Mamaya pumalpak yung publication natin dahil 'di mo ginagawa ng maayos ang trabaho mo. Magtrabaho ka." taboy ko dito sabay ratrat. Abaaa... akala nya'y nakalusot na sya sa akin.
Tatawa-tawang umiling-iling naman ito. Nahalata nya sigurong tinataboy ko sya at iniiwasan ang topic na gusto nyang pag-usapan. Syempre, hindi naman ito tanga.
"Napaghahalataan kita, Danielle Yuca ha." Luhh, pag ganyang sinasambit na nya whole name ko, nakup, hahaba pa 'tong usupan na 'to. Siguradong 'di nya ako titigilan.
"Wala nga. Ano ka ba!" deny ko pa rin. Char. Defensive.
"Neknek mo! Wala pa akong ginagawa." napatakip naman ako sa bibig ko. Oo nga ano, wala pa syang ginagawa. Aist, busted! "Umamin ka na kasi, bespren mo naman ako eh. Huuy!" kulit nito sa akin.
Deny naman ako ng deny hanggang sa makakaya ko. Sinundan-sundan nya pa rin ako hanggang makarating ako ng Arena. The usual, busy na naman ang SCO sa pagpeprepare sa bulwagan at ako naman ang kukuha ng random moments nila para sa reporting sa Surat. Pero may hidden agenda talaga ako, yun ay ang makita ang crush ko. Hihi. Nalaman ko kasing sya ang adviser ng SCO this year. That explains, why she was here yesterday. Kaya ayun, nandito ako at nagbabakasakaling may macapture na moments. XD
Kinukulit pa rin ako ng nerd. Grabe, 'di ako tinantanan. Dineadma ko na lang sya. Lumapit pa ako sa stage at nakiusyoso dahil hindi ko nakita ang nais kong makita, kanina pa. Purposely din, kasi naroon si Marga na kung makikitang kasama ko si Issa'y madedistract nya ang nerd. Ewan pero pagdating kay Issa, si Marga parang naaaligaga. Minsan nga tinutukso ko sya kay Issa pero sasabihin nya lang na bespren nya kasi ito at mas close silang dalawa kaya mas magiliw ito kay Issa. Totoo naman yun. Ang dalawang yan, inseparable. Best of best friends kung magturingan. Tsaka Issa is straight at may boyfriend ito. Oo, a dumb-ass boyfriend. Martyr tong mare kong nerd eh. Tss. Nauso pa sa kanya yung ganun. May sayad talaga.
"Yu!" bati ni Marga sa akin. Tumango lang ako. "Issay." bati naman nito sa nerd at inakbayan ito. "What brought you here?" she ask pero sa nerd lang actually nakatingin.
"Doing my job." epal na sagot ko at tinaas ang camera ko. "Ewan ko sa isang yan." turo ko kay Issa. "Namimiss ka na ata."
"Agad?" nakangiting tanong ni Marga sa nerd. Ngumiti ang nerd at pasimpleng tinapunan ako ng tingin na what-the-eff! Binelatan ko lang ito. "I miss you too, bespren." dagdag ni Marga at hinalikan si Issa sa pisngi. Kung hindi ko lang kilala si Marga na napakaclingy, iisipin ko talagang may gusto ito kay Issa.
"Sus. Wag ka ngang halik ng halik dyan. Baka makita tayo ng babae mo, pagselosan na naman ako." sabi ni Issa na tinanggal ang pagkakaakbay ni Marga.
"Sinong babae?" tanong nito sa nakasimangot na nerd. Madalas nga kasing pagselosan si Issa ng mga kalove affair ng babeng 'to. 'Di nyo natatanong eh, medyo may pagkamalandi 'tong si Marga. Mas mabait pa si Ark kaysa dito. Sabagay, may Ici na naman kasi si Ark kaya naging good gay na ito. Pero malandi pa rin ito, mas malandi lang talaga si Marga at ayaw makipagcommit. She hate that word, actually.
"Sinong babae, dude?" baling nito sa akin. Nginuso ko naman ang isa sa mga napapabalitaang fling nya. Kasalukuyang nagpipinta ito sa pader kasama ng kapatid nitong si Kame. "Si Esperanza? Pati kayo naniwala sa issue?" kibit balikat na lang ako. Kilala ko na si Marga, wala namang issue kung walang nakakita. In denial queen number two rin pala 'to eh. Ang number one? Syempre ako.
"Wala kaming relasyon ah." parang nobya na nagpapaliwanag si Marga sa nerd na nakasimangot at nakacrossed arm. Unti-unti akong umexit dahil tagumpay ang pangdidistract ko sa nerd. Sinasabi ko na nga bang matutulungan ako ni Marga.
That was easy. Iba talaga pag-genius!
Malapad ang ngiting bumaba ako ng stage at naglibot sa back stage ng makasalubong ko si Ark.
"Yuuu!" impit na tili nito. Nagtaka naman ako sa winari nya. Yung pagkakasabi nya kasi, pabulong na patili ang pagtawag nya sa akin. He seemed to be excited over something. "Newsflash 'to. Pwede 'to sa surat. Kunan mo, daliiii." pabulong pa rin na sabi nya sa akin.
Naging interesado naman ako dahil ganung mga kataga ang kailangan ko sa mga kinukunan ko. Newsflash. Oo, ako ang tagabisto sa lahat ng mga kababuyan sa school na 'to. Hindi naman sa kababuyan per se pero yung mga darkest secret, I mean. Chismis kumbaga. Gustong-gusto kong ako ang nagiging source ng mga newsflash na yan. Pero pinipili ko lang din. Minsan ginagamit kong pangblackmail sa mga nanghahamak ng kapwa sa VBS o 'di kaya'y pangblackmail sa mga dumedehado sa mga kaibigan ko.
Wag kayong judgmental, mabait pa ako nyan. Charaught!
"Saan?" ganting bulong ko. Malamang, may gumagawa na naman ng kababalaghan sa likod ng stage. Inihanda ko ang camera ko ng ituro sa akin ni Ark ang direksyon ng newsflash namin. And guess what? Newsflash nga dahil pagsilip ko sa lens, ayun ang crush kong teacher at isa pang teacher na mahigpit na magkayakap habang ang isang teacher, na itago natin sa pangalang Miss Zobel, ay nakahalik sa noo ng crush kong teacher.
Newsflash, right? NEWSFLASH! T__T