YUCA
MABILIS na nagdaan ang tatlong araw at hindi ko napansin ang mga kakaibang pangyayari sa buhay ko at sa buhay ng mga tao sa paligid ko.
There are foreign feelings na pumapasok sa diwa ko ngayon. Hindi ko maintindihan kung ano 'tong mga pakiramdam na 'to. This is all new to me.
Nakakalito. Lalo na nung dumating si Miss Stone dito sa VBS. Oo nga't attracted ako sa mga kabaro ko. A total lesbian, that I can't deny kahit No Girlfriend or Boyfried Since Birth ako. Yes guys, 'di pa ako nagkakaroon ng boyfriend o girlfriend then I concluded myself as a lesbian. Confusing, right? Pwede nyong sabihin na baka nalilito lang ako o dahil sa influence ng parents ko kaya ako nagkakaganito but no, lesbiana ako. Period.
Balik tayo kay Miss Stone. Admittedly, may little crush, okay hindi little, HUGE crush. Yan, HUGE crush, happy? Sige, may huge crush ako sa aking English teacher. So, crush lang naman 'di ba? Pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Super attracted ako sa teacher ko and it's not right, right?
The fact that she's my teacher and probably straight. She's so hot, gorgeous and very desirable. At sa tatlong araw na naging teacher ko ito'y nalaman kong 5 years ang gap namin. Tsaka she's a good teacher at ang bait pa. Sinong hindi magkakagusto sa kanya? Nagkakagulo nga minsan ang mga kaklase ko dahil gustong magpapansin sa kanya. Ako? Tahimik lang dahil nahihiya pa rin ako sa nagawa ko nung first day nya. Hayy, if only I could turn back time.
So, that explains kung ano talaga ang s****l orientation ko. Kahit 'di pa ako nakaexperience makipagkarelasyon, the mere attraction that I'm feeling with my teacher right now, sums it all.
Enough of that label arguments, hindi na naman ako magbabago. Ganito na talaga ako. Period. Again. Makakuha na lang nga ng pictures ngayon.
Acquaintance Party na kasi sa Friday and all Student Council officers are busy na nagpeprepare dito sa VBS arena. Oo, dito na lang ginaganap ang Acquaintance Party unlike many years ago na sa mga hotels and other well known establishments.
Hindi naman sa tinitingi kami ng school pero mas safe kasi dito sa VBS arena. Andami na rin kasing estudyanteng napahamak nung sa labas nila inoorganisa ang event na yun. Mas advantage lang dito dahil mas mahigpit ang security at mas classy pa ang arena compare sa ibang hotels o establishment.
Napakakaki rin kasi ng Arena. For your information, ang mga nagconstruct at nagdesign nito ay proud na proud akong sabihing na ang dalawang Tito kong kambal, na sina Tito Cris at Tito Basil. Engineering and architect ang naging peg ng mga Tito kung yun eh. Pero mas prioritize pa rin nila ang kumpanya ng mga Lopez's.
Bale, for the sake of the school, which is their Alma mater, napapayag sila ng ex-headmaster s***h one of the current board of trustees, na si Mr. Brad Pittsburgh, na sila ang gumawa ng arena. And I definitely can say, na job well done sa mga Tito ko.
"Hi, babe." biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Ay, kabayo!" natralala ako ng saglit.
Potek naman 'tong nanggugulat. Muntik ko ng nahulog ang pinakamamahal kong camera. Buti na lang may sling itong nakasukbit sa leeg ko, kung 'di pa nakuup... baka samain talaga 'tong nanggulat sa akin. Ang mahal pa naman ng camera ko! Regalo 'to ni Mama when I turned 17.
"Oh, nakakagulat talaga ang presensya ko, babe." kahit nakatalikod pa ako'y alam na alam ko ng nakaabot hanggang tenga ang ngiti ng hunghang na salarin. Hinawi ko muna ang bangs kong tumakip sa mukha ko nang nagulat ako tsaka ako humarap dito. At tama ako, ang mokong ay ubod ng lapad ang ngiting nakatingin sa akin.
"Anong kailangan mo, Marlo?" taas kilay na tanong ko dito.
"Aww... babe. Hindi mo ba ako namiss?" sagot pa nito.
Tumaas lalo ang kilay ko sa narinig. "At bakit kita mamimiss?" supladang turan ko. Hindi naman naapektuhan ang bruho. Ngiti pa rin to the max.
"Dahil pogi ako at mahal mo na ako. " sabi pa nito as he wiggled his brows.
I faked a laugh. "Asa, Mister. Spell ASA."
"Uh-huh. Been doing that for almost two years now. " sagot naman nya and he was seriously looking at me now.
Okay, natahimik ako dun.
Ano nga ulit tawag dun?
AWKWARD.
Hindi naman kasi ito nagiging ganun kaseryoso makipag-usap sa akin dahil puro kulit at panliligaw na kulit style pa rin ang ginagawa nya lagi. Yes, tama ang sinabi nyang dalawang taon na syang umaasa sa akin. At dalawang taon na rin laging ganito ang sinasagot ko sa kanya.
"Sinabi ko bang umasa ka? 'Di ba sinabi ko naman sayong les---"
"Na lesbian ka?" putol nya sa pagsasalita ko. Tumango ako. I feel awkward pa lalo dahil sa seriousness na pinapakita nya ngayon. "No. May pag-asa pa ako. Wala ka pa namang girlfriend, kaya 'di ka pa confirm. Nasa confused state ka lang. Oo tama, confused ka lang." dagdag na sabi nito pero mas parang kinoconvince nya ang sarili kaysa sa akin.
I mentally slapped my forehead. Sakit na sa bangs ni Marlo minsan.
I shook my head. Ang kulit talaga nito. Si Marlo Romulo, senior, anak ni Mario Romulo na member ng kilalang boy band s***h kanto boys ng VBS noon na Urban Frets, kung tanda nyo.
Magkakaklase kami since 7th grade at magkakilala na kami since mga bata pa kami dahil nagkikita kami lagi sa mga party at gatherings ng mga pamilya namin. Medyo close naman kami nitong si Marlo noon kaya lagi kaming tinutukso ng Papa nya na bagay raw kami. Na kung minsan naman ay sinasakyan ko dahil naeenjoy akong tignan si Marlo na namumula tuwing gagawin yun ng tatay nya sa amin.
Marlo is a very sweet boy. Napakathoughtful kahit na super kulit at mahilig akong asarin. Kahit na nga sabihin nating bff ko ang kambal na Sy at ang pinsan kong si Issa'y, I consider Marlo as one of my closest friends too. Kaya noon pag nagiging sweet ito at naglalambing ay walang malisya sa akin. Kaya nabigla na lang ako isang araw when he said na gusto nya akong ligawan during a laboratory class, na pinagpartneran namin.
Syempre, nung una 'di ako naniwala pero nung lantaran nya na akong niligawan kasama ng NGUF (New Generation Urban Frets). Yes, pinagpatuloy ni Marlo ang yapak ng ama.
So, yun nga, dinadaan-daan nya ako sa harana at kulit. Hayyy. Ideal talaga maging boyfriend si Marlo, sa totoo lang. The cliche crush ng campus, pogi, rich at famous. Saan ka pa, 'di ba? Kaso yun nga, wala naman akong nararamdaman para dito.
I sigh. "Marl, 'di ba sabi ko naman---"
"No, Yu. I will not stop. I know, eventually, magkakachance din ako." determined na sabi nito. "Marami akong hopes, Yu. Kayang-kaya ko yung espelingin, wag kang mag-alala," nakangiti nang sabi nya sa akin. "One day, mamahalin mo rin ako."
Hindi yun banta. He is just being optimistic. Lagi naman eh. Ayaw nya talaga akong i-give up kahit ilang beses ko na syang binasted.
"Marl---"
"Shhh." pigil nya uli sa akin at hinawakan ang magkabilang kamay ko. Pinakiramdaman ko yung sarili ko. Baka nagiging close lang ako sa feelings nya, mapakiramdaman nga kung may kuryente at kilig sa paghawak nya sa kamay ko, tulad ng mga nasa kwento ng pag-ibig ng parents ko. Pero... wala talaga. "Hayaan mo lang ako, Yu. I'm positive, one day, sasagutin mo rin ako." abot tenga na uli yung ngiti nya sa akin pero tinignan ko lang ito ng may awa. His really a good guy; gwapo, talented, may talino rin naman pero tsk, wala talagang spark. Nasa malalim akong pag-iisip nang biglang naramdaman ko ang pagdampi ng labi nya sa pisngi ko. "Bye." ang lapad ng ngiti ng bruho at mabilis na umalis. Hindi na ako nakareact.
"Uuuuyyyyyyy!!!" tukso ng mga estudyanteng naroon, sa akin. I'm also aware na I'm blushing. Nakakahiya naman kasi yung ginawa ni Marlo. Lapastangan na lalake yun! Bigla-bigla na lang nanghahalik. Yay! I forgot na nasa arena pala ako. Paglingon ko, ang kambal na Sy pa ang nangunguna sa pagtutukso sa akin. Ngumiti na lang ako dahil alam naman ng halos na estudyante dito na walang pag-asa si Marlo sa akin.
I shook my head while smiling at binaling sa ibang direksyon ang aking paningin para lang masalubong ng magagandang kulay uwak na mga mata ng aking nakakabighani at crush na guro.
Yay! Nakita nya yun? Bakit sya narito sa arena? Eh ano naman kung nakita nya?
Oo nga, eh ano ngayon kung nakita nya? Yan din ang paulit-ulit na tanong ko sa isipan ko. Kung makatingin kasi sya'y tumatagos hanggang sa kailalaliman ko at hindi ko namalayang mas lalo pa akong namula, mula sa mga nagbabagang tingin nyang yun. At ang taksil na puso ko, gawrd, may dugudug pang nalalaman. Hindi ko na natagalan ang mga titig nya kaya pasimpleng umalis na lang ako doon at nagkunwaring kumukuha ng larawan habang papuntang labasan.
+++
Whew! Bakit ganun kaya sya makatingin? O imagination ko lang yung parang ang sama ng tingin nya sa akin? Na para bang nobya nya ako at nahuling nakikipagmabutihan sa iba? Duhh... Delete. Delete. Hallucination lang yun dahil magiging super saya ko talaga kung magseselos man sya but yeah, hindi ganun. Imagination ko lang yun.
Ito ang mga litanya ko nang papalabas ako sa arena. God, yung pintig ng puso ko nung nagkakatitigan kami... shucks! Malala na tong crush na to. Hindi pwede. Teacher ko sya. Teacher!
Nasa ganun akong pagdedebate sa sarili ng makita ko sa 'di kalayuan ang aking kapatid.
"Yash," tawag ko sa kapatid ko. Hindi ako pinansin at bakit may pakiramdam akong para yatang iniiwasan nya ako. Kanina pa ito sa DITO, during our lunch, na nakasimangot sa akin at hindi ako kinakausap ng matino. "Teka, sandali!" habol ko sa kanya. Ni hindi man lang lumingon ang kapatid ko! Free period na kasi namin ngayon at kanya-kanya ng punta sa mga club or organization kung saan kami napabilang. Heto nga't ako'y busy sa pagkukuha ng larawan para sa file ng Surat at itong kapatid ko? Ewan ko ba't ito narito sa hallway, palakad-lakad at nag-iisa. Tsaka, parang ang lungkot ah?
So, as a concern ate, syempre I need to know what's happening to my little sister.
"Bakit, te?" umakto itong nagulat pa kuno sa paglapit ko dito, na para bang ngayon nya lang ako napansin.
Tinignan ko muna ito ng matiim bago nagsalita. "May problema ka ba?"
Iniwas nito ang tingin sa akin at kunwari'y may sinisilip sa likod ko. Curiously, napalingon din ako sa likod and saw no one in there. Mas lalong kumunot ang noo ko. My baby sister is acting strange lately. Tumingin uli ako sa kanya at hinuli ang paningin nya. In a minute, she steadied her gaze to me.
"May problema ba tayo, ding?" I ask. Looking straight to her eyes.
"W-wala, te, " pilit ang tawang sabi nito. And I saw how she played the hem of her blazer. I automatically knew, nagsisinungaling ito. Dalawa lang kasi ang ibig sabihin ng gesture na yun ni Yaci Tan. Kung hindi kinakabahan, nagsisinungaling ito.
"Ading, " tinignan ko ito ng mariin sa mga mata. "Wag kang magsinungaling sa akin. Kilala kita."
Tumawa uli ito pero bakas ang nerbyos sa diwa nya. Wow, nagsisinungaling sya sa akin. Hindi naman sya ganito ah.
"Wala talaga, te." ngumiti na ito at alam kong peke ang ngiti nyang yun kahit sa paningin ng iba'y genuine na ang smile na yun. Ate nya ako and I know her better than any people in this world. Except our moms, of course. "Okay lang ako. Promise." dagdag pa nya.
"Yumielle, you are---"
"Ate Yaci!" I was cut off by Earn. Humahangos na lumapit ito sa amin. "Hi, ate Yuca." bati nya sa akin. Tumango lang ako. Nasa kanya na ang atensyon namin ni Yaci.
"May kailangan ka, Earn?" tanong ni Yaci sa bata.
"Tawag ka po ni Maestro, magpraktis na daw po tayo." sagot naman nito.
Tumingin ako sa kapatid ko."Alis na kami te, ha?" paalam nito. Tinignan ko muna ito ng matagal at hindi naman ito mapakaling hinihimas ang laylayan ng blazer. "T-te? Alis na kami." Tumango na lang ako. "Bye, te." sabi nya at humalik sa pisngi ko at dali-daling kinaladkad si Earn. She's hiding something from me talaga.
Some other time ko na lang sya kakausapin dahil busy pa sya ngayon. Part kasi ang dalawa sa orchestra ng school. Yes, the same orchestra na binuild ni Mommy when she attended here. It remained in the school at parami ng parami ang mga talented students sa music ang nasasali sa orchestra team. Yaci was playing the saxophone pero hindi naman sa pagtataas ng bangko ng kapatid ko'y she can almost play any instruments too. Binansagan syang "The Music Artist" sa VBS. She's really good in music na namana nya sa parents namin, lalo na kay mmy. Ako? I can play also but mostly string instruments lang, like acoustic guitar and the bass. Pero si Yaci? String, wind at cymbals na instruments, alam nya. Yeah, she can play drums. Tinuruan sya ng Tita Silvia namin na isa ring music enthusiast at drummer ng bandang seven goddesses.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at naghanap ng pwedeng maging subject ko para sa file ng surat. Nagpasya akong pumunta sa ground where some students were playing frisbee, chit chatting, just chilling. Free period eh, tsaka wala sigurong praktis o meeting ang mga club at org nila. I took random pictures of them and some to the cheerleaders at field players na mas prefer magpraktis sa ground. Then I heard someone sang in my back, napailing na lang akong nagpatuloy sa pagkukuha ng larawan habang kumakanta ito with his band, back-upping him.
Ito yung kinakanta nya in the beat of the acoustic guitar.
Wag ka ng magtaka kung ako'y masaya
Ako'y napapasaya pag kapiling ka
Minsan ako'y tulala paggumiling ka lang
Kinikilig sa iyong... Kagandahan...
Kagandahan... Kagandahan...
Hayy, si Marlo na. Yung ibang mga chick sa ground, kilig na kilig eh hindi naman sila yung kinakantahan. Naglakad na lang ako pabalik habang kumukuha pa rin ng larawan. Sunod ng sunod pa rin ito at mga minion nito pero hinayaan ko na lang. Sana'y na ako sa kakulitan nya. I was taking a picture sa entrance ng arena ng lumabas ang babaemg dahilan kung bakit ako dito sa labas ng ground naghahanap ng subject.
Napatigil ako sa pagkuha ng larawan at nakasilip sa camera ko habang dun nakatingin sa maladyosang paglalakad ng babae.
Kinikilig na naman sa babaeng nagagandahan
Pagngumiti hangang tenga, talagang inlove ako sa kanya
Sana lang ay hindi mapapahiyaw
Pagtumingin sya ay nakakatunaw,
Na parang ice cream, matamis ang ngiti
Ngiti nya'y nakakabaliw
Habang kinakanta yun ni Marlo, parang nafreeze naman lahat ng nasa paligid at sya lang ang nakikita kong gumagalaw. Naglalakad papunta sa... sa akin? Wait... Sa akin? Nataranta tuloy ako pero natulos pa rin sa kinatatayuan at patuloy pa rin sa pagkanta sina Marlo.
Wag ka ng magtaka kung ako'y masaya
Ako'y napapasaya pag kapiling ka
Minsan ako'y tulala paggumiling ka lang
Kinikilig sa iyong... Kagandahan...
Kagandahan... Kagandahan...
Sheyt! Ang ganda talaga nya. Oh, Miss Stone, ba't ang ganda mo? Nabighani mo na ata ang puso ko.
Nakatayo naman ito sa 'di kalayuan at parang may hinahanap, nang mapatingin ito sa gawi ko'y nakita kong ngumiti ito and unaware na naclick ko ang button ng camera ko kasabay ng pagbitiw ko dito at pagkahulog ng bibig ko. Ang ganda nya lalo na kung ngumingiti! Natulala ako! Sheyt!
She steadied there, standing at hindi ko naman namalayan na natapos na pala ang performance nila Marlo dahil, guys, hihi, nakikipag-staring contest ako kay Augustina este Miss Stone. I can't take my eyes off her. Ang sexy nya kasi sa plain fitted blue v-neck shirt, blue skinny jeans at sneakers. Nakapony tail ng maayos ang silky black hair nya. Parang 'di sya teacher. Para lang syang estudyante ng VBS. Though hindi naman sya maliit dahil parang mas makasing tangkad lang naman kami pero in her get up today, so simple, yet ravishing. Kaya ayun, tulaleng ako.
May sinasabi yata si Marlo sa akin pero hindi ko na naririnig dahil naglalakad na rin papalapit si Miss Stone. Oh sheyt! She's really a stone, a stone na pinukol ang puso ko. My God! Am I falling for my teacher? Mommies, bakit sa kanya ko nararamdaman tong mga butterfly and etchos eklavosh sa tyan at dugudug sa heart?
Para akong mabibingi sa pintig ng puso ko lalo na ng metro na lang ang layo nya sa akin.
"Hey guys," bati nya sa amin. Pero yeah, nabingi ata ako kasi wala akong ibang naririnig. Parang nablock lahat ng nasa paligid ko and all I could do was to stare at her beautiful angelic shape face.
Nagsasalita ito pero yun nga, pagbuka lang ng bibig nya ang nakikita ko. Author, bakit nawala ang pandinig ko? Anyare?
"Yu?" ayun, may narinig na ako pero 'di pa rin ako makapagsalita. Kanina bingi, ngayon pipi na naman. Ano bey! Eh sa natulala talaga ako sa beauty nya. Nalunok ko ata dila ko. Dila? Hello? Nasaan ka nung kailangan kita? Oh yeah, teleserye lang ang peg. XD
Then she snap her fingers in the front of my face tsaka ko narealize na kanina pa pala ako tulala.
"Y-yes, ganda?" shucks, ansabe ko? Watta! Baka isipin nyang 'di ko na sya nirerespeto bilang teacher? Baka isipin nyang, I was hitting on her? It was not my intention. I just blurted out the words na nasa isipan ko. Damn, why I'm always being a stupid ass in front of her?
Kumunot ang noo nya pero kahit ganun, ang cute nya pa rin. Yay! Sheyt! Teacher ko 'to, dapat hindi ako nag-iisip ng ganito sa kanya.
"S-sorry, ma'am. A-ano po ang kailangan nyo?" hinging paumanhin at tanong ko.
That black gorgeous eyes again was mesmerizing me. Hindi ko na tuloy maialis yung mga mata ko sa kanya tapos ewan pero bumaba yung tingin ko sa mga mapupulang labi nya. Eggr! Pinagsisihan kong tignan sya dun dahil nahuli nya akong nakatitig dun!
God, iisipin nya na talagang wala akong respeto sa kanya. Hindi pa naman ako ganun dahil in fact, as the top honor in our class, ako lang naman ang pinakarespectful sa batch namin. Bukod sa ako ang pinakamatalino, ako ang model sa klase namin. Teachers pet ako dahil na rin sa mabait at magalang ako pero bakit pagdating sa guro nato, bakit ganito?
"Pwede ba tayong mag-usap?" I heard her say. "Privately." dagdag nya at dun na ako natauhan. Ito na, kagagalitan nya na ako dahil sa pag-a-eye rape ko sa kanya. And worst, baka isumbong nya pa ako sa headmasters tapos makakarating sa parents ko. Yay! Masisira ang reputasyon ng pamilya ko. "Miss Tan? Shall we?" sabi nya ulit at wala na akong nagawa kundi tumango at sumunod sa likod nya habang papunta sa room nito.
Hindi ako pervert pero I can't help to stare at her well shape butt. Okay na, solve na ako kung kagagalitan nya ako. Atleast nagkaroon na ako ng near review sa buong features nya. Mag-eexplain na lang ako sa mga mommies ko kung makakarating man sa kanila ang mga reklamo nito.
I checked her out again mula sa likod. Napakagat labi na lang ako.
Deym! So sexy!