Sa DITO...
MARGA
"OKAY, so... Parang may namatayan dito, mare?" basag ko sa katahimikang namamamagitan sa amin ni Yuca. Nasa DITO kami ngayon at kasalukuyang naghihintay sa aming order. "Nakz, kanina ka pa tahimik dyan ah. Ano? Naengkanto ka sa ganda ni Miss Stone 'no?" biro ko rito. Nakita kong namula ang kaibigan ko.
Yumuko si Yuca at kunwari'y may kinukuha sa bag. Hindi ko napigilang mapatawa.
"Wag mong sabihing may crush ka kay Miss Stone, Yu!" hindi ko napigilang sabihin sa kanya. Malakas yung pagkakasabi ko nun kaya napatingin halos ng mga estudyante sa gawi namin.
Nanlaki ang mata ni Yuca at agad na tinakpan ang bibig ko.
"Bes, naman! Sobrang nakakahiya na!" mariing bulong nito. Naalala nya siguro yung nangyari kaninang first period. Haha! I never thought Yu could do that. As in, sa sobrang ganda at hot ni Miss Stone na lahat kami ay parang naengkantong nakatitig dito'y, si Yu lang ang 'di nakapagpigil at nasabi nya talaga ng malakas ang salitang "HOT". Napatingin kaming lahat sa kanya and that was the first time na nakita kong parang nasa vulnerable state si Yuca. Her face and neck was all red at nakayukong nag-eexplain.
+flashback starts...
"What was that, Miss...?" tanong ni Miss Stone kay Yu.
"Tan po. Yuca Tan, m-ma'am." nakayukong sagot ni Yuca. Nagtapunan kami ng tingin ni Ark. Naglabasan ang mga pilyang ngiti sa mga labi namin ng kambal ko.
"What were you saying, Yuca?" sabi ng teacher. Grabe, ang ganda nito and ang bata pa nito para maging teacher but I'll give way dahil parang may sobrang nagkakacrush sa kanya na kaibigan ko.
"Eh ano po m-ma'am, miss S-stone, h-hot po d-dito. M-mainit p-po blah blah blah..." nakakatawa si Yu, natataranta! Haha!
"What's hot, Yuca?" okay rin tong si Miss Stone, nanunukso rin oh. Hindi naman napigilan ng mga classmates namin ang matawa. "Silence, class!" at tumahimik nga sila. Wow! Si ma'am na. Eh hindi naman ganito kamasunurin ang seniors eh. "Miss Tan, if you will not say anything important in the class, please don't interrupt or disturb my subject. Are we clear, Miss Tan?" tsaka naging strict teacher na yung peg ni ma'am. Whoa! Nakakatakot talaga.
"Y-yes, m-ma'am." nakayuko pa ring sagot ni Yu. Tsaka naman bumalik ang mabait na aura ng teacher.
Miss Stone is really something. Sa isip ko. Ano kayang naghihintay sa amin sa klase nya for this year? Tinignan ko ulit ang kaibigan ko na nakayuko pa rin pero maya-maya lang ay nakikinig na ito sa lecture but she can't steady looking at the teacher. Parang naiintimidate ito. Nakakapanibago. Hindi ganito si Yu. No one in this school, even the Heads don't intimidate her. Anyare?
+end of flashback...
Nakatakip pa rin ang kamay ni Yu sa bibig ko, hindi man ako nakatawa pero feel na feel ko yung ngiting abot tenga sa labi ko. Kasi naman mga igan, ngayon lang nahiya si Yuca Tan! This is unbelievable!
Pwersa kong kinuha ang mga kamay nyang nakatakip sa bibig ko tsaka nagsalita ulit. Namumula pa rin ito. "Yu? Seriously? As in? Totoo ba tong naririnig at nakikita ko?" tsaka ako tumawa ulit. Wala akong pakialam sa paligid. Ako ang SCO president at walang pwedeng kumontra sa akin.
Hindi ito sumagot. Instead, lumalim ang pamumula sa mga pisngi nya.
"Yu? Hoy! This is not so you." I tease her with a smirk on my face.
"Tigilan mo na nga kasi. Oo, nahihiya ako dahil lakas mo makasigaw. Daig mo pang may-ari ng resto. Tsaka hindi ko sya crush." sabi nyang pipitikin sana ang tenga ko pero mabilis akong nakaiwas.
"Ay nananakit? Edi wow!" tukso ko pa rin sa kanya. "Uie, may crush na si Yu. May crush na si Yu!"
"Sinong crush ni ate?" napalingon kaming pareho ni Yu sa umepal. Nakasimangot itong umupo sa table namin, kasabay ng kambal na Lopez at isang magandang dilag na ngayon ko lang nakita.
+++
YACI
Okay, classmate kami ni Hale. So? Classmate kami ng crush ko. Classmate lang naman. That means, magkakasama kami every weekdays at sa lahat ng subjects at activities namin sa 10th grade. K. Yun lang naman pala.
Pero... Wtf? Oops, sorry mommies. Sabagay, 'di nyo naman maririnig. Pero nakakalungkot at masaya ako at the same time na magkaklase kami for the fact that...
#1. Magkikita kami always. Edi ako na yung maiinspire everyday.
#2. May chance na akong mapalapit sa kanya. Edi ako uli yung masaya.
#3. May chance na maging seat mate or maging project partners kami na ikakalundag ng maharot na batang puso ko pag nangyari yun.
At ang panghuli, na ayaw ko sanang makitang mangyari...
#4. Mas mapapalapit sya sa ate ko dahil dito rin nag-aaral si ate. Edi sya na rin yung may chance. Obvious namang may gusto sya kay ate. Hayyy...
Oo nga't nginitian ako kanina ng magpakilala sya sa klase namin, na ikinatuwa ng lahat ng baby hormones ko.
Char! Baby hormones talaga? Wag kang makialam brain! 'di ka kasali sa narration na to. 'kay.
San na ba ako... Oh, yun nga, pagkatapos ng nakakatunaw sa tuhod na ngiti nya'y balik emo mode na naman si Hale. Ang masaklap pa, hindi nangyari yung #3 na sinabi ko kanina kasi nasa kabilang dulo ito ng mundo at hindi ko sya maabot. OA naman! Oo na! Nasa kabilang dulo lang ng room pero masyado pa rin syang malayo. Para syang isang bituin sa langit at ako nama'y isang hamak na simpleng taong nakatanaw lang dito.
Yung gandang, ganda ka talaga sa bituin tapos hanggang tingin ka lang kasi hindi naman sya mapapasayo dahil 'di mo sya maabot. Malabo mo syang maabot. Oh sige, ako na yung madrama. Ako na talaga! Eh paki nyo ba? Ang sakit lang kasi ng hypothalamus ko dahil sa totoo naman lahat ng ginamit kong metaphor.
Di ko mareach si Hale eh. Ang distant. Hindi ko alam kung anong gagawin.
"Ano bang gagawin ko?" hindi ko napigilang lumabas ang mga katagang yun sa bibig ko.
"Ang gawin mo Ins, eh magreview. May pop quiz tayo eh. Dali!" nagmamadaling binigay sa akin ni Ici ang libro. "Magmadali ka na, Ins. Five minutes lang binigay sa atin sa review. Pakopyahin mo ako, drain utak ko ngayon eh." pagmamadali pa nya sa akin.
Hindi naman ako nagulat sa pop quiz dahil expected ko ng gagawin to ng teacher kong si Miss Zobel. Kahit naman nagzoned out ako, naretain pa rin yung lectures sa utak ko. Hindi naman sa pagmamalaki sa sarili ko pero malakas kasi ng graphic memory ko and I love numbers kaya mani lang ang math sa akin.
Nagquiz nga kami at medyo madali lang yung quiz. May mga kinopya din si Ici at Coco sa akin but mostly, dahil matatalino rin naman ang mga ito'y nasagutan nila ang mga ibang tanong on their own. Wala namang pakialam si Miss Zobel kung panu mo nakuha ang sagot mo at anong equations ang ginamit mo, as long as makukuha mo yung tamang sagot. Ika nga, there are nine ways to kill a cat. Kaya chox lang sa kanya ang ibang derivations at equations basta, tama ang sagot at pagkakahanay nito.
No, hindi po multiple choice ang pop quiz na 'to. Word problem solving po. Word problem solving.
Mabilis akong natapos at as usual, 'di muna ako nagpasa ng sheets ko dahil nangopya pa yung dalawang ungas. Hindi ko napigilang hindi lumingon sa gawi ni Hale. Nag-aalala kasi ako dahil 1st day nya ngayon tapos magkwequiz agad. May sagot kaya sya? Kung wala eh, willing akong pakopyahin sya. Kahit pa ibigay ko na lang answer sheet ko para mapasaakin lang sya'y gagawin ko.
Edi wow! Brain, sha--tap!
Pero nadismaya lang ako dahil wala na pala sya sa upuan nya kundi nasaan ba? Linga sa paligid Yaci at huwaat?
Ayun sya! Nasaan?
Nagpasa na ng answer sheet nya at lumabas. Luhhh, ang bilis rin natapos? Does that mean, matalino rin sya sa math? O baka naman walang sagot kaya nagpasa na lang? Either of the two, I don't know pero bigla na lang akong tumayo at pinasa ang papel ko kay Miss Zobel tsaka ako dali-daling lumabas. Hindi ko na alam kung anong nangyari sa dalawang mokong.
"O Yash. Himala, pumapangalawa ka lang na nagpasa ng papel ngayon ah?" bakas ang pagtataka sa mukha ng teacher.
Ngumiti lang ako at nagkibit balikat sa teacher tsaka ako dali-daling umalis. Yes, nakakapagtaka talaga yung sinabi ni Miss Zobel. Kasi naman, usually, ako ang pinakaunang nagpapasa ng answer sheet sa subject nya, nadelay lang naman ako kanina kasi kumopya pa yung dalawang hunghang pero umandar yata yung ego ko dahil ni minsan, wala pang nakahigit sa bilis ko sa pagsagot sa math sa klase ni Miss Zobel kahit nagpapakopya pa ako sa kambal. Oo, ego to. Kanina concern na concern pa ako sa kanya pero ng nauna na syang nagpasa sa akin, I feel threatened. Hindi ko alam kung bakit.
Mabilis kong sinundan si Hale at 'di naman ako nadismaya dahil nakita ko agad ito. Nasa labas na ito ng hallway at naglalakad ng mahina. Nakayuko pa rin ito at nakatalikod sa gawi ko kaya hindi ko nakikita kung anong ginagawa nya.
"Hale!" tawag ko sa kanya. Hindi man lang ito lumingon. Bingi lang? "Hale!" tawag ko ulit pero wala. Hindi ako pinansin. "Hale!" ikatlong tawag, dala ng patakbong paglapit sa kanya at hawak sa siko nito. Iniignora ako eh. Aba, nobody ignore me ha. Ito lang talaga yung gumagawa nito sa akin. Hmp.
"Hmm?" takang tanong nito na sa wakas ay tumingin na sa akin at sabay tanggal ng earphones nya. Kaya pala 'di nya ako naririnig.
Hindi ako nakapagsalita agad kasi ano... May ano, ano ba yan. Bakit may kuryente nung hinawakan ko sya? Para akong na electrify shock ng sandali kaya natanggal ko kaagad ang kamay kong nakahawak sa siko nya. Woah!
"What do you want?" sabi nito na as usual, walang expression yung magagandang itim na mata at ang mukha nya.
May mapa ba kayo? Kasi nawawala ako sa pagtitig pa lang sa mga mata nya! Oha. Ang OA lang. XD
Tumaas na yung kilay nya when I didn't talk. Naman, bakit ngayon pa ako nagkaganito? Stupid crush! Stupid crush! Napailing na lang ito at tumalikod na uli sa akin.
"S-sandali?" ay, ako na ang winner ng mga bulol. Ano ba yan! Buti na lang tumigil ito at lumingon uli sa akin. She has this cute expression when her brows are furrowed. Ang cute nya mairita. Ayeee.
"What?" iritang sabi nya.
Ayun, galit na ata. I really need to talk now. Come on tongue, speak. "Ahh ano. Kuwan, pinaglihi ka ba kay Volta?" yun lumabas sa bibig ko. Huwaaa! Ano ba naman to? Bakit yun pa nasabi ko? Ngali-ngaling lagyan ko ng masking tape yung madaldal na bibig ko eh. Andaming alam!
"Huh?" takang tanong nya.
"Yaci, tanga lang? Ano ka ba naman? May anak anak ka pa ni voltang nalalaman! Dahil ba she's electrifying, kaya natanong mo yun? Damn, Yaci! Such a fool. Such a fool!" pinagalitan ko yung sarili ko. Syempre jabbering and just whispering on myself. Ang tanga lang ano? Pinagkakanulo ako ng bibig ko! Ugh!
"Anong ginagawa mo?" narinig kong tanong nya. Ito na yung pinakamataas na words na sinabi nya sa akin since we met kaya ngayon ko lang napansin yung british accent nya. Kanina pagpakilala nya sa klase'y, obviously, 'di ako nakikinig kasi affected much ako ng presence nya. Ganda ng accent, tsong! Kaya ayun, tulaleng ulit. "Hello?" she wave at the front of my face.
"Ah yeah." buti na lang napukaw ako. Ang harsh, why I always keep acting like a fool sa harapan nito. Argh! "Sabay na tayo sa next subject?" sabi ko na binalik ang ngiting kanina ko pa hinahanap. Makikipagkaibigan ako. Kahit sa ganung paraan na lang, makilala ko naman ito at malapit dito. May hidden intentions to. Hoy brain, wala ha! I just don't know but I felt the urge of getting to know her better.
"Thanks but I'm fine." plain na sagot nya.
"Merienda muna tayo." never give up, Yash!
"I'm full." taas kilay na sabi nito. Nasabi ko bang ang ganda ng pagkakalagay ng eyeliner nya? Sya na talaga ang emo barbie ko. Ngumiti ako lalo. Ang cute nya kasi. "Are you nuts?" maya-maya'y sabi nya. Nawala bigla ang ngiti ko ng maabsorb ko yung sinabi nya. Tinawag nya akong may sayad? 'Nak nang!
Bago pa ako makapagsalita ay lumakad na uli ito palayo sa akin. Kung gaanon kabilis ang mga eskember electricity at dazzling smile ko kanina mga tsong, eh ganun naman kabilis tumaas ang presyon ko. Alangan naman, 'di ko inexpect yun! Sabihan ba ako ng ganun! Ang ganda ko lang kaya para maging baliw! Ramdam na ramdam ko yung pagtaas ng dugo ko sa mukha ko. Gosh, nobody dared to call me like that. Gaganti-gaganti ako! Hayun, tumigil sya. Wait... I'll think of a counter attack. Isip Yash... Come on!
"Yash!" tawag nya sa akin. Naitulos naman ako sa kinatatayuan. Eh panu ba naman kasi, first time kong narinig na tawagin nya ako sa pangalan ko at my gawd, ang gandang pakinggan. "I'm full for merienda. Pero sabay na tayo mamaya sa lunch." sabi nya in her british accent at tuluyan ng umalis.
Ako? (*'∇`*)
"Ins, ba't ka nakangiti dyan? Coco, may pinsan na yata tayong baliw." biglang dating ng kambal. Buti na lang yun lang naabutan nila. Tutuksuhin na naman kasi nila ako pag nakita pa nila mga eksena namin ni Hale kanina.
"Oo nga Ici. Delikado pala talaga ang sobrang matalino." sang-ayon naman ng isa.
"Mga ungas." sabi kong sinubukang pengutin ang magkabilang tenga ng dalawa pero mas mataas ang mga ito sa akin kaya tampal na lang sa braso ang nagawa ko. Pinagtawanan ako ng dalawa, pero hindi yun nakabawas sa kaligayahang nararamdaman ko ngayon.
"Whoa! Iba ang ngiting 'to, Coco. This is something, twin." dagdag na tukso sa akin ni Ici.
"Oo nga. Luhh, inlove?"
"Nakangiti lang. Inlove na agad? 'di ba pwedeng may crush lang muna?"
"Sino?" sabay na sabi nila.
"Secret." makahulugang sabi ko sa kanila at nagpatiunang naglakad papunta sa room ng next subject namin.
"Insan! Wait!" sabay na sabi nila at kinulit ako ng kinulit tungkol sa crush ko pero hindi ko sinabi. Hahaha! Manigas sila. Kung makatukso pa naman tong mga to, wagas.
Natapos ang lahat ng klase ko, na super excited ako for lunch. Uh huh. Ayeee... Pasulyap-sulyap lang ako kung nasaan nakaupo si Hale during the classes at salamat naman na 'di na ako kinulit ng kambal kung sino ang crush ko.
Dumating nga ang lunch time at agad kong nilapitan si Hale. Agad naman itong sumama sa amin. Yeah, me and the twin. Nagulat pa yung mga kambal when I said I know her already at pinakilala ko syang sya ang anak ni Tita Mic at Tita She at ang dinner sa bahay kaya naintindihan ng dalawa at napatango na lang ang mga ito.
Masaya akong nakikipag-usap kay Hale kahit pa nga ang tahimik nito. I introduced the buildings na nadaanan namin bago kami makarating sa DITO. Tatango-tango lang naman ito, wearing her expressionless look habang nagsasalita ako. Nakasunod lang din ang kambal sa amin na parang mga body guards.
Several students greeted me and the twins pero napapako rin ang mga mata nila kay Hale at parang kinikilig na nakatingin sa kanya ang ibang girls then other boys ay visible na nagpapacute sa kanya. Pasimple ko naman silang lalakihan ng mga mata at yuyuko na lang ang mga ito. I'm Yaci Tan and kahit nasa 10th grade pa lang ako, alam ng lahat ng mga Victorians kung anong kaya kong gawin. I'm somewhat like my Mmy when she was way back in High school. Though hindi naman ako Ice queen, but I'm the b***h they don't want to deal with.
"Chill, Ins." natatawang sabi sa akin ni Ici. Tinapunan ko ito ng nagtatakang tingin but he only shrug with that nakakainis na smirk at diretso ng naglakad.
"Chillin mo mukha mo." pabulong na sabi ko. Obvious ba ako? Nahh, lagot.
Pagdating namin ng DITO ay daig ko pa ang ginayuma sa palagiang pagngiti at pagsulyap sa magandang emong katabi ko ngayon sa paglalakad. Naconfirmed kong pinaglihi nga talaga sya kay volta dahil everytime na may mga "di sinasadyang" pagbabangga ng mga braso at kamay namin sa paglalakad eh, nakukuryente talaga ako. Lakas ng electricity nya! Hindi ko naman maintindihan kung ano yun pero it felt great naman na kuryente at hindi awkward kaya kung minsan sinasadya ko namang mapalapit dito. *evil grin*
Dumating kami sa DITO with the twin at si Hale na hindi ko alam kung panu nya namemaintain ang walang expression na mukha but teka... Tumigil sya sa paglalakad and... Her face lighten up! I saw it! Parang may nakita itong biglang nagbigay ng ligaya dito.
At agad na tumingin ang busangot at galit kong mukha kung sinuman yang tinitignan ni Hale, titirisin ko talaga ang taong yun ng pinong-pino kung sino man sya! Tinignan ko nga yung tinitignan nya, para lang mas lalong mapasimangot dahil hindi ko pala kayang saktan ang taong yun.
Nagpatiuna na lang akong naglakad sa gawi nila. Base sa empty table nila, I think, bagong dating lang din sila.
Narinig kong parang tinutukso ni Ate Marga ang namumula kong ate.
Whoa? Ba't sya namumula?
"Tigilan mo na nga kasi. Oo, nahihiya ako dahil lakas mo makasigaw. Daig mo pang may-ari ng resto. Tsaka hindi ko sya crush." sabi ni ate na pipitikin ata sa tenga si ate Marga pero nakaiwas ang huli.
"Ay nananakit? Edi wow!" tukso pa rin nito kay ate. "Uie, may crush na si Yu. May crush na si Yu!"
Crush? God! Si Hale ba? Oh joy! ≥﹏≤
"Sinong crush ni ate?" nakasimangot na epal ko. Agad naman nila akong napansin at naupo sa tabi ni ate Marga ng walang pasabi. Ayokong tumabi kay ate, baka masabunutan ko pa ito kung ang sagot sa tanong ko'y yung ayaw kong marinig! Huwaaa!
"Si Mi--" hindi natapos ni ate Marga ang sasabihin dahil tinakpan ni Ate Yu ang bibig nito at pinanlakihan ng mata.
Ehh? Kailan nahiya si ate magsabi ng crush nya?
Magtatanong pa sana ako pero dumating na ang buong tropa namin, kasabay ng pagpwesto na ng upo ng mga pinsan ko at ni Hale. And guess what? Magkatabi si Ate at Hale! Eggrrr!!!
"Hi, Mishael." matamis ang ngiting bati ng ate ko sa kanya. Ayy, nagmamatyag? Oo! Kaya tumigil ka, brain! At alam nyo kung anong ginanti ng bruhang Hale sa ngiti ng ate ko?
Ngumiti lang din ng pagkatamis-tamis sa ate ko pagkatapos nyang mag-hello. Pinisil ko na lang yung ilong ko ng matagal para 'di ako mapasigaw sa pagngingitngit ng kalooban ko sa nasaksihan tsaka naman bumalik sa isipan ko ang tanong ko kay ate Marga kanina.
"Sinong crush ni ate?"
"Si Mi--" then she was cut off by Ate Yu.
Mommies, I'm sorry pero pagbigyan nyo muna ako this time. I want to say these words. Unang hinging paumanhin ko sa mga nanay ko kahit 'di naman nila ako naririnig. Sorry din, Lord! ✌
What the f*ck! What the hell! Dammit! Bullsh*t! P*tang*na! Wag mong sabihing si Mishael, ate Yu? Oh bakit?! F*ck! Sh*t! F*ck!