YUCA
"YUUU!!!! We miss you, girl." maarteng bati sa akin ng kambal na bff kong sina Marko at Marga, sabay bigay sa akin ng beso at yakap. Masaya ko namang binati rin sila.
"Kumusta, girls?" nakangiting tanong ko sa mga ito.
Oo, girls. No, hindi babae si Marko, he's gay. Syempre, he preferred to be called like that. Tignan mo nga oh, feel na feel. Though he's gay, lalaki pa rin naman ito manamit. Hindi sya mahahalatang bakla kung hindi ito magsasalita.
Wag kayong magtaka kung bakit magkasama na ang boys at girls sa VBS. Co-ed na kasi ang VBS. Yung dormitories lang syempre ang hindi Co-ed.
"Eto, chox lang. Ganda much pa rin." sagot ni Marko na hinawi sa mukha ang invisible long bangs.
"Ganda? Pwe. Tumigil ka nga, sis. Ang pangit mo kaya." bara ni Marga dito.
"Luhh," patinis na sigaw ng bakla. Pinagtinginan tuloy kami ng mga estudyante sa VBS. Nasa hallway kasi kami and just waiting for the bell. "Sistah! Pagsinabi mong pangit ako that means ikaw rin ay swangit! Magkamukha lang kaya tayo, kaya wag ka ngang bobita!"
Yes, magmukha nga sila. Carbon copy lang at kung naging babae o lalake silang pareho ay malilito ka sa kanila pero buti na lang magkaiba sila ng gender. Sa puso, magkaiba rin. Bakla si Marco, na nasabi ko na nga kanina at bisexual naman si Marga. Ako? I was sure I'm into girls. Like my mothers, I label myself as a femme lesbian. Ang kulay naming magkakaibigan ano? Pwede na kaming magtayo ng rainbow factory with unicorn furs. XD
"Basta pangit ka. Wala ka sa kalingkingan ng ganda ko, yots!" sabi naman ni Marga. Okay lang yang silang dalawa. Wala lang yan. Ganyan lang talaga maglambingan ang kambal.
"Porke't babae ka't may boobs at V, eh nagmamalaki ka na. Oo na, ikaw na te. Ikaw na ang maganda. Pero kahit na, number two ka pa rin kasi---"
"Kasi ano? Kasi ikaw ang number one? Oh come on." inikot pa ni Marga ang mga mata pagkasabi nun.
"Hinde! Si Yuca syempre number one. Admit it, yots. Pinakamaganda sa atin si Yu." he said, wiggling his eyes to mine.
"Natotomboy ka na ba sa akin, Ark?" nakangiting tudyo ko sa kanya.
"Eww... no. Nagsasabi lang ako ng totoo." mukha talaga itong nandiri sa isiping yun. Haha! He's gayer than any gay. "Umamin ka sistah, tama ako, 'di ba?" siko nya sa kambal.
"Oo na! Atleast second ako, ikaw pa rin ang kulelat." sabi ni Marga na binelatan ang kakambal.
"Fine. Duh." talong sabi ni Marko na sumimangot at nagcrossed arm. Tinawanan lang namin ito ni Marga.
Ganito ang everyday routine ko. Kasama ng mga maiingay na kambal, ganito kami magpalipas ng oras. Hindi na makapagreklamo ang ibang Victorians kasi wala naman talagang pakialamanan basta wag lang magsakitan.
"So, kumusta naman si Yaci?" maya-maya'y tanong ni Marga sa akin. Nakwento ko kasi sa kanila thru skype ang dinner with the Ayala's at ang obvious na pagseselos ng kapatid ko sa akin when Hale was visibly giving me an interested look.
Yaci misinterpreted it. Hindi ko naman gusto si Hale. Not that I don't find her attractive, na well, maganda naman talaga yung emo na yun pero parang nakakababatang kapatid lang ang turing ko sa kanya. Nothing more.
"Okay na kami." sabi ko at bumuntong hininga.
"Eh para saan naman yung buntong hininga kung okay na nga kayo?" concern na tanong ng bakla.
"Yaci really like the girl pero siguro nakita nyang sa akin interesado si Hale kaya parang pinaubaya nya na lang si Hale sa akin." nakasimangot na sabi ko.
"Hindi mo sya kinausap?" tanong ni Marga. Umiling ako.
"Hindi na ako nagkaroon ng chance dahil maaga silang umalis ni Mmy." sagot ko.
Alam naman nila kung anong uri ng pamilyang meron ako and they didn't judge me dahil ganun din naman ang mga parents nila. Their moms are Mara and Kara Davis-Sy. Yes, you're reading it right. Insemination rin ba sila galing? No. Adopted sila ng mag-asawang Sy.
Hindi kasi agad nabiyaan ng anak ang mag-asawang Sy kaya inampon nila ang ulilang kambal na anak ng pinsan ni Tita Kara. Namatay sa car accident ang parents ng kambal at naawa si Tita Kara sa mga ito kaya sila na ang nagsilbing guardian ng mga ito. Nagkaroon naman ng swerte ang mag-asawang Sy after 3 years at nagkaroon ng galing mismo sa dugo't laman nila na anak, na nasa 7th grade na ngayon. Bunga rin ng insemination.
"Ganun ba." sabi ni Marko. "Well, kausapin mo na lang sya later, girl. Kailangan mong ipaalam sa kanya na wala kang interes sa Hale na yun."
Tumango na lang ako. Sakto namang tumunog ang bell at pumasok na kami sa first period. Walang iba kundi ang English. Sasabak na naman kami sa medyo boring na subject na to. Well, wala akong choice dahil nasa list of subjects ko ito ngayong taon.
+++
Nagsisiksikan ang mga Victorians sa labas at loob ng classroom namin. Specifically, dun sa table ng teacher namin. Parang nakakita ng artista ang mga Victorians kung makakumpol ang mga ito roon at ang iba pa'y parang kinikilig na nagbubulungan. Taka akong napatingin sa mga kaibigan ko na kumibit balikat lang sa nangyayari. Ibig sabihin, wala rin silang alam sa mangyayari. How come nahuli si Ark sa balita ngayon?
Umupo na kami sa dating pwesto namin na katabi ng isa pang kaibigan s***h pinsan kong si Clarissa. Hulaan nyo kung kaninong anak sya? :)
Si Issa lang ang straight sa mga kaibigan ko pero kahit na ganun, she didn't despise us. Apat talaga kami sa grupo, kaming tatlo ng kambal ang magugulo at ang lakas mangtrip samantalang si Issa naman ang nerdy pero naughty rin na kaibigan namin.
"Is, anyare?" sabi kong tumabi dito pero hindi ako sinagot dahil nakatulala itong nakapatong sa isang kamay ang baba at diretsong nakatingin sa teacher's table na kinukumpulan pa rin ng mga estudyante.
"Is? Hello?" sabi ni Marga na pinaypay ang kamay sa harapan ni Issa. She's clearly day dreaming base sa mata nitong kumikinang sa likod ng nerdy glass nya at ngiting bihira nya lang pakawalan.
"Hala, nagdeday dream yata ang bruha." bulalas ni Marko dahil hindi natinag si Issa sa ginawa sa kanya ni Marga. Hindi nya nga kami pinansin hanggang sa tumunog ang final bell at nagsialisan na ang mga victorians sa teacher's table.
Sa wakas naman. Anong nangyayari kaya?
Napailing-iling na lang akong inayos ang textbook ko. Weird talaga yang si Issa, masanay na kayo.
Sumulyap uli ako kay Issa para lang mapailing ulit dahil mas naging malala ang mukha nyang parang naglalaway, na nakatingin sa harapan ng classroom. Kataka-taka rin ang katahimikan ng mga kaklase ko. Hindi naman kami usually tahimik lalo na pag-english ang subject. Kami kaya ang pinakamaingay at pinakabibong seniors kaya puno ng pagtatakang nilibot ko ang tingin sa mga classmates ko para lang makitang ganun rin ang reaction nila, pareho ng reaction ni Issa. Pagtingin ko sa likod ko kung nasaan nakaupo ang kambal na Sy, ganun rin ang mga reaction nila. What on earth is happening? Parang naengkanto ang mga ito?
"Ahem. Good morning, class." bati ng teacher sanhi para mapalingon ako dito. Nag-iba kami ng teacher? Sa pagkakaalam ko, lalake ang english teacher ko. And guys, parang naengkanto rin yata ako ng mapatingin ako sa teacher. I was sure, I'm mirroring everybody's reaction. "I'm Augustina Stone, you can call me Miss Stone, and for the information of everybody, I'm your new english teacher." tsaka ito ngumiti. Lumabas ang dalawang biloy nya sa magkabilang pisngi. And god, I swear, I think I'm gonna pee at my skirt when she was smiling like that.
The freaking goddess of Olympus, thank you for falling Aphrodite in VBS. God, my English teacher was a goddess! I think I'm drooling.
Wait, what? Gosh, sobrang indicent ang mga iniisip ko. This is not so me!
"HOT!" napalakas ata pagkakasabi ko nun dahil napatingin silang lahat sa akin even the goddess teacher was looking intently to me. Though she was smiling at the outburst of my mouth, I can't help the blush creeping on my cheeks kaya napayuko na lang ako. Gosh, nakakahiya!
Hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit ako nahihiya. Dahil I, Danielle Yuca Lopez-Tan, ay 'di nahihiya kahit kanino. Confident ako sa sarili ko at sa ganda ko. But now? God, nahiya ako sa goddess na teacher. Ayeee.
Hiniling kong sana bumuka na lang ang lupa at lamunin ako. Nakakahiya talaga! Eeehhh!!!
+++
YACI
"Lunes na lunes mukhang byernes santo na agad mukha mo, Ins. Umayos ka nga." sabi ng pinsan kong si Marcris at pinisil ang magkabilang pisngi ko.
"Naman ins, masakit kaya. Ang rough pa ng kamay mo!" palo ko sa kamay nito at ngumuso pa lalo. Nauna na kami dito sa classroom at naghihintay ng final bell. Yeah, monday na naman at may ilang araw pang pagdurusa sa assigments, projects at quizzes. Hindi naman sa tamad ako mag-aral, top nga ako sa klase 'di ba? Pero wala lang talaga ako sa mood this week. Bakit? Basta.
"Oo nga brod, wag ganun karough. Ganito." epal naman ng kambal nitong si Crisco at mas malakas na pinisil ang magkabilang pisngi ko.
"Mama! Ang sakit! Aray naman! Stop it!" naiiyak na pinagpapalo ko ang kamay nito. Ang sakit kaya! Aba't pinagtawanan lang naman ako ng hunghang kong mga pinsan. Oo, pinsan. Sila'y anak nina Tito Marco at Tito Cris. Hindi sila galing sa insemination dahil hindi naman pwede yun sa lalaki pero naghire o nagbayad talaga si Tito Cris, with the permission of Tito Marco, nang babaeng pwedeng magdala sa sperm nya and tadaannn, nabuo ang walang hiyang kambal na ‘to.
Hindi na rin nagpakita ang nanay nila pagkatapos nitong maipanganak ang kambal. Okay lang naman sa kambal dahil according to them, enough na daw sa kanila ang binibigay na pagmamahal ng mga tatay nila and they don't need a mother. Nandyan din naman kasi ang mga mommies ko, na kung ituring ang mga pinsan ko'y parang mga tunay na anak na rin.
"Ang cute mo talaga, Ins." sabi ni Crisco at sabay na namang pinagtawanan ako ng dalawa.
"Sige, tawa pa. Hindi ko kayo pakokopyahin ng assignment. Sige, trip pa more." sabi ko sa kanila. Agad namang tumigil sa kakatawa ang dalawa at naglalakihan ang matang napatingin sa akin.
"What? May assignment?" sabay na tanong nila. Ahh oo nga pala, classmate ko tong mga hunghang nato since elementary at ngayong nasa high school na kami'y classmate pa rin. Nakakasawa man minsan ang mukha ng mga to pero nagagalak pa rin ako dahil kasama't magkakaklase pa rin kami sa 10th grade. And I know, hanggang matapos kami sa high school, magiging classmates pa rin kami kung hindi sila magmamigrate, na malabong mangyari.
"Yaci sweety, nasaan na ang assignment mo, baby?" pasweet na sabi ni Marcris. Hindi ko sila pinansin at iningusan ko lang ang mga ito.
Yan, dyan sila magaling. Ang tamad kasi gumawa ng assignment. Sabagay, ano pa nga bang bago? Sa akin lang naman laging nagongopya ng takdang aralin ang mga mokong na ‘to. Hindi naman sana mga bobo pero ang tatamad lang talaga.
"Sweety, honey, baby Yaci, labas mo na assignment mo. Please." si Crisco.
"Tse!"
"Yaci pinsan, please. Matitiis mo ba kami?" nagpuppy eyes na ang damuhong Marcris, ganun rin ang isang mokong.
"Please, sweety pie. Please." si Crisco. Parang mga tutang naging super bait ang mga ito.
At ako namang likas na mabait at alam nilang 'di ko sila matiis, kahit padabog kong kinuha ang papel kung nasaan ang assignment ko'y binigay ko pa rin sa kanila.
"Yes!"
"Love you, sweety!" at mabilis pa sa hangin na kinopya ng dalawa ang assignment ko. Pasalamat ang mga ito, may oras pa para magsulat ng assignment. Napatingin ako sa mga kaklase ko, na kanya-kanya ang ginagawa; may gumagawa rin ng assignment, nagchichismisan, nagsusuntukan na hindi naman sobrang nagsasakitan yung laro-laro lang, ganun, may nakikinig sa music at marami pang typical na ginagawa ng estudyante pag naghihintay sa teacher. Kahit naman rich kids ang mga narito, normal teenagers pa rin naman kami.
"Bakit 'di na naman kayo nakagawa ng assignment aber?" baling ko sa dalawa.
"Syempre ano pa. Nagdota na naman yang si Coco ng buong weekend at alam mo namang adik yan sa online games. Hmm." laglag ni Marcris sa kapatid.
"Buti nga adik lang sa dota. Hindi tulad ng iba dyan na 'di umuwi sa bahay last weekeend dahil mas inuna pa ang landian sa boyfriend." sabi ni Crisco na pinagpatuloy ang pagkopya.
"Ici? Really?" siko ko kay Marcris. Nag-inarte naman itong nasaktan. Eh ang hina lang kaya ng pagsiko ko sa kanya. Opo, Marcris is gay and he has a boyfriend. "Saan na naman kayo pumunta ni Ark? God, lagi na kayong magkasama ah. 'di ka ba nagsasawa?"
Sumimangot naman ito. "Maiintindihan mo rin yun Ins pagnagmahal ka na. And I love Ark, kung pwede pa lang lagi kaming magkasama, hindi ko na sya pakakawalan. Mahal na mahal ko sya. Sya na ang gusto kong makasama sa buong buhay ko. He will be my past, present and future. My happy ending. My forever." nagsisimula ng magday dream ang hunghang.
"Sus! Bata pa kayo hoy! Paano mo naman nasiguradong kayo na talaga? Baliw." pitik ko sa noo nya.
"Ouchie!" arte nito. Namula nga yung pinitik ko. Haha! Napalakas ata ang pagpitik ko. Bitter ako eh. Hindi nga lang nya alam. Haha! "Gaga ka talaga! Humanda ka pagnainlove ka, pagtatawanan talaga kita kung magiging adik ka rin sa girlfriend mo!"
Napalunok naman ako. Paano ba naman, medyo natamaan ako sa sinabi nya. Hindi nila alam ang tungkol kay Hale. Ayaw kong sabihin dahil yun na nga, alam kong bubuskahin lang nila ako dahil unrequited ang first experience ko sa love.
"Girlfriend? How sure are you?" hamon ko dito at pilit inaalis ang isip sa anumang bagay na tungkol kay Hale.
"Bruha, wag mo akong hinahamon hamon dyan dahil kilalang-kilala kita mula ulo hanggang paa. Alam kong pareho tayong bakla, Ins. Kaya wag ka ng magdeny dahil okay lang naman yun. Tanggap ka naman namin." mahabang sabi ni Marcris.
Oo nga, I'm an open book to my family kaya wala talaga akong maitatago sa kanila. This time lang, dahil ayokong kaawaan nila ako. Makakamove-on rin ako. Bata pa naman ako eh, kaya ko 'to. Hindi na lang ako umimik at sumimangot na lang ulit. Binaling ko na lang ang tingin sa ibang kaklase ko. Buti na lang 'di na ako kinulit ni Ici. Baka bumigay din ako katagalan. Hindi pa naman ako magaling magsinungaling.
"Syanga pala, have you heard about the new teacher sa english? Balita ko she's super sexy and pre, ang hot daw. Parang dyosang naligaw dito sa lupa!" nakaeavesdrop ako sa mga classmate kong boys.
Wow ha, really?
"Talaga?" sagot ng isa.
"Oo pare. Kaso junior at senior lang sya magtuturo. Nakakainis nga." Aww, that's disappointing.
"Ang swerte naman nila." bakas ang panghihinayang sa boses ng kaklase ko. Oo nga, ang swerte ng Juniors at Seniors. Hayy, ang ate ko na naman ang maswerte. Sya na! Sya na talaga! "Silipin kaya natin, pre! May oras pa naman."
"Tara!" agree naman ng isa pero malas lang dahil nagring na ang final bell. Nanlulumo naman silang bumalik sa kinauupuan. Sa loob-loob ko ay natawa ako sa nangyari. Mababaw lang naman ang kaligayahan ko.
Pero kunot-noo akong napaisip. Mukhang interesting nga yung English teacher. Minsan lang kasi mag-appreciate ng teacher dito sa school ang ibang students. Marami namang magaganda at gwapong teacher dito but I guess, nakakahigit ang isang 'to. Yung classmate ko kasi na nagsabi nun kanina ay isa sa mga lalaking masasabi kong respectful at hindi pervert. Kaya interesting talaga ang English teacher na yun. Hmm. I wonder who she is?
Naputol ang pag-iisip ko ng dumating na ang math teacher kasama ng kaisa-isang tao na ayaw ko muna sanang makita. Hayy! Anong ginagawa nya dito? Ugh!
"Good morning, class." bati ng teacher.
"Good morning, Miss Zobel." ganting bati namin.
Isa si Miss Zobel sa mga sinasabi kong magagandang teacher sa VBS. And she's still single pero hindi ko talaga type ang older sa akin, I prefer yung kaedad ko lang. Gaya ng babaeng kasama nya kaso I know, wala na akong pag-asa dito.
Napasimangot akong hindi ko namamalayan.
"Emo, Ins pero ang ganda. Type mo?" bulong sa akin ni Coco. Iningusan ko lang ito pero nakangiti itong parang 'di naniniwala sa inaakto ko. "Ang transparent mo." sinipa ko ito sa paa ng pasimple pero mabilis itong nakailag at tinawanan ako ng mahina. The twins both know na ayaw na ayaw ko sa emo but this girl, she is my exception. Hayy, ansakit lungs. Pero hindi nila malalaman yun. Never ko silang hahayaan tuksuhin ako.
"May new classmate kayo, class. Please, ikaw na ang mag-introduce sa sarili mo, Miss Ayala." sabi ng teacher.
Tumango naman ang dalaga sa teacher bago nagsalita. Gusto kong ibaling ang tingin sa ibang direksyon but I can't help my eyes to look at her. She was wearing the school's uniform at gaahh, she look so beautiful on it. She has still her emo look but she's the classy emo I had known. "Hello. I'm Mishael Miguel-Ayala, just call me Hale. I'm your new classmate." sabi ng emo na nilibot ang tingin sa loob ng klase.
Again, cliche but her voice sends good shivers in my neck. Ahh, grabe na this.
Akala ko, ako lang malakas tama dito pero narining kong may pumito na mga classmates kong boys and other girls are visibly flirting with her. Pero as usual, walang interes pa rin si Hale na nagpatuloy na nilibot ang mata sa room. Waring minimemorya ang mga kaklase nya.
Sunod-sunuran naman ang aking mga taksil na mata. Hoy, Yash! Matutunaw na yan!
I was just watching her at napunta nga sa gawi ko ang tingin nya. Dugudug! Hindi ko naman maialis ang tingin ko sa kanya though my head was warning me to stop looking in her brown orbs dahil alam ng utak kong, maliligaw lang ako sa magagandang mata nito. At hindi nga ako nagkamali, yun nga ang nangyari sa akin.
Minsan, maniwala din tayo sa subconscious natin. Talagang dito tayo minsan napapahamak dahil hindi tayo marunong sumunod sa mga may warning signs na sa utak natin. Nakuuu!!!
I thought babawiin nya agad ang tingin but to my surprise, nakatitig pa rin sya sa akin at muntikan pa akong nahulog sa kinauupuan ko when she smiled!
Omaygawd! Did she just give me a smile? I think I'm gonna faint. Over na Yash. Brain, hayaan mo na ako! Whatever, Yash.
Hindi nga ako nahulog sa kinauupuan ko pero ang puso ko naman ang parang nalaglag sa sahig. Hayaaa! Pakipulot. Hayaaa! *kilig*