Kabanata IV: Ang Parte ng Nakaraan 3

3985 Words
YACI "GOOD evening po Tita's, Hale. Pasok po kayo." bati ko sa kanila with my sweetest smile. "Yaci, good evening din. Thank you, ha. Ikaw pa talaga ang nag-abalang magbukas ng pinto para sa amin." bating balik ng dalawang ginang. Yung anak nila? Nada pansin beauty ko, teng. Chapa ako, chapa. Pumasok nga ang dalawang ginang at as usual, parang anino lang na sumunod si Hale sa kanila. Ni tapunan ako ng tingin ay 'di ginawa. Naks naman! Nagpaganda pa naman ako ng bongga para maging presentable sa mga Ayala. Ows? Sa mga Ayala o sa anak lang na Ayala? Oyp! Brain ha. Issue 101 ka. Pero kahit nagsinuplada yung anak na Ayala binati ko sya ulit bago ko sinara yung pinto.  "Hi, Hale." Tinanguan nya lang ako pero kahit ganun, naging masaya na ako. Atleast pinansin ako, ‘di ba? Tsaka deym, noon hindi ko gusto ang fashion statement ng mga emo dahil I found it so dugyot pero nag-iba ang pananaw ko sa fashion statement nila when I met Hale. Lalo na ngayon, she was wearing this spaghetti strap black knee length dress and paired with a black heels converse. Mas makapal ang eyeliner nya ngayon compare last time but she looks cute pa rin, kahit papano. Her straight black hair was down at as usual, yung bangs nyang malapit ng tumakip sa mga mata nya was cleanly placed slantly to the right side of her face. She was not wearing any dark make up, nag-lip gloss lang ito sa natural na mga mapupulang labi. She looked like an emo barbie. Para ko na tuloy, gusto syang gawing model ng mga dress collections ko. Oo, may collection ako. Fashion freak din kasi kami ng ate ko, na minana naman namin sa mga mama namin. I was not aware na nakatingin na pala ako all the way sa kanya. Checking her out? Yes, indeed! Nakatayo pa rin kasi sya sa likod ng parents nya while my mother's were talking to her mother's. Bakit naman sila dito sa living room nag-uusap at nakatayo pa? Well, I don't mind. Ang ganda ng view dito eh. Titig na titig pa rin ako kay Hale when suddenly, nagblush sya. Aww, she was blushing. How cute! Teka... Did she notice me staring at her? Sheyt! Ay, hindi pala nya ako nakitang tinititigan sya. She was blushing because my sister was talking to her. And hell, nakikipag-usap rin ito pero nasa hiya mode pa rin. Ngayon lang sila nagkita ng ate ko pero nakipag-usap sya? Close na sila agad? Wth! Eh ba't sa akin ayaw nyang makipag-usap? Tae naman! Hindi ko namalayang umusad na pala sila at nagkandahaba na ang nguso ko dahil sa nasaksihan. Sabagay, charmer naman kasi ang ate Yuca ko kaya madaling nakakakuha ng loob ng kahit na sino. Pero ako rin naman ah? Ugh! Unfair ka Hale! "Ading, sa dining na daw tayo." tawag ng ate ko pero dahil naghihimutok pa rin ang kalooban ko'y 'di ito napansin. "Yaci? Hoy!" "Oh?" inis na sagot ko. Hindi ko alam pero biglang uminit ang dugo ko sa kanya. "Dining na daw tayo. May mga bisita tayo. Ayusin mo pagmumukha mo." tsaka sya nagpatinunang pumasok sa dining room. "Ayusin mo mukha mo." sinunod ko yung pagkakasabi nya pero in mocking style. "Pft. Anong aayusin ko? Ganda ko na kaya. Hmp!" tsaka ako nagpapadyak na sumunod sa mga ito. Jelly bean, girl? No brain. Shatap! +++ "Tita, sa VBS rin ba mag-aaral si Hale?" narinig kong tanong ng ate ko. Nawalan na ako ng ganang kumain. Haist! Ang saya-saya nilang nag-uusap at feeling out-of-place ako sa kanilang lahat. Magkatabi kami ni Ate Yuca at kaharap ko si Hale. Okay na sana dahil may better view ako sa kanya pero lagi naman silang nagngingitian ng ate ko at pag may tinatanong ang ate ko'y kahit paunti-unting salita ay sinasagot nya ito. Nacorned chicken na ata yung adobong manok sa plato ko dahil sa sinasaksak saksak ko na pala ng 'di ko namamalayan. Tsk. Kawawang chicken adobo. Paborito ko pa naman to, lalo na't luto ng Mama ko pero hindi ko maappreciate ngayon ang pagkain. Tsk. Ugh! "Yaci, baby. Okay ka lang?" narinig kong tanong ni mmy. Pilit na ngumiti ako sa nanay ko at tumango. They were all staring at me now. As in all. "Bakit, baby? Napano ka?" nag-aalala ring tanong ng mama ko. "May lagnat ka ba? May masakit ba sa’yo?" tanong naman ng ate kong dinama ang mukha ko. Oh yes, ang sweet nilang lahat. Madali silang napaparanoid kasi ang tahimik ko. Makulit kasi ako at madaldal. The typical bunso but I was acting weird, I know. Kahit ako'y hindi ko maipaliwanag ang nangyayari sa akin. "Eh, okay lang ako." sabi kong pasimpleng tinanggal ang kamay ng ate ko. Inis pa ako sa kanya eh. Hmp. Hindi naman ako makatingin sa gawi ni Hale but I'm sure nakatingin ito sa akin dahil nakikita ko ito sa sulok ng aking mga mata. Nahiya naman ako bigla. Ayp! Yumuko na lang ako at nagkunwaring nagpatuloy sa pagkain. "Ading, are you sure? Pacheck up na tayo? Or I'll call Tita Mara to check on you? Kaya mo pa ba?" ayun, 'di na ako tinantanan ng ate kong mabait. Tahimik na tuloy sa mesa at awkward na awkward ang feeling ko. Err... "Okay lang ako, te. No worries." pilit na pinasaya ko ang tono ko. She was now eyeing me in disbelief. Of course, she knew this was only an act. Ganun din ang mga magulang ko dahil kilala na nila ako. Well, magaling naman akong magdrama so, I know I can fake this. "So mga tita, how about we continue the story of my mums 17 years ago? Okay po ba yun?" tsaka ako ngumiti ng pagkatamis-tamis. Come on, please say yes Tita's. "Yes, Iha. Mabuti pa ngang ituloy na natin." masayang sabi ni Tita She. "Wait... What story is that?" takang pigil sa amin ni Mama. "Yung time na you attempted to kill yourself, dude. Hindi mo na nadistribute yung CD's huh." tukso ni Tita Mic dito. Namula naman si mama. "Can I watch it now? Sabi ni Yumi, ipapakita nya sa akin tonight." "Yumi!" baling ni mama kay Mmy. "Hindi mo pa tinapon yung CD?" nanlaki ang mga matang nakatingin si mama dito. My Mmy just grinned at umiling. "That's your last message to them, mahal. Hayaan mo na. Besides, past na yun. Give them the liberty to watch it." "I look horrible on that video. No! Hindi mo ipapakita yun!" "Try me." "Sa sala ka matutulog, Mayumi!" "Haha. Hindi mo magagawa sa akin yun. Sobrang mahal mo ako kaya 'di mo gagawin sa akin yun." "Ugh! Fine!" nakabunsangot na sabi ni Mama. Nag-away pa sila ng mabilis ah. But knowing them, galit-galitan lang yang peg ni Mama. "Dominant ka pa rin Yum, ha." natatawang tukso ni Tita Mic. Mmy just puff her chest. Aww, super cute talaga ng parents ko. "Ilang beses ng pinagtangkaan ni mama si Mmy na sa sala matutulog pag nag-aaway sila but in the end, sya pa rin ang sumusuyo kay Mmy." bisto ng ate ko sa kanila. That was true. "Yuca!" pinanlakihan ni mama si ate ng mata. Kibit balikat lang si ate kasabay ng pagtawa ng dalawang ginang. I saw Hale smiling and oh wow, she look so cute. "You look really pretty when you smile, Hale. You must often do that." Hindi ko napagilang sabihin ang nasa utak ko. "Agree." second the motion ng ate ko. Napayuko naman si Hale at hindi nakaligtas ang pamumula ng mukha nito. Bumalik ang genuine na ngiti ko dahil dun, para lang mawala ulit dahil nag-thank you nga ito pero sa ate ko naman nakatingin. Ayt! 'di ba ako nagsabi sa kanyang pretty sya pagngumingiti? Unfair! "Now Yash, magkwekwento ka na ba, iha?" untag ni Tita Sheila sa akin. Dun ako parang natauhan. "Ay, opo." sagot ko. I composed myself and started to tell them the love story that I never get tired of sharing. All ears and eyes was on me now. I mentally grin dahil pati si Hale nakatingin sa akin. Well I guess, interested talaga sya sa love story ng parents ko. So, here goes... +Flashback starts... Two weeks na hindi nakipagcommunicate si Yumi sa pamilyang naiwan sa Pilipinas. Pinutol muna nya ang anumang uri ng communication para hindi sya magkaroon ng dahilan at agad na bumalik doon. In two weeks, inabala nya ang sarili sa paglibot sa London at pag-enroll sa bagong school. Ang gara ng music school nila dito sa London. Hindi nagsisisi si Yumi na dito nya piniling mag-aral. Marami na ring nakilala si Yumi. She casually make friends na hindi naman nya usual na ginagawa but since Dani changed her, syempre nagkaroon na rin ng mabuting asal ang dalaga. Naiisip pa rin nya si Dani. Actually, iniiyakan nya pa rin ang masakit na kapalaran na nangyari sa kanila tuwing maalala nya ito. Mahal nya pa rin si Dani and Yumi don't know at all if she could learn to love anyone except Dani. Oo, tinanggap nya na ang katotohanang magkapatid nga sila sa Ama pero hindi naman ibig sabihin nun na she stop loving Dani. Yumi just prayed na in time, magiging maayos rin ang lahat. Makakamove on silang lahat. Lalo na sila ni Dani. Nasa loob sya ng bahay na tinutuluyan when she decided to play viola. Minsan na lang ang bonding nila ng violin nya dahil may bago syang binili para sa school practices nya. Umupo sya sa couch as she started to fiddle viola in the tune of Cristina Perri's A thousand years. Sa isip nya'y abutin man ng thousand years, si Danica at si Danica pa rin ang pinakaespesyal na babaeng humuli sa puso nya. (A/N: I was playing the violin cover when I was writing this. God, naging teary eyed din ako. Affected much lang. Haha.) Nakapikit pa sya when she was playing the song. Walang ibang nasa isip nya kundi si Dani. She imagined the two of them dancing in white dresses. Nakatitig sa isa't isa at puro ang kaligayahang nakikita sa mga mata nila. Nagpapalakpakan ang mga tao sa paligid nila as they were congratulating the two because of their undying love. Na kahit pa andaming nangyaring pagsubok sa kanilang dalawa'y hindi sila naggive up. They fought for their love, no matter what the pain they experienced. Ipinakita nilang, sa larangan ng pag-ibig, maging sino ka man o ano ka man, you deserve to have a happy ending. Yumi was not aware na tumulo na pala ang luha nya as she was still playing the song, ng nakapikit, with all her heart. Binuhos nya sa pagtugtog ang lahat ng pagmamahal na nararamdaman nya kay Dani. Na para bang sa pamamagitan nun, mararamdaman ni Dani ang pag-ibig nya kahit ang layo pa nila sa isa't isa. Lalo lang tumulo ang luha ni Yumi when in her imagination ay sinelyuhan nila ni Dani ng halik ang pagiging official married couple nila. They walk hand in hand palabas ng simbahan as their peers ay tinapunan sila ng white rose petals. The two of them, both looking contented. Nang makarating sila sa labas ng simbahan ay tumigil muna sila at nagngitiang sabay tinapon ang bouquet of white roses, patalikod. They saw Mara and Clara na nakasalo sa mga bouquet nila. The twins happily grin as their partners, Kara and Basilio, give them passionate kisses. Everyone was happy, everything was perfect. Tanggap na ng mga parents nila Mara at Kara ang relasyon nila and Crispin was out with his Dad. Sergio accepted him and of course, sila ang nagkatuluyan ni Marco. Syempre ang mga kaibigan nila'y masaya na rin sa mga partners nila. Micah and Shiela, with their kid, running around along with theirs. Ang saya lang 'di ba? Natigil lang si Yumi sa kakaimagine at pagtugtog when she heard a doorbell. Patamad na sinagot nya ito and found out it was one of Henry's business partners. "Ano pong maipaglilingkod ko, Mr. Mayweather?" tanong nya dito. "Iha, your Dad was so worried about you. Two weeks ka na daw nilang hindi nakocontact. He said, check your phone and emails. May nangyari daw na hindi maganda kay Dani." para namang nabingi si Yumi sa sinabi nito ng mabanggit ang pangalan ni Dani. Nataranta tuloy si Yumi at hindi alam ang gagawin. Buti na lang umalis kaagad si Mr. Mayweather. Dali-dali namang inopen ni Yumi ang phone at gadgets nya. Naunang naopen ang phone nya. There were a lot of messages from her Dad, Tito Sergio, sa kambal and friends. Wala namang text from Dani na ikinadismaya nya. But sinabi ni Mr. Mayweather na may nangyari daw na hindi maganda dito. I was about to open the messages when an email notification pop-out na may pangalan ni Dani. I prioritized it pero walang lamang mensahe ang email pero may video na nakaattach. Pinanood ko yung video and as I was watching it, nanlulumo akong napaupo sa couch. Dani killed herself? Oh my god. Ang laman ng video ay pamamaalam nya. I checked the date at para lang uli madisappoint dahil it was two weeks before I left Pinas. Hindi ko na nakayanan at napaiyak na akong tinignan uli ang video nya. I paused in the part na sinabi nyang mahal na mahal nya pa rin ako. Naiyak lang ako ng lalo. Patay na ba talaga sya? Anong gagawin ko? I feel helpless. Natutuliro ang isipan ko, merely thinking that Dani was dead makes my heart sink in deeper agony. Mas okay pa sa akin na magkahiwalay kami at 'di nagkikita kaysa malamang patay na ito. Na pinatay nya sarili nya para lang manindigan sa tama. Mahal ko. Mahal ko. Bakit mo ako iniwan? Dani, bakit? Sising-sisi ang pakiramdam ni Yumi dahil sa selfish pride nyang i-off ang gadgets nya'y heto nga't hindi na nya napigilan ang pagpapakamatay ng babaeng minamahal. Bigla-bigla'y kinuha ni Yumi ang mga importanteng gamit at nagpasyang uuwi ng Pilipinas. Umiiyak sya habang mabilis na nag-iimpake. Pinatatag nya ang kalooban, gusto nyang malaman ang totoo. Gusto nyang makita mismo ng mga mata kung totoo ang nangyayari nang nakarinig na naman sya ng doorbell. She didn't mind it pero makulit yung nagdodoorbell. Inis nyang sinagot ang pinto at sisigawan ang kung sino mang nangdidisturbo sa kanya. Binuksan nya at akmang sisinghalan ang taong nasa likod ng pinto when she was stun seeing the person at her doorstep. "D-dani?" gulat na turan ni Yumi. Nangayayat man ang probinsyana pero sigurado syang ito nga ang nakikita. "Multo ka ba?" tanong uli ni Yumi ng 'di ito nagsalita. Ngumiti naman si Dani sa chinita. Nakaisip tuloy ito ng magandang panakot kay Yumi. Takot kasi ang chinita sa momo, kung natatandaan nyo. "Oo. Iniwan mo kasi ako. I ended my life dahil wala ng halaga ang lahat kasi wala ka na sa buhay ko. Bakit Yum? Bakit mo ako iniwan?" monotone na sabi ni Dani. Walang ka expression-expression ang mukha nya. Even her green eyes was uninterestedly boring to the chinita. Bumakas naman ang pagkatakot sa mukha ng chinita. Muntik ng mapahagalpak si Dani sa pagtawa when Yumi ran inside the house at nagtago sa likod ng couch. "Gosh, Dani! No, please. Uuwi na nga ako sa Pilipinas para makita ang labi mo. Dani please wag mo na akong multuhin. P-promise, ipapalibing kita ng maayos!" nakasiksik si Yumi sa likod ng couch. Bakas na bakas ang pagkatakot sa boses nito. Pinigilan ni Dani'ng wag mapatawa sa inaakto ni Yumi. But a big grin flash on her face pero hindi naman nakikita ni Yumi yun dahil nakatago ito sa likod ng couch. "Hindi mo na kailangang umuwi, baby. Magkakasama na tayo. Sinundan ka nga ng spirit ko dito kasi akala ko'y sa pagkamatay ng physical na kawatan ko'y makakalimutan na kita. Pero hindi pala, hinahanap-hanap pa rin kita." at nagsimulang kumanta si Dani with her voice na parang pangmulto talaga. Ang inawit nya ay yung kinanta nya sa DITO'ng Hinahanap-hanap kita ng Parokya ni Edgar. "Kyaaa! Dani, please! Umalis ka na! Wag mo na akong multuhin, please! Sorry na. Sorry na. Alam mo namang takot na takot ako sa multo at kahit mahal na mahal pa rin kita'y, the fact na multo ka, nakakatakot pa rin!" hurumentado ni Yumi. Nanginginig pa nga ito sa kakatago. "Mahal mo pa rin ako? Talaga!" panggugulat ni Dani dito. Napasigaw na nagtatakbo naman si Yumi sa sulok ng living room. "Huwaaa! Oo, mahal na mahal pa rin kita. Kaya lang multo ka na. Dani, mawala ka na please. Magpapakamatay na lang ako para magkikita pa rin tayo. Dani, shoo na! Please!" nakapikit na ngayon si Yumi dahil unti-unting lumalapit si Dani sa kanya. She was cornered in the wall at hindi na makagalaw. Naginginig ang mga tuhod ng chinita dahil naramdaman nya ang presensya ng multong si Dani. "Mahal mo naman pala ako eh. So, will you marry me?" tanong ng multong si Danica. Sobrang lapit na ng mukha nya sa nakapikit na chinita. Kaunti na lang ang pagpipigil ni Dani at bubunghalit na sya ng tawa sa nakikitang pagkatakot ni Yumi sa kanya. "P-pero patay ka na." at nagmulat si Yumi. Nakita nyang sobrang lapit ni Dani kaya napatili uli sya at naitulak ito. Tatakbo na sana sya papuntang second floor when she heard Dani laughing. Napatigil sya. She seems alive kasi sa pandinig nya. And nahawakan nya ito. Wait... Nahawakan? Panung? "Buhay ka?" salubong ang kilay na bumalik si Yumi sa sala. Hindi agad nakasagot si Dani dahil panay pa rin ang tawa nya sa reaction ni Yumi. Napahawak pa ito sa tyan at nangingilid ang luha sa kakatawa. "Dani! Don't laugh at me! You scared me to death!" naiiyak na sabi ni Yumi. She was not crying dahil sa ginawang pananakot ng probinsyana sa kanya but the fact that she is alive ay nagpapaiyak sa kanya in gladness. Tears of joy, ika nga pero halo-halo na ang emosyong nararamdaman nya. Hindi pa rin tumigil sa kakatawa si Dani. Nakatingin lang si Yumi dito and she was so happy that the love of her life is here. Hindi namalayan ni Yumi na umiiyak na pala sya. "Baby? Oh no. Don't cry. I didn't mean to scare you. I'm so sorry." yakap ni Dani dito. "Baby, sorry na. Please don't cry." Umiyak pa rin ng umiyak si Yumi. Nagkandalito naman si Dani sa pagpapatahan dito. "Baby, tigil na please. Sorry na po, please." tarantang-taranta na si Dani. 'di na alam kung paano patatahanin si Yumi. Isang paraan lang ang naisip nya para tumigil ang chinita sa kaiiyak. Hinalikan nya ito sa labi. Epektibo naman ang ginawa ni Dani dahil tumigil nga sa pag-iyak si Yumi at tumugon sa halik nito. They make out for a couple of minutes, natuyo na lang ang luha ni Yumi sa tagal ng paghahalikan nila. They kissed, just feeling the sweetness of each others lips. Kay tagal nilang namiss ang mga labi ng isa't isa. Walang paglagyan ang saya ni Dani dahil sa nangyayari ngayon. Finally, they're back together. But before anything intense happen, Yumi pulled back. "Wait Dan... Are you gonna live with me? How about the truth that you always insist and fight for?" Yumi wants to clear everything with Dani. Baka mapasubo na naman uli sila, mahirap na. Marami ang masasaktan at madadamay. "I'm staying with you, babe. I can't live without you. Mahal na mahal kita." emotional na sagot ni Dani. Lusaw na lusaw naman ang puso ni Yumi sa sinabi ng probinsyana. "But... But we're, you know uhm s-siblings... D-do you really want to do this? Alam ba to nila Dad? Teka, saan ka pupunta?" and dami kasing satsat ni Yumi. Yun tuloy, naglakad pabalik sa pinto si Dani. Aalis na ata ito o nagwalk-out ang peg. Mabilis namang humabol si Yumi. Hell no, I will not let her go again. Kahit magkapatid kami, bahala na! Sa isip ni Yumi. Akala ni Yumi aalis na si Dani pero kinuha lang pala ang bagahe nitong nasa labas ng pinto. Hindi naman mapakali si Yumi sa paghihintay kay Dani dahil hindi ito nagsasalita at bumalik uli sa sala, dala-dala ang bagahe nya. Binuksan ang bag nito at--- "Dan, talk to--- Ano ‘to?" takang tanong ni Yumi. May inabot kasing papel si Dani sa kanya. "Read." maikling sagot nito at walang paalam na pumunta sa kusina. Nagugutom si Dani dahil sa super excited nyang makarating sa London, hindi na sya nakakain. One week din syang naglagi sa hospital when she overdozed herself. Alalang-alala ang pamilya at friends nya nun but she didn't care dahil sa isang linggo ay hindi man lang nagparamdam ang chinita. Akala nya talaga mamamatay na sya pero ewan, masamang damo siguro sya o sobrang bait nya lang talaga because God give her a second chance. Ang masaklap lang eh, ang sakit ng hypothalamus ni Dani dahil sa rejection ni Yumi. Muntikan na syang mamatay pero ni ho ni ha, hindi sya inabalang kumustahin nito. Nakalma lang sya sa hinanakit mula rito ng ilang araw na rin pala syang kinocontact ng pamilya nila. Out of reach ang mobile nito at hindi nagrereply sa social media accounts nito. Nagtaka na sila. Susundan na sana ito doon ni Dad Henry but Dani volunteered to go and check on Yumi. Lalo pa't nalaman nilang hindi naman pala totoong mag-ama sila ni Henry. Nagkamali yung doctor na nagcheck sa kanila dahil nagkapalit daw ang mga test tubes or etcetera. To be sure, nagpa-DNA ulit sila at ang saya lungss mga mare, NEGATIVE na talaga yung result. Kaya fly agad sa London si Dani at eto na nga ang eksenang nasaksihan nyo. "DANICA!" hayy, ayan na naman ang pagalit na sigaw ng chinita ko. Hindi ba sya masaya na hindi naman pala kami magkapatid? Kumuha muna ako ng apple sa ref, hinugasan at mabilis na kumagat tsaka ko ito hinarap. Nasa likod ko na pala ito at salubong ang kilay na nakapamewang sa akin. Cute! "Yes, mahal?" malapad ang ngiting tanong ko sa kanya. Hindi ito nagsalita bagkus bigla na lang nya akong niyakap at hinalik-halikan sa mukha na ikinatawa ko ng mahina. "Hindi tayo magkapatid. Hindi tayo magkapatid. Yes! Yes! Yes! Hindi tayo magkapatid." sabi nya sa pagitan ng pagbibigay ng maliliit na halik sa buong mukha ko. "Opo. Hindi." sagot kong nakangiti pa rin. Nakahapit ako sa balakang nya habang patuloy ito sa ginagawa. Ang sweet talaga ng chinita ko. "Babawi tayo, mahal ko." sabi ni Yumi with her seductive smirk. Nagets naman agad ni Dani ang tinutukoy nito pero nagpakipot muna sya. "Nagugutom ako, mahal eh. Pwedeng kumain muna?" nanunudyong sabi ni Dani but actually, she was excited at the thought. Nawala na ang gutom nya dahil sa nakapang-iinit na paghawak ni Yumi sa puson nya. In her abs, to be exact. Ang bilis talaga ng chinita nya. Haha! "Ako na lang kainin mo. Siguradong mabubusog ka ng bonggang-bongga, mahal ko." sabi naman ni Yumi at kinagat-kagat ang labi ni Dani. Oh, paano pa makakahindi si Dani dito? Kaya napatango na lang ang probinsyana at mabilis pa sa alas kwatrong nahila ito ng chinita sa kwarto nito at doon na sila nag-stay sa buong araw. +End of flashback... "Don't tell me, pati yung SPG scene nyo kwinento nyo sa mga anak nyo, Yum?" Si Tita Mic. "Hehe. Hindi po Tita." epal ko. "But they taught us some moves." "And positions too." ride-on ng ate ko. "The hell, Yum? Totoo ba ‘to, Dan?" gulat na tanong ni Tita She sa mga magulang ko. Nagtawanan naman kami ng ate ko. Nakangiti namang iiling-iling ang mga parents ko. "No. They're just kidding. Pinagtritripan lang kayo ng mga anak namin, girls." sagot ni mmy. Nagngitian kami ng ate ko as we bump each other's shoulder. "Naughty girls." iiling-iling na sabi ni Tita Mic. "San pa ba nagmana?" sabi naman ni Tita She. Nagtawanan ulit kami. I saw Hale looking amusingly to us. But no, akala pala TO US, pero sa ate ko lang pala. Hayy, is this my first broken heart? Siguro eto na nga. This is the first time na nagkagusto ako sa isang tao but sad to say, maling tao yata ang napagtuunan ko ng pansin. Oh well, mas importante naman ang relasyon namin ng kapatid ko kaysa sa ibang tao. Priority ko pa rin ang pamilya kahit na nga ang kapalit nito'y pagpaparaya sa magiging kaligayahan ko. Minsan pa akong sumulyap kay Hale na pinagsisihan ko dahil as usual, sa ate ko pa rin ito nakatingin habang masayang nakikipag-usap si Ate Yuca sa mga adults. Yumuko na lang ako to hide the pain, na alam kong nababakas ngayon sa mukha ko. Ouch! Ang sakit lungsss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD