Kabanata III: Ang Parte ng Nakaraan 2

3035 Words
YUCA "MMY, we're home." bungad na bati ko sa isang nanay ko ng dumating kami sa bahay. "Yuca, nandoon sya sa library." sagot ni Ate Irma sa akin at sinalubong si Mama para kunin ang dala-dala nitong groceries. "Ma, I'm just going to greet Mommy." paalam ko sa mama ko at hindi ko na narinig ang sinabi nito dahil tumakbo na akong papuntang library. I'm excited to see my Mmy because may magandang balita ako sa kanya. "Mmy?" ika kong binuksan ang pintuan at diretso ng pumasok.  At naroon nga sya't tutok na tutok sa pag-aaral ng mga music sheets nya sa mesa. Kahit magaling na magaling na ito sa larangan nya'y napapabilib pa rin ako sa sipag nyang pag-aralan ang buong detalye ng kanyang concert piece. And above all, ang ganda pa rin ng ginang kahit na nakasuot ito ng reading glasses nya. Tumingala naman ito sa akin at nagtanong, "Bakit, 'nak?" takang tanong nito. Masaya muna akong humalik sa pisngi nya at niyakap ito. "Good news, mmy." masayang sabi ko.  Her eyes glowed as I said that. "I bet it is. You look so happy, daughter." tukso nya sa akin at tinanggal ang reading glasses nito. "Come on, tell me." "Sa exhibit ni Mama after your concert---" "Mahal, I missed you." putol ng isang ginang sa litanya ko ng bigla na lang itong pumasok sa library at mabilis na yumakap kay Mommy at pinaghahalikan ito sa mukha. Ugh! Ang PDA lang? Itong mga nanay ko talaga. Hayyy... "Namiss din kita, mahal." sagot naman ni Mommy na hinigpitan ang pagkakayakap kay Mama.  I rolled my eyes. Alam ko na ang susunod na eksena kaya naman before ko pa makitang maghalikan ang mga adults sa harapan ko, umexit na ako. SPG na yung part na yun. They can't really take their hands off with each other after all these years.  "Ma, dahil disturbo ka, ikaw na magsabi kay mommy ng good news!" sigaw ko sa kanila pero nakatalikod na ako. Magmomoment pa yung dalawa. Hinayaan ko na lang. Walang kasawaan? Hmm, masaya na rin ako kahit na magsuper PDA sila basta lagi ko silang makikitang masaya sa piling ng isa't isa. Pumunta ako sa kitchen para kumuha ng mansanas. Naroon na rin si Yaci na ngingiti-ngiting umiinom ng juice. "Hoy!" gulat ko sa kanya. "Ay, butete!" gulat na turan nito. "Daydreaming? Bago yan ah." tukso ko sa kanya at pinitik ng mahina ang noo nito tsaka pumunta sa fridge. Nagsisimula na ring magluto ang dalawang kasambahay namin. "Ate naman, eh. Kailangan mo talagang gawin yun?" reklamo nito na dinama ang noo. "Ang alin?" Patay malisya kong tanong. Umirap lang ang bunso namin.  "Kanina pa yan na parang baliw na ngumingiti mag-isa, Yu." sumbong ni ate Irma. Agad naman akong napatingin sa kapatid ko pagkatapos kong mahugasan ang apple ko. "Ate Irma naman, eh. Masaya lang naman ako, eh." hindi pa ako nagtatanong, nagrarason na ito. Kilala na talaga ako ng kapatid ko kahit sa tingin lang. Guilty? "Eh bakit parang namumungay ang mga mata mo?" Kunwari ay inaral ko ang kanyang mukha. "Teka, inlove ka ba?" tudyo ko dito.  Muntik naman nitong nabuga ang iniinom na juice sa harapan ko. Buti na lang napigilan nito. "Ate naman. Wala pa sa isip ko yan. Alam mo namang nagcoconcentrate ako sa pag-aaral. May bet tayo, 'di ba? Hindi ko nakakalimutan yun. Mananalo ako, promise!" "Oh sige." kibit balikat na sabi ko sa kanya tsaka umalis sa kusina pero bago pa ako makaalis ay may pahabol pa akong salita sa kanya. "Hindi ka mananalo. Makukuha ko ang title nila Mama at the end of school year!" confident na sabi ko at tuluyang umalis na doon. "Ako rin!" narinig ko pang sigaw nya. Ang sweet namin 'no? Sigawan ang trip. Haha! Anyway, may pustahan kasi kami na magiging top of the class every end of the school year and so far, wala pang nananalo o natatalo sa amin dahil pareho kaming top sa klase. Ang consequences sa matatalo? Magiging alila for one month. Hindi naman masyadong intense 'no?  May pagkasuwail din kasi kung minsan yang kapatid kong yan eh. Yung dominant attitude ni mommy ay namana nya. Ako naman, ang mabait na attitude ni Danica Lopez pero wag ka, pareho kaming may malakas makamood swings nitong kapatid ko. Mas bipolar nga lang ito. Joke lang. Pero totoo, mas matopak ito.  I don't know dahil mas matanda lang ako sa kanya pero may pagka-reckless at tactless ang kapatid kong yan. Dahil siguro bunso din kaya ganyan sya pero hindi naman sya spoiled. Konti lang. Siguro. Char.  Anyway, I'm getting bored kaya naman nagpasya muna akong pumasok sa mini-studio ni Mama sa bahay. May pagkaworkaholic din naman kasi ang mga parents namin and they both love their professions kaya naman kahit dito sa bahay, may mga kanya-kanya silang offices at rooms para sa mga trabaho nila. Pagpasok ko sa studio'y, malapad akong nakangiting nakatingin sa mga kuhang larawan ni Mama na nafeature pa sa iba't ibang international at local magazines. Nandoon rin ang random pictures naming pamilya at yung mga kuhang larawan sa events ng buhay namin. There were pictures of Mmy and Ma nung highschool pa sila and they look so adorable. Pinakafavorite ko yung nakabikini sila. Tanda nyo yun? Yung nagchange sila ng bikini bra dahil muntikan na silang nahuli ni Lolo Henry na nagsisex sa vacation house ni mommy. Oo, napilit kong ikwento yun ni Mama sa akin dahil nagtaka ako dahil hindi nagmatch yung bikini's nila. Sa natural na pagiging makulit at cute ko'y, mama told me the story behind that. Natatawa akong inaalala yung time na kwinento yun ni Mama. Hindi naman nya kwinento in details pero God, nakakatawa kasi talaga. Then I proceeded watching the pictures while eating my apple. Dumako ang tingin ko sa isang larawan nila sa Paris. They were standing in the bottom of Eiffel Tower, both of them staring lovingly to each other. Sa pagkakatanda ko, yan yung time na sumunod si Mama kay Mommy sa London. Bata pa sila nun. Bagong graduate ng High School. But deym, they really look good together. Na para bang sinasabing they are really meant for each other. Look at how they look so lovingly to each other. Nakakainggit na din minsan, eh.  Lumapit ako sa larawan at hindi napigilang alalahanin ang pinagdaanan ng mama ko bago nya sinundan si Mmy sa London. +Flashback starts... "Aalis na si Yumi papuntang London, Dan. Hindi mo ba kami sasamahang ihatid sya?" tanong ni Basilio sa kapatid. Umiling lang ito at parang walang narinig na nagpatuloy sa ginagawang pagkuha ng larawan sa kanilang garden. Basilio sigh. "Don't you think it's time to make friends with her, sis? Kapatid pa rin natin sya. Let's all have a fresh start. Ayaw mo ba syang makita for the last time?" He was determine na pagkasunduin ang magkapatid.  Hirap na hirap na rin kasi silang makitang parang wala ng ganang mabuhay ni Dani. Nawala na ang masayahin at makulit na Dani na nakilala nila. Ever since that DNA result has been released, naging super reserve na ito at naging mas lalong unsociable. "Kayo na lang. Pakisabi na lang na good luck doon." uninterested na litanya ni Dani. Wala namang nagawa si Basilio kundi bumuntong hininga lang ng malalim. Ginawa na kasi nila ang lahat lahat ng kanilang makakaya pero naging matigas na si Dani pagdating sa mga usaping may kinalaman kay Yumi. "I'm sorry, baby sis." Basilio gave Dani a hug from behind. Nagulat naman ang huli sa ginawa ng kuya nya.  Naiiyak sya pero pinigilan nya dahil ayaw nyang nakikita nilang nasasaktan sya. Since that result came, hindi na nagpakita ng anumang interes o kahinaan si Dani sa mga tao sa paligid nya, lalo na pag ang concern ay tungkol sa kanila ni Mayumi. She drives people away from her. Even her friends ay hindi na nya kinakausap. She wanted to be alone. Sya lang at ang kanyang camera. "Ser, ales naman daw po kamo." interrupt ng katulong. Kumalas naman si Basilio sa pagkakayakap sa kapatid na ngayon nga ay para lang tuod at walang kafeelings-feelings na iniwan nya pagkatapos nyang magpaalam. Ang sakit sa damdamin na nakikita ang mahal mo sa buhay, na kahit buhay pa naman physically, pero para na ring patay dahil sa tinuturan nito. Kawawang Dani. Kawawang Mayumi. Oh fate, ang sama mo. Ang sama mo! (Epal ni fate: Wala akong kasalanan! Bakit ako sinisisi nyo?! Huhu!) XD Meanwhile, nang masigurado na ni Dani na nakaalis na ang mga Lopez's para ihatid ang pinakamamahal nyang chinita sa airport, sya naman ay sinimulan na ang planong pagpapakamatay. Gumawa muna sya ng video containing with these words, For Lopez's: "Hi, Dad and kuya's. Well, what can I say? Hmm... thank you sa lahat. Sa pagtanggap sa akin sa pamilya kahit bunga ako ng kasalanan ni Mommy noon. Dad, I salute you for being a strong person and for the big heart that you still offered to Mom kahit na pinagtaksilan ka nya. You're such a good father and I will never forget you. Kuya Basil, you are a very wonderful person. Ikaw na ang pinakamabait na kuya sa world. Ingatan mo si Clara ha. Gustuhin ko mang makakita pa ng maliliit na Basil at Clara'y hanggang dito na lang ako. Crossed fingers akong nananalangin na kayo talaga ang magkakatuluyan. Kuya Cris, I think it's time you tell Dad the truth. I know maiintindihan ka nya. And thank you kuya, sa mga ginawa mo para sa amin ni M-mayumi noon. I really appreciate that. Guys, mahal na mahal ko kayo. Sana mapatawad nyo ako sa gagawin kong ito. Sana mapatawad ako ng Diyos sa gagawin ko. I love you all." For Nanay Darna and Tatay Ding: "Nay, Tay, nagrigat ti biag. Nag-ayatak met laeng ngem apay ngay kasdyay? Sorry, Nay, Tay. Mahal na mahal ko po kayo. Salamat po sa pagpapalaki nyo sa akin ng maayos. Tinatanaw ko pong malaking utang na loob ang lahat ng naging sakrispisyo nyo sa akin. May iniwan po akong malaking halaga para sa inyo. Wag nyo pong tatanggihan, para po sa inyo yun. Mag-iingat po kayo." For Dad Henry: "Dad, pinapatawad na po kita. Pasensya na po at medyo naging aloof po ako sa inyo but thank you for understanding. Mahirap lang po talaga mag-adjust and I know you suffered also, kaya naman wala akong dahilan para mamuhi sa inyo. Alagaan nyo po ang k-kapatid ko. Salamat po." For Marco, Britt, The Linda's: "Mac, gummy bear, isa ka sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko. May first relationship and the first person who made me feel what I'm worth for being a woman. Mac, thank you and I'm so proud of you dahil pinaglaban mo kung anong palagay mong tama. Matatanggap ka rin ng Dad mo, eventually. Dahil kung hindi, sabihin mo sa kanyang mumultuhin ko sya. Hehe. I love you boyfie tsaka o nga pala, alam ko na kung sino sya. Approve ako sayo bayaw, wag kang mag-alala. *wink* ... Britt, bakla wag masyadong playgirl ha. Magdala ka palagi ng condom baka may madisgrasya ka. Joke. Pero anyways, salamat sa lahat. Sa lahat-lahat. Hindi ko na maisa-isa pero alam mo na kung ganu kita pinahahalagahan sa buhay ko. Mahal na mahal kita, bru. Sana makahanap ka na rin ng happy ending mo... The Linda's, girls, sorry sa pagtataboy ko sa inyo ng mga nakaraang araw. Ayoko lang naman kayong madamay sa madramang buhay ko. You deserve to live a happy life at magiging miserable lang kayo kung pag-aaksayahan nyo pa ang isang tulad ko. Guys, I'm really happy I met you. Mahal na mahal ko kayo. Kara and Mara, please fight for your love, no matter what. Wag kayong maging duwag, tulad ko. Clara, botong-boto ako sa'yo, sister-in-law. *teary eyed* I love you guys." For my chinita: "Uh, hi! Hmm... kumusta ka na? Uhm s-sorry ha, hindi na kita naihatid sa airport dahil inuna ko pa yung hobby ko kaysa sa'yo. Pero... Pero h-hindi naman talaga yun ang dahilan. *naiiyak* .. Truth is, Yumi, b-baby... *tears fall, sniffing*.. B-baby, I miss you s-so so much. I can't bear to see you go. That is why I'm doing this. Wala ng silbi ang buhay ko dahil wala ka. Mahal na mahal na mahal pa rin kita, Mayumi Tan. *pooling tears, Dani's choking while saying those words*.. Hindi ako pumayag na umalis kasama mo dahil ayokong maging hadlang sa mga pangarap mo. You have the great potential at malayo pa ang mararating mo kaya pagpumayag akong umalis na kasama mo'y masisira ang lahat ng yun. People will judge and curse us, hindi dahil were having homosexual relationship kundi worst is, magkapatid tayo. I know I'm such a coward pero I decided to stand for the truth and it's better for us this way. Malawak ang magiging future mo Yum na wala ako. Sorry for hurting you. Sorry dahil napakaselfish ko. Sorry, baby. S-sorry. *hikbi* M-mahal na mahal kita. Hinding-hindi kita makakalimutan. Ikaw ang pinakatamang nangyari sa buong buhay ko at hindi ko pinagsisihang mahalin ka. And if God will be merciful na bigyan ako ng chance at mabuhay ulit, ikaw at ikaw pa rin ang hahanapin at mamahalin ng puso ko. Ikaw lang Yumi, ang aking chinita. I love you sooo much, mahal ko. Please, find someone who will deserve your love and will really fight for you. Be happy, my love." Dani prepared those CD's with captioning the names on it. Ang para kay Yumi ay sinend nya sa email nito. If the chinita will check her mail, siguradong ito ang unang-unang makakaalam sa mangyayari ngayon sa kanya. Pagkatapos nang preparation nya, she grab a handful of pills at nilagok iyon tapos humiga na sa kama nya na parang matutulog lang. Forgive me, Lord. Litanya ni Dani sa isipan bago unti-unti syang nilukob ng kadiliman. SA AIRPORT... Naglast call na para sa flight papuntang London. "Bye, guys. Salamat sa paghatid." sabi ni Yumi sa pamilya. Hinatid sya ng amang si Henry, ng Tito Sergio nya at ni Basil. "Mag-iingat ka dun, anak ha. Anyway, naayos ko na naman lahat ng kailangan mo dun. Are you sure hindi mo kailangan si Inday doon?" si Henry. "Dad, it's fine." Yumi assured to him. "Kaya ko na sarili ko. I want to live independently." nakangiti man ang pagkakasabi nito sa mga katagang yun pero halata ang lungkot sa mga mata nito. Tumango na lang si Henry at niyakap ang anak. Pagkatapos, nagpaalam na si Yumi kay Sergio at Basil. "I tried to convince her na ihatid ka rin." bulong ni Basil when she hug Yumi. "Okay lang yun." pilit ang ngiting sagot ni Yumi at kumalas na kay Basil. "Anyway, tell Crispin na sya ang susundo sa akin pagnakauwi na ako dito ha. Ang busy naman ng mokong na yun." parang nagtatampong sabi nito but actually, sa isang tao lang naman sya nagtatampo. She will surely miss that person. And Yumi wanted to cry at the moment, thinking about the probinsyana pero pinatatag nya ang sarili. "May emergency call daw kasi from some doctor, I don't know who. Basta emergency daw. Oh sige, sasabihin ko lang sa kanya." si Basil. Tumango na lang si Yumi at nagsimula ng maglakad. In time, she was in her plane and seat. Kanina nya pa in-off lahat ng gadgets nya dahil ayaw nyang matuksong tawagan ang isang particular na tao. Tinanggap na ni Yumi ang kapalaran nila. Kaya nga aalis sya para makamove-on na rin. It's better this way para sa kanila ng taong yun. Mas madali silang makakamove on kung lalayo sya at hindi na rin makikipagcommunicate dito. For the better. Paulit-ulit na litanya ni Yumi sa sarili. Tsaka pumikit at nagpasyang matulog the whole duration ng flight nya. SA LABAS NG AIRPORT... Basil phone rings... "Cris? Bakit?" sagot nito sa kabilang linya. Nakaalis na rin si Yumi. Kasalukuyang nakatingala si Basil sa sinasakyang eroplano nito. "Stop, Yumi!" nakakabinging sigaw ni Cris sa kabilang linya. "Nakaalis na sya." takang sabi ni Basil. Nailayo nya ng konti ang phone sa tenga dahil sa lakaw ng sigaw ni Cris.  "F*ck! Punta na lang kayo sa hospital. Dali. Dani, tried to kill herself." Saglit na parang tumigil ang mundo ni Basil sa narinig sa kakambal. "A-ano? Saang hospital?" tarantang tanong ni Basil. Takang-taka naman ang dalawang adults sa paglakas ng boses ni Basilio. Maya-maya'y dali-dali na silang hinatak ni Basil. "Teka, ano bang nangyayari, anak?" si Sergio. "Si Dani Dad, nasa hospital. She tried to kill herself thru overdose." at pinaharurot ni Basilio ang kotse. "My God!" bulalas ng mga adults. +End of flashback... "Ate, tulungan mo daw si Mama sa dessert nya. Nakalimutan nya daw yung secret ingredient mo." untag ni Yaci sa pagbabalik tanaw ko sa nakaraan. "A-ahh... okay." I was not aware na lumuluha na pala ako. Pasimple kong pinahid ang luha ko at ngumiting humarap dito. "Tara?" akbay ko sa kanya at nagsimulang maglakad papuntang kitchen. Taka naman itong sinuri ang aking mukha sa akin. "Umiiyak ka ba?" "Hindeee." iwas na sagot ko, sabay pasimpleng mahinang suminghot. "Andrama neto." hindi naniniwalang sabi nya sa akin. "Nag-reminisce ka na naman sa story nila mama no?" ayun, huli. "Oo na. Hindi ko lang kasi mapigilan. Pang-wagas at MMK ang story nila eh." pabiro na sabi ko.  "Agree." sagot naman nya at tahimik na kaming naglakad. Tipid sumagot eh.  Tahihik naming binaybay ang hallway papunta sa kusina. Nakaakbay pa rin ako sa kanya.  "Ate? Alam mo na yung good news?" tinignan nya ako. Namumungay sa excitement ang mata nya at todo ngiti na ang bruha. Tumango naman ako with the sweetest smile. Hindi nya pa sinabi pero nagconclude na akong alam ko na ang tinutukoy nya. We know each other very well naman din kahit na sabihing lumabas kami sa magkaibang nanay.  "Excited na ako. Akalain mong mapifeature yung pamilya natin sa international magazine. Eeehh!!!" she squealed. "Ako rin, sis. Though we've been featured to many magazines pero there is something special with Cherubs. Nakita mo sana yung cover girls nila for this month, parang mga anghel, sis. Ang gaganda, grabe." kwento ko dito. "Sabi nga ni Mama." at nagkwentuhan nga kami about sa magazine na yun hanggang sa makarating kami sa kusina.  Naging abala na kaming lahat sa pagluluto. Magdidinner kasi dito ang pamilya Ayala. Isa rin sa mga hinahangaang, best lesbian couple sa bansa. I'm really excited to meet them lalo pa nga't ang daldal ng kapatid kong kwinekwento ang tungkol sa anak nilang si Hale. Sabi pa nya'y Emo daw si Hale, snob, suplada, walang paki sa paligid pero wag ka, sabi nya pa, cute daw ito. And I saw her eyes flickered in excitement when she continued babbling about Mishael. Now, I know kung bakit at kanino ito nagde-daydream kanina. Hmm, someone has a crush! Concentrate sa studies ha. Mamaya ka sa akin, Yaci! XD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD