Kabanata II: Ang Parte ng Nakaraan

3041 Words
YACI "THAT was brilliant, Yum!" magiliw na salubong ng isang magandang ginang sa aking mommy.  Nasa dressing room kami ngayon ng aking Mommy at kasalukuyang nagbebreak sa katatapos lang na rehearsal nila sa gaganaping concert nito next week. I was just here for support and learn from her as well by watching her with the opera team. "Micah!" masayang bati at salubong ng Mommy ko sa dumating.  Binigyan nya ito ng bone crushing hug. Malapad ang ngiting nakatingin lamang ako sa mga ito. Though ngayon lang kami nagkita ng personal ni Tita Micah'y nakilala ko pa rin agad ang mukha nya kahit na nga nagmature na ito. Who wouldn't know her? She's one of the famous talk show hosts in international show business. And like Mmy and Ma, babae rin ang asawa nito.  Nagkatuluyan sila ni Tita Sheila na kaibigan rin ng mommies ko. Tita She is still playing Lawn Tennis. Professional Lawn Tennis, I might say.  "Hmm... namiss kita. Buti naman umuwi ka rito." Dagdag na sabi ni Mommy pagkatapos nyang kumalas sa pagkakayakap kay Tita Micah. Sa Brazil na kasi ito nagmigrate kasama ng pamilya nito. "Umuwi kami, Yum. We're staying for good here." Masayang balita naman ni Tita Micah. "Talaga? Oh my god! Siguradong matutuwa si Dani pag nalaman nyang narito na kayo. Nagkita na ba kayo? Where is Shiela?" "Nope. Dumiretso ako dito kasi may meeting ako sa organizer ng concert mo. Ako ang host eh." Nakangiting sabi naman nito. "As for Sheila..." "I'm here." Sabad naman ng isa ring magandang ginang mula sa likuran namin. Pagkatapos makita ng mommy ko, magiliw na nagyakapan ang dalawa. They talk random things again at nagkumustahan. Nakalimutang naroon pala ako. Haha. "Ito na ba si Yaci?" sa wakas at napansin rin ako ni Tita Shiela. "Oh, yeah." para namang natauhan si Mommy. "Halika, baby." Tawag nito sa akin. Nakangiti naman akong lumapit sa mga ito. "This is my bunso, girls, si Yaci. Yaci, this is your Tita's, Micah and Shiela..." pagpapakilala sa amin ni Mommy. Makikipagkamay lang sana ako sa dalawang ginang pero magiliw na nila akong binigyan ng mahigpit na yakap. "Ang cute ng anak nyo, Yum. She looked more like you but the eyes were Danica's." si Tita Micah. "Of course. Saan pa ba magmamana ng kagandahan ang mga anak ko kundi sa magagandang mommy rin nila." Proud na sabi ni Mommy. Napangiti na lang ako. That is true kasi. My physical features was more on Mayumi Tan but my eye's is from my Mama Danica. Opposite kami ni Ate Yuca. She got Mommy's eyes. "Sya nga pala," Sabi ni Tita Sheila na napabalik sa pinto at may tinawag mula sa labas. "Mishael! I told you to come with us." Narinig kong sabi nito sabay hila sa isang dilag papunta sa gawi namin.  Hindi ko pa nakikita ang mukha nya dahil nakayuko ito at natatakpan ng mahabang itim na buhok at nakahoodie rin ito. Emo.Yun agad pumasok sa isip ko. Matangkad naman ang babaeng tinawag na Mishael kaya lang mahilig sa dark colors. Magkasingtangkad lang siguro kami. Nasa 5'5" lang ang height ko and my ate Yuca is 5'7". The girl's hoodie was black, knee shorts na black at Vanz na black. May earphone rin ito na nahalata ko lang when she was near to us. Checking her out, eh? Admittedly, yes brain. Maganda naman kasi ito kaso parang aloof. Emo nga. Oo nga, sabi mo eh. "This is our daughter Yum. Si Mishael. Hale, this is your Tita Mayumi and her daughter Yaci." Pagpapakilala sa amin ni Tita She. Hale? Cool! The girl sheepishly smiled to my Mom and the latter gave her a welcoming hug. Ako naman, syempre nakihug na rin para pang welcome. Para naman itong tuod na nakatayo lang doon but infairness, ambango ha. "So, sa VBS nyo rin ba i-eenrol si Hale?" tanong ni Mommy. Si Hale naman, uninterested na naupo sa couch na naroon at mukhang nakikinig lang sa kung anong nasa playlist nya. Hmm, aloof nga. Mapagmasid much? Shatap, brain! "Oo naman. VBS is still the most prestigious school in this country Yum tsaka dun tayo nanggaling kaya dapat doon rin mag-aaral ang mga anak natin." Si Tita Micah.  Lakas makaloyalty award ang mga adults eh. Pero joking aside, I am so proud to be a Victorian.  "Right." Sang-ayon naman ng Mommy ko. "How about we go for a lunch together? Tutal, it's almost noon na. Free na ba kayo?" "Yeah. Tapos na kaming makapag-usap nung mga organizer." Si Tita Micah ulit. "'Di ba, hun?" baling nito sa kabiyak. Tumango naman ito. "Okay. Tara." Sabi ni Mommy na kinuha ang bag at sabay-sabay na nga kaming lumabas. Except Hale na nagpahuli at ang bagal maglakad. Sumakay kami sa kanya-kanyang kotse, meaning ng mga mommies, at pumunta sa restaurant owned by my Uncle's. "Resto na 'to ni Crispin, Yum?" narinig kong tanong ni Tita Sheila sa Mommy ko.  Naghihintay lang kami sa order namin. As usual, Hale was like with herself at walang pakialam sa paligid. I don't know but I can't help to stare at the girl. I wanted to make conversation dahil nabobored na ako sa pinag-uusapan ng mga parents namin. "Hale." Tawag ko dito. Walang sagot. Nakayuko itong naglalaro sa phone habang nakasaksak pa rin ang earphone sa tenga. "Hale." Second call. Wala pa rin. Snob? Tsk tsk tsk. Napansin naman ako ni Tita Micah sabay sabing, "Pagpasensyahan mo na yang si Hale, Yaci. May mga personal problems lang kasi." Malungkot na sabi nito at tumingin sa anak. Personal problem? Gaano kaya kalala? Eh mukhang malala pa sa malala ang problema ng babaeng ito dahil napakaisnabera talaga. Tumango na lang ako at ngumiti kay Tita para sabihing okay lang sa akin ang ginawang pagdeadma ng anak nito.  Supdala. Ang cute mo pa naman. Hanudaw, brain? Haist! Edi kung ayaw nyang makipag-usap, edi wag. Umaandar rin naman minsan ang pagiging suplada ko. Inignora ko na lang din ito at tinawagan ang ate ko dahil inutusan ako ni Mommy na papuntahin sila dito. Panay pa rin ang pag-uusap ng mga adults ng kung ano-ano. I just interrupted when I finish talking with my sister. "Excuse, Mmy..." imagination ko lang ba yun ng sumulyap ng saglit si Hale sa akin ng nagsalita ako? Duhh, ewan. "Sabi ni Ate they can't go daw po dahil busy pa masyado. Pinapasabi po ni Mama na i-invite them sa dinner sa bahay po mamaya. Magluluto daw po si Mama." I told them. Lumiwanag naman ang mukha ng mag-asawa. "Of course, we love to! Yes, Yum, pupunta kami." Hindi pa nakatanong si Mommy pero mabilis ng nakasagot ng dalawa. Napatawa na lang ako sa kanila. Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha nila at pagmamahal sa isa't isa. Gaya ng mga mommies ko. Masayang pamilya rin sana sila kaso ang hindi ko maintindihan ay itong anak nilang sobra sa pagka-aloof. Hmmm... Tahimik na lang din akong naglaro sa phone ko, nagcheck ng status sa sss, twitter, IG, email at lahat ng social network na meron ako to make myself busy dahil wala naman akong kausap. I was getting bored na nang magtanong si Tita Sheila kay Mommy about the past. It catches my attention dahil kahit ilang beses ko ng napakinggan ang story ng Mama at Mommy ko'y , I never get bored to listen to it. Dumating na rin ang order namin and as we finish saying grace, we started eating. "So Yum, hindi talaga tayo nagkausap about sa dahilan ng pagpunta mo sa London after graduation. I mean, alam ko namang dahil dun sa mistaken DNA Test result but I wanna hear the whole story. Itong si Micah kasi'y iniiba yung istorya." Si Tita Shiela. "Ano bang version nya kasi?" taka namang tanong ni Mommy. "Basta... Puro kalokohan eh. Alam mo naman tong isang 'to." Sabi ni Tita She na kinurot ang ilong ni Tita Micah. Tumawa naman ang huli. Si Hale naman? Wag na kayong umasang may reaction mula rito. Kumakain man ito'y panay naman ang tingin sa labas ng resto. "Ikaw talaga, Mic." Natatawa ring sabi ng nanay ko. "How about Yaci will do the honor to relive that? Simula pa kasi ng nagkaisip ang mga batang to'y lagi na lang pinapaulit-ulit na tinatanong ang detalye sa love story namin ng Mama nila." Proud naman akong ngumiti.  I will never ever get bored with the love story of my parents. Kaya kong isalaysay hanggang sa kung paano sila nagkakilala at paano sila nag-get together. Hindi rin akong magsasawang sabihin na that is my favorite love story so far. Pero pagdumating na ang time ko, ibang usapan na yun. "How sweet." The couple commented. "Come on baby, tell them." Sabi ng Mommy ko. I nodded. It's my pleasure to tell them the greatest love story I have ever heard. Uminom muna ako ng tubig bago ako nagsimulang magsalita. Hindi ko na rin namalayang, ang uninterested, emo at aloof na si Hale ay pasimpleng nakikinig sa akin. +Flashback starts... "Doc? What's the result?" Tanong ni Sergio sa doctor na pinagpa-DNA test nila Danica at Henry. Naroon silang lahat sa mansion ng Lopez at pinapunta lang ang doctor roon para ihayag ang resulta. "It was p-positive." Saad naman ng doctor. "No!" mariing sabi ni Yumi sabay hablot sa papel sa kamay ng doktor. Nanghihina namang napaupo si Dani sa couch. Nagbabadya na naman itong maiiyak sa narinig. For the past few days, wala na syang ginawa kundi ang umiyak dahil hindi man sila nag-uusap ni Yumi'y kitang kita na apektado ang relasyon nila. They barely talk now at ngayon lang uli nagkita para alamin ang resulta ng DNA. Nakatingin naman ang lahat sa chinita habang parang mahigpit na nakakapit ngayon sa papel na tinitignan. Nang parang hindi nito nakayanan ang nakikita sa papel ay kinuyumos nya iyon at pahablot na dinala palabas ng mansion ang probinsyana. Nagpatianod lang si Dani dahil sa totoo lang ay parang wala ito sa sariling kinakaladkad ng chinita. She was too weak to protest. Naiwan ang mga lalake sa mansion na taimtim lang na pinagmasdan ang dalawang babaeng papalayo. Wala ng nagtangkang magsalita dahil parang lahat sila'y nalunok ang mga dila. Pinulot ni Sergio ang papel at sinuri ito. Mas naging malungkot lang ang diwa nito ng napagtantong tama ang sinasabi ng doktor. Mapait itong nakatingin ngayon kay Henry na hindi alam kung magiging masaya dahil nalaman nitong may anak sya kay Daniela o malulungkot dahil nalaman nilang related biologically ang dalawang babaeng magkasintahan. Either way, wala ng magagawa ang dalawang babae kundi tanggapin ang katotohanan dahil may pruweba na sila na galing sa siyensya. Samantala, dinala ni Yumi si Dani sa isang tahimik na lugar. Yung lugar na pinagdalhan ni Marco kay Dani noon. Yung lugar kung saan nagkaalaman si Dani at Marco sa mga sekreto nila at lugar kung saan tuluyang nabulgar ang dapat nilang ibulgar sa isa't isa. Tahimik lang na nakaupo ang dalawa sa damuhan, panay ang buntong hininga na nakatingin sa payapang dagat. Walang gustong magsalita. Waring tinatantya ang isa't isa. "Y-yum..." basag ni Dani sa katahimikan pero dahil dun, lumabas na rin ang luhang kanina nya pa pinipigilan. Nakita naman iyon ng chinita at dali-daling niyakap ang probinsyana. Sa ilalim ng punong kinauupan, sabay na umiyak ng tahimik ang dalawang babaeng nagmamahalan na hinadlangan ng tadhana. Wala silang ibang naging litanya sa isa't isa kundi ang mga hikbing bakas na bakas ang sakit at poot dahil sa masamang kapalaran. Sa puso ng isa't isa'y sinisisi ang mga magulang sa mga nangyayari ngayon. Kung hindi dahil sa mga maling desisyon ng mga ito'y hindi sana sila magkakaganito. "Mahal na mahal kita." Umiiyak na anas ni Yumi kay Dani. "A-ako din, Yum, mahal na mahal kita b-but we cannot do this anymore." Umiiyak rin na sabi ni Dani. Ito ang unang nakarealize na dapat na nilang tanggapin ang mapait na kapalarang magkapatid sila. "No. Please. Don't do this to me. Don't do this to us." Mas humigpit ang pagkakayap ni Yumi sa probinsyana. Mas dumami ang luhang dumadaloy sa mga mata nito. "Y-yum..." Dani choke. Sya rin ay ayaw gawin ang pakikipaghiwalay sa dalaga pero hindi na nila maaring ipagpapatuloy ang relasyon nila. "M-magkapatid tayo. W-we cannot do this anymore." Ulit ni Dani. Habang sinasabi ang mga katagang yun ay parang ginutay-gutay ang puso nya. Oh fate? Why are you so cruel? "Please, baby. I-I can't live without you. Paano na tayo? P-paano na ako?" bakas na bakas ang sakit at pait sa boses ni Yumi. "Look at me, Yum." Sabi ni Dani na inilayo ang chinita sa katawan at hinawakan sa magkabilang balikat. Hilam ng luha ang kanilang mga mukha. Nagkatinginan ang dalawa. "Habang mas maaga'y kailangan natin ‘tong gawin. Mas lalo tayong masasaktan kung ipagpapatuloy natin ‘to. A-anong sasabihin ng mga tao sa atin?" "F*ck people! I don't care what they think!" bulalas ni Yumi. "All I care about is you, baby. Umalis na lang tayo dito. Let's get out of here. We will go somewhere na walang nakakakilala sa atin." She said cupping the face of Dani with her hands. Iiling-iling naman si Dani bilang disagreement sa sinasabi ni Yumi. Umiiyak pa rin ang mga ito pero wala na silang pakialam sa mga hitsura nila. "No, Yum. Please, let's accept the truth. It may hurt us now but eventually, matatanggap rin natin ‘to. We can't hide from the truth, Yum." Desidido na rin si Dani. She will stand in the truth. "No!" mariin na sabi ni Yumi. She was determine to fight for the love of her life. Akma nya itong hahalikan pero mabilis na umiwas si Dani. "Are you giving up on us this easy?" hindi makapaniwalang sabi ni Yumi sa probinsyana. Malungkot na nakatungo ang probinsyana as she says, "I'm sorry." And that was it, Yumi can't believe na hindi man lang pinaglaban ni Dani ang pag-ibig nila. Ilang araw rin nyang pinag-isipan ang pag-alis kasama ito but now, she saw that Dani is determined to not to go with her. "Okay." Sabi ni Yumi at tumayong marahas pinahid ang mga luha. She had enough with this dilemma. Ang sakit na ng puso nya. Pinairal na ni Yumi ang lahat ng uri ng pagpapakumbabang nalalaman nya to save their relationship but now, she was in the end of it. "Let's go home." Pinatatag nito ang tinig at nagpatiunang sumakay kay Ignite. Tahimik namang umiiyak si Dani na sumunod dito. Mabilis kumalat ang balitang anak ni Henry Tan si Danica. Sa business world, sa VBS, sa buong bansa. May nagkalat rin na nagkaroon ng romantic relationship ang "magkapatid" and they gained more persecutions at mga bad comments from the homophobic people. Awang-awa naman ang mga kaibigan nila Danica at Mayumi sa sinapit ng dalawa. Naging matamlay ang dalawa at panay lang ang iwasan. Wala namang nagtangkang makipag-usap sa mga kaibigan nila sa kanila dahil wala rin namang balak magsalita ang dalawa. Naging aloof sila sa lahat. Dumating ang graduation na matamlay pa rin ang mga ito kahit na nga pareho silang naging valedictorian sa batch nila. That was a dual celebration sa mga Tan. Sina Henry and Sergio ay naging magkaibigan na ulit para na rin sa kapakanan ng mga anak. Mas ginugusto pa rin kasi ni Dani na tumira with the Lopez kaysa kina Henry. Although tanggap na nito ang tunay na ama'y mas kumportable pa rin ito sa pamilya Lopez. Ang mga Lopez naman ay tinanggap rin si Yumi at mas naging close sa mga ito. Weekly, nagkakaroon sila ng family gathering. The boys tried to make Dani and Yumi comfortable again with each other but they always failed. Lagi lang nag-iiwasan ang dalawa. Hanggang sa nagpasya na ngang pumunta si Yumi sa London and all Dani could do was to cry dahil hindi man nya sabihin, mahal na mahal pa rin nya ang chinita. At sa isiping malalayo na ito ng tuluyan sa kanya'y parang 'di na nya gustong mabuhay. So she decided something na she had never comprehend in her entire life na magagawa nya. Naging duwag sya at hindi nya pinaglaban si Yumi. She stand for the truth at paninindigan nya yun. Pero sa pag-alis ni Yumi'y nagkaroon na sya ng mga doubts about "the truth". Kaya naman para mapanindigan nya ang "katotohanan" ay tatapusin na lang nya ang buhay. In the exact day and hour, where Yumi will fly to London, is the time where Dani will do her plan. Tutal wala na sa kanya si Yumi, wala na ring silbi ang buhay nya. Sa isipan ng probinsyana'y, yun lang ang paraan para hindi sya matuksong sundan si Yumi at 'di mapanindigan ang mapait nilang kapalaran. Na sila'y magkapatid, sa mata ng mga tao at sa siyensya. +End of flashback... "Did Dani really do that?" bulalas na tanong ni Tita She na nakatingin sa amin ng Mommy ko. Tumango naman si Mommy. "My God. Then what happened?" si Tita Micah. "Well that's --" natigil si Mommy sa pagsasalita when her phone rang. Nag-excuse naman ito at sinagot ang phone nito. "So, what happened next, Yash?" kulit ng mag-asawa sa akin.  Nakikinig na rin si Hale. Hoho! Buti naman. Ang cute nyang tignan na parang naexcite rin ang diwa nito sa kwento at nakababa na ang hoodie nito. Ang ganda pala ng mata nya. Ang itim at parang nakakalusaw sa puso kung tumingin. Wait... what? Did I really say that? "Yash?" untag sa akin ni Tita Micah. Aish, nag-zoned out na pala ako dahil sa mga matang yun ng emo. Yay! "Ahh opo. Yun nga po--" "Yash, we need to go. Kailangan na ako dun and guess what, they'll be needing your Saxo expertise in one of our pieces." Putol ni Mommy sa amin. "Really?" I squealed. I was genuinely happy dahil, whoa, it was a big concert and though I'm good at saxo pero gosh, ang mapasali sa concert ng mommy ko for the first time ay nakaka-excite. I was playing that instrument sa school or other big events but never sa concert ng Mommy ko. This is a big break for me. "Yes, baby. Kaya tara na." masayang sabi ng Mommy ko. "Eehhh!" masayang sabi ko at napasayaw pa ng kaunti.  Tinawanan naman ako ng mag-asawa. Amusement was on the face of Hale. She looked so cute pag may mga confused expression sa mukha nito. Ansabe ko? Hala! "Good luck sa inyo, guys. We will definitely watch." Sabi ng mga Tita ko. Tumango lang kami ni Mommy. "See you at dinner, gals." Sabi ni Mommy sa kanila before kami umalis. Humalik na rin ako sa pisngi ng mga Tita ko at nagpaalam. Hindi ko napigilan ang sarili ko at kinurot ang cheeks ni Hale na mukhang engot pa ring nakatingin sa amin. I really found her cute sa poker face nya.  "You're so cute. Bye, Hale." Masayang paalam ko dito and kissed her on the cheek and guess what? The emo girl, blushed. Aww, so cute.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD