MALALIM na ang gabi pero hindi pa rin makatulog si Serena. Mulat na mulat pa ang kaniyang mga mata, gising na gising pa rin ang diwa niya. Ang daming gumugulo sa isip niya. Una si Selena. Nasaan na ito ngayon? Bakit nito nagawang patayin si Emir Arslan pagkatapos ay tumakas at hinayaan nitong siya ang makulong? Sa kasong kinakaharap niya ngayon, paano kung hindi mahanap ang kapatid niya? Mabubulok siya sa kulungan sa kasalanang hindi naman siya ang may gawa! Then, ang sinabi ni Ma’am Noreen, bakit hinahanap ng mga ito si Stacey? Anong kinalaman ni Stacey sa kasong kinasasangkutan niya ngayon? Nang tanungin naman niya si North kanina, ayaw naman siya nitong sagutin at pinagpahinga na siya dahil bukas daw may pupuntahan sila. Bumangon siya at naupo. Pinagdikit niya ang kaniyang mga tuh

