MABILIS na isinugod sa hospital ni North si Serena. Kaagad naman itong inasikaso ng mga nurse at doctor sa loob ng emergency room. Mahigpit pa rin nitong hawak ang kamay niya. Alam niyang natakot ito pero mas lalong takot siya. Hindi niya kakayanin kapag may mangyari rito at sa baby nila. “N-North… ‘wag mo a-akong iiwan…” hikbi nitong pakiusap sa kaniya. Ikinulong niya ang kamay nito sa dalawang kamay niya. Dinala niya iyon sa kaniyang bibig at mariing hinalikan. “Shh…love, I won’t leave you, ‘kay? You will be okay and our b-baby,” he assured her. Pumiyok pa ang boses niya sa huling salitang binanggit niya. Damn! Hindi talaga niya mapapatawad ang sarili kapag may mangyaring masama sa baby nila! “Sige na, magpahinga ka na muna,” aniya. Inabot niya ng kaniyang kamay ang pisngi nito a

