DALAWANG araw na nanatilin si Serena sa hospital. Pero hindi iyon naging madali sa kaniya dahil sa presensya ni North. Halos hindi na kasi ito umaalis sa tabi niya. Lagi pang nakatitig sa kaniya na para bang takot ito na kung malingat lang ito saglit ay mawawala na siya sa paningin nito. Kung aalis man ito dahil kailangan nitong umuwi sa bahay para lutuin ang binagoongang tinapa na gustong-gusto niya ay may nurse na magbabantay sa kaniya at alam din niya na may mga bodyguards ito na nasa labas lang nitong hospital suite niya. Naiilang siya pero gustong-gusto naman niya itong laging nakikita. Kapag mawala lang ito saglit dahil lalabas o di kaya’y papasok ng banyo ay gusto na lang niya itong sundan para makita kaagad ito. Kagaya ngayon, wala ito dahil kailangan nitong asikasuhin ang pagla

