"A-Anong gagawin niyo sa akin? Bakit niyo ako nilagay rito?" takot na takot na tanong ni Serena, nang inilagay siya ng mga tauhan ni Emir sa walang tubig at napaka-lalim na swimming pool. Na sa tingin niya ay nasa walong talampakan ang lalim. "I told you, I wanted to have fun," sabi ng demonyong si Emir sa kaniya. Tiningala niya ito. Naningkit ang kaniyang mga mata. Napakawalanghiya talaga nito! "Pakawalan mo ako rito!" sigaw niya kay Emir. Nakatayo ito sa gilid ng swimming pool at nakangising nakatanaw sa kaniya habang tinatali siya ng mga tauhan nito. "Nah-ah! Gusto kong makipagpustahan kay De Sandiego, Serena. Gusto kong gawin namin iyong dati naming ginagawa.” I’m a badass, love. Lahat ng bisyo at illegal activities lalo na ang pakikipagkarera na walang permits, ginagawa ko. Na

