Chapter 53

1770 Words

SUNOD-SUNOD na huminga nang malalim si Serena para matigil ang pag-iyak niya dahil wala naman siyang mapapala kung mag-iiyak lang siya. Mas manghihina lang siya at hindi iyon puwedeng mangyari. Kailangan niyang makaisip ng paraan para makatakas sa mga kamay ni Emir. Hindi siya papayag na basta na lang niyang isuko ang buhay niya at ng anak niya sa mga katulad nitong walang kuwenta. “Paano ka nakasisiguro na mahal nga ako ni North? Na mababaliw siya at madudurog mo siya ng husto kapag pinatay mo ako?” Alam niyang mahal siya ni North at masasaktan talaga ito ng husto kapag may mangyari sa kanila ng anak niya pero baka magbago ang isip ni Mr. Arslan kung maisip nitong wala naman itong kasiguraduhan na mahal nga siya ni North at pakawalan na lang siya. Malademonyo na naman itong tumawa. “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD