Chapter 67

1219 Words

PAGDATING nila sa address na sinasabi ni Selena kung saan ang safehouse na pinagtataguan nito ay kaagad siyang bumaba ng sasakyan. Gano’n din sina kuya Fred at Melda na agad humawak sa braso niya. “Ma’am, bakit ang tahimik ng lugar?” nababahalang tanong ni Melda sa kaniya. “Saka wala namang bahay rito puro puno nga lang ng mga nagtataasang mga kahoy ang nakikita ko,” dugtong pa nito habang nagpalinga-linga sa paligid. Wala nga siyang nakikitang bahay sa paligid. Sabi ni kuya Fred sa kaniya kanina nang sabihin niya rito ang address na ibinigay sa kaniya ni Selena ay nasa bandang Taguig daw ‘to. Pero hindi naman niya inakala na ganito ka-liblib ang lugar ng safehouse na pinaglalagyan nina Zephieru sa kapatid niya. "Baka nasa unahan," aniya. Nilabas niya ang phone niya para tawagan si Sele

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD