NORTH'S parents stayed a little longer in his house. Matapos ang kaunting salo-salo ay kinausap ng Daddy nito si North sa opisina nito kasama sina Atty. Sofia at Atty. Besmonte. Naiwan naman sila ni Mommy Noreen sa sala. Hinihintay lang nito ang asawa, then uuwi na ang mga ito. "Hija, thank you." sabi ng ginang sa kaniya. magkatabi silang nakaupo sa malaking couch. "Para saan po?" tanong niya. Hindi naman kasi niya alam kung para saan ang pasasalamat nito sa kaniya. "For loving my son and you stay with him even though he has a big part in why you lost your father." "Hindi naman po niya kasalanan, Mommy." Maluha-luha siya nitong niyakap. "Still, I want to thank you." anito at niyakap siya. Nasa ganoon silang tagpo nang lumabas sina Atty. Besmonte at Atty. Sofia sa opisina ni North di

