HINDI inaasahan ni North ang gagawin ni Arslan. Nakipagbarilan ito sa mga awtoridad at mabilis na sumakay sa motorsiklo nito. Sinubukan pa siya nitong barilin, saka nito pinasibad ang motorsiklo nito. Mabuti na lang at mabilis siyang naitulak ni Chad padapa. “F**k!” malakas pa nitong mura at sinubukang barilin ang gulong ng motorsiklong sinakyan ni Arslan. Pero tuluyan na itong nakalayo. Kaagad siyang bumangon mula sa pagkakadapa, gano’n din ang mga tauhan ni Tito Zephyr at sinundan ang lalaki. Nang makita niya ang isang motorsiklo na naka-park sa may gilid ng racetrack ay mabilis niya iyong nilapitan. “Let my men catch him, North. Pabayaan mo na sila.” sabi ni Tito Zephyr nang makitang umangkas na siya sa motorsiklo. Pero hindi siya nakinig sa tiyuhin at kaagad nang pinasibad ang moto

