MABILIS na nagpaalam sina Zephieru at Aling Tess na lalabas na muna ng room ni Serena para bigyan sila ng privacy ni North. Inilang hakbang lang siya nang lalaki at tuluyan na siya nitong niyakap ng mahigpit. “I’m sorry, love. I’m sorry, kung muntik na kayong mapahamak ng anak natin.” Ikinulong pa ng dalawang kamay nito ang kaniyang mukha. “Kasalanan ko rin naman. Matagal na akong may pakiramdam na hindi na si Selena ang kausap ko simula noong nakaraang buwan pa pero ipinagsawalang bahala ko lang.” aniya, tumulo pa ang mga luha niya nang maalala na naman niya ang kapatid. Nasabi na sa kaniya ni Zephieru ang sinapit ni Selena sa mga kamay ni Arslan. Nang iligtas siya nang lalaki roon sa swimming pool na pinaglalagyan sa kaniya ni Arslan ay naghesterikal siya. Iyak siya nang iyak na n

