“Ma’am Serena!” duwetong sigaw nina Lourdes at Melda nang makita ng mga ito si Serena na bumaba nang sasakyan ni North. Nasa may front porch ang mga ito, kasama si Manang Norma. Parehong mga nakangiti. Napangiti siyang napatingin kay North, na kalalabas lang din ng sasakyan nito. Naglakad ito palapit sa kaniya at agad siyang inakbayan. “They missed you. Lalo na si Manang Norma.” sabi nito sa kaniya. Kinabig siya at kinintalan ng halik ang kaniyang noo. Humiwalay siya kay North saka naglakad palapit kina Melda, Lourdes at Manang Norma. She missed them too. Mabilis naman siyang dinamba ng yakap nina Melda at Lourdes. “Melda, Lourdes, don’t squeeze her too much. Baka mapisa niyo ang asawa ko.” saway kaagad ni North sa dalawa, na mabilis naman na humiwalay sa kaniya. Umatras pa ang mga

