“No. Hindi ako papayag na isalang si Serena sa witness stand.” kaagad na tanggi ni North sa suhestiyon ng kaniyang amang si Thaddeus De Sandiego. Nasa loob siya ng conference room ng De Sandiego Tower kasama ang Daddy at mga tiyuhin niya. Nandito rin ang kaniyang Tita Sofia dahil gusto siya ng mga itong makausap tungkol sa kasong isinampa sa kaniya. Isa sa mga consequences niya nang mag-file siya noon nang annulment sa kasal nila ni Selena. Binuhay ng Tita Sofia niya ang kaso niya, six years ago. Six years ago, nang mangyari ang aksidente na ikinasawi ng ama ni Serena ay sinampahan siya ng kaso ng pamilya nito, pero naayos iyon dahil tumanggap ng settlement ang mga ito kaya na-dismiss ang kaso niya. Ang ginawa ng lolo at Daddy niya ay isang paglabag sa batas. It was bribery. But tha

