MASAMA ang pakiramdam ni Serena nang magising siya. Ayaw pa sana niyang bumangon kaya lang nakaramdam naman siya ng pagkalam ng sikmura. Bumangon siya at agad napahawak sa kaniyang tiyan. Marahan niya iyong hinaplos at sumimangot. Pero nang biglang mangasim ang sikmura niya ay mabilis siyang bumaba nang kama at tumakbo sa loob ng banyo. “Acckk!” Halos ilabas niya lahat ng mga kinain niya kaninang tanghali. Naramdaman naman niyang may mga kamay na humahagod sa kaniyang likod. Hindi na niya kailangang tingnan pa kung sino dahil base sa amoy nito ay alam niyang si North ‘yon. Nandito na pala ito. Bigla ay naging magaan ang pakiramdam niya. Tumigil din ang pagsusuka niya. Naghilamos siya. Inabutan naman siya nito nang tissue na kaagad din naman niyang pinahid sa bibig niya. Pagkatapos ay

