NANLALAMIG ang mga kamay ni Serena nang huminto na ang sasakyan ni Daddy Thaddeus sa harap ng building ng Regional Trial Court rito sa Makati. Ngayon ang unang hearing ng kaso ni North. Isang linggo na rin ang nakaraan simula nang arestuhin ng mga pulis si North sa bahay nito at dinala ito sa Makati City Jail. At hanggang ngayon hindi pa rin niya mapaniwalaan ang nangyari sa asawa niya. Sa isang linggo ring iyon, kailanman ay hindi pa niya nakikita si North dahil mahigpit siya nitong pinagbabawalan na dumalaw sa kulungan. Gustuhin man niyang umalis ng mansion para puntahan ito pero hindi naman siya makatakas dahil bukod sa napakaraming bodyguards sa labas ay bantay sarado naman siya ng mga pinsan nitong lalaki. Kinabahan siya nang makita niya na maraming tao at mga reporter ang nag-aab

