NAKASIMANGOT si Serena habang pinapalitan niya ng gasa ang sugat sa kaliwang balikat ni North. Daplis lang iyon at hindi naman malalim pero nag-aalala pa rin siya. “Saan ba talaga kayo nagpunta ha? Bakit may sugat ka? At ‘wag mo na akong pagdadahilanan kung anu-ano dahil alam kong sugat ito galing sa kutsilyo. Sinong sumaksak sa ’yo?” sunud-sunod na niyang tanong dito. “Ano? Titigan mo na lang ba ako? Ayaw mo ba akong sagutin?” muli niyang sabi nang hindi man lang ito nagsalita. “Love, okay lang ako—” “Hindi ko tinanong kung okay ka.” sikmat niya, nawalan na siya ng pasensya. “Ang tanong ko ang sagutin mo.” Huminga ito ng malalim. “I’ll tell you, but please…calm down.” “Paano ako kakalma kung ganitong umuwi kang may sugat? Kung hindi ko ito nakita, for sure hindi mo rin ito sasabihin

