CHAPTER 9

2191 Words
ISAAC Malaki ang ngiting namumutawi sa mga labi ni Isaac habang naglalakad siya sa hallway. May ilang nakasalubong siyang pasyente, nars, at doktor. Maganda ang gising niya ngayong araw na ito. Sino ba naman hindi? Nakausap niya ang dalaga, at higit pa roon ay katabi niya ito. “Ang ganda ng ngiti natin, Dok Rivera! May magandang balita ba tayo ngayon?" nakangising sabi ni Nars Amanda sa kanya nang nakasalubong niya ito sa hallway. “Oo nga naman! Halata nga na may something sa magandang ngiti sa mga labi ni Dok Rivera!" pang-aasar ng isa pang nars sa kanya na nasa nursing station. Hindi siya tumugon sa mga ito, at ngumiti na lamang. Huminto siya sa tapat ng office niya, at binuksan ang pinto. Pumasok na rin siya sa loob, at agad niyang isinabit ang lab coat niya sa clothes rack. Kaagad niyang tiningnan ang nakasabit na x-ray ni Mr. Dalman. Ilang araw na ang nakalipas na binigyan niya ng palugit upang magsagawa ng operasyon kay Mr. Dalman. Naintindihan niya na natatakot ang pamilya ni Mr. Dalman sa operasyon kaya lang delikado ito kapag natagalan. There's possibility na mas lumala ang sakit nito kapag hindi maagapan kaagad. Napatingin siya sa sticker na nakadikit sa kanyang monitor. Inabot niya ito, at binasa. Mr. De Guzman- Schedule: Today for CT Scan. Inabot niya ang telepono na nasa mesa, at nagtipa ng numero sa radiology department. “Good Morning, Dra. Karen. “Nars Amanda, come to me. Gusto kong puntahan ang pamilya ni Mr. Dalman upang pag-usapan ang tungkol sa operasyon niya. Kung hindi sila papayag ay kailangan ko rin respetuhin ang desisyon nila.” Inabot niya ang medical report ni Mr. Dalman, at nauna nang lumabas sa office niya. Sumunod naman ito sa kanya. Hindi naman malayo ang silid na inuukupa ni Mr. Dalman kaya nakarating din silang dalawa sa silid nito. Kumatok muna siya bago siya pumasok sa loob. “Good morning, Mr. Dalman, ” bati niya sa matanda na kumakain ngayon ng orange. Bumalings siya kay Misis Dalman. “Good morning, Misis Dalman,” bati rin niya sa misis ni Mr. Dalman. Binabalatan nito ng apple si Mister Dalman. Akmang tatayo na sana si Misis Dalman nang pinigilan niya ito. “Huwag ka na pong tumayo, misis. Narito lamang ako upang pag-usapan kung itutuloy po ba natin ang operasyon o hindi.” Tumikhim si Misis Dalman, at itinigil ang ginagawa nito. Nagkatinginan ang mag-asawa. “Ipinaliwanag ko na po sa inyo ang kondisyon mo, Mr. Dalman. Kung ako sa inyo ay huwag ninyo na pong patagalin ang kondisyon ninyo. Hangga't maaga pa ay kailangan natin i-opera. Nakita natin sa CT Scan mo na nasa stage 1 ka. Buti na lang maaga natin nakita o malaman dahil may posibilidad na kakalat siya sa iba't-ibang organs mo.” "Needed po ba talaga?" tanong sa kanya ni Misis Dalman. Napatigilid ang kanyang ulo sa klase ng tanong nito. Tumango siya rito. Pinakita niya sa mag-asawa ang gastroendoscopy report ni Mr. Dalman. At ang normal na imahe ng stomach ng isang tao. “May problema po sa tiyan ang asawa ninyo, misis. Nakita ninyong may maliit na bukol na namumuo sa tiyan ng asawa ninyo. Alam ninyo ba na hindi lang basta-basta problema kung di cancer ang kinakaharap ng asawa ninyo. Pansin ninyo na hindi siya madaling natutunawan sa kanyang kinakain. Hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang. p*******t ng tiyan. Nakaramdam ang asawa ninyo ng sobrang pagod, pumapayat siya, nagsusuka ng dugo at may maitim na dumi. May gastric cancer siya. Kapag kasi hindi natin naagapan ay kakalat po sa ibang organs niya hanggang sa hindi na natin maagapan iyon,” paliwanag niya sa mag-asawa. "Hindi na po ba maagapan ng gamot?" "Ang main treatment lamang po ay surgery." Dumaan ang ilang segundo na hindi pa rin tumugon ang mag-asawa. Bumuntong-hininga siya. “Hindi na ako magtatagal, Mister, at Misis Dalman dahil may pasyente pa akong bibisitahin. Hanggang bukas na lang po ang palugit ng desisyon ninyo. Bilang doktor ay gusto kong gumaling ang pasyente ko,” saad niya. Napagdesisyon niyang tumayo na. “Sige, aalis na ako.” Lumabas na nga siya sa silid, at pumunta na sa ibang pasyente niya. Bumaling siya kay Nars Amanda. “Nars Amanda, tawagan mo si Mr. De Guzman para sabihin sa kanya na magpa-CT scan siya ngayon. Kailangan niyang magpa-CT scan para makita natin kung saan pang parte na may hernia tapos i-schedule na rin ang operasyon niya," utos niya kay Nars Amanda. " Opo, dok.” Bumisita ang pasyente niya noong isang araw upang magpa-check up sa kanya. Nalaman niya ang sakit nito. A DAY AGO “Good Afternoon, Dok Rivera." Napatigil siya sa kanyang binabasa nang marinig niya ang pagbati sa kanya. Napaangat ang kanyang tingin. “Good afternoon, sir," nakangiting tugon niya rito. Sinenyasan niya ito na maupo. “Ito po pala ang number ko, dok." Kinuha naman niya ang binigay nitong number. “Anong pangalan po natin, sir?" Kumuha siya ng information sheets na nasa isang folder, at inabot ang ballpen niya na malapit sa computer mouse niya. “Manuel De Guzman po, dok." " Edad?” "57 years old.” Tumatango siya sa sinabi nito. “Okay. Ano po ba ang naramdaman ninyo, sir?” “May nakapa po kasi ako na kaunting bukol sa banda dito.” Tinuro nito ang bandang pelvic nito. Tumayo siya, at lumapit dito. “Maaari ko bang tingnan o kapain?” “Opo, dok." Kinapa nga niya ito. “Sir, para makasigurado po tayo ay magpa-CT scan po tayo ngayon para malaman natin kung saan pang parte sa katawan ninyo na may hernia. May I recommend akong doktor para sa CT scan ninyo. Tatawagan po kita kapag malaman ang resulta ninyo, at schedule ninyo sa operation.” —- Kinabukasan pagdating niya sa hospital ay agad siyang tumungo sa radiology department upang kunin ang result ng isa pang pasyente niya. Kanina pa siya walang pahinga dahil sa dumagsa ang pasyente ngayong araw na ito. Hindi na nga siya nakakain dahil sa sobrang abala sa pag-asikaso sa mga pasyente. Nang makarating siya sa patutunguhan niya ay agad siyang pumasok. Nakita niya si Dra. Karen na isang radiologist na abala sa tinitingnan nito sa monitor. “Dra. Karen, may result na ba kay Mr. De Guzman?” tanong niya kay Dra. Karen. “Nandito ka pala. Kanina pa,” saad nito sabay tayo nang makita siya. Umalis ito, at pumunta sa isang silid. Pagbalik nito ay may bitbit na itong isang brown envelope. Alam na niya kung ano ang hawak nito kung ‘di ang CT scan result ni Mr. De Guzman. “Balita ko kay Nars Amanda ay hindi pa rin nakapagdesisyon ang pamilya Dalman,” sabi sa kanya ni Karen nang matapos nitong ibigay sa kanya ang result ni Mr. De Guzman. Tumango siya rito sabay tingin sa resulta. Base sa result ay may inguinal hernia ang pasyente niyang si Manuel De Guzman. Nakita niya sa mismong CT Scan na may umbok sa magkabilang gilid ng pubic bone nito. Mas naging halata kapag nakatayo ang taong may hernia. Ang hernia ay ang abnormal na paglabas ng tissue o isang organ, tulad ng bituka, sa pamamagitan ng wall ng cavity kung saan ito karaniwang naninirahan. Pakiramdam mo’y para kang sinusunog okumikirot sa bahaging umbok, at iyon ay tinatawag natin na hernia. Masakit o discomfort sa singit, lalo na kapag nakayuko, umuubo o nagbubuhat. “May iba talagang pasyente na ayaw magpa-opera tapos kapag lumala na isisi sa atin kung bakit lumala. Ginawa na nga natin ang makakaya natin upang mapagaling sila, tayo pa ang maging masama.” Mahina siyang natawa. Umupo siya sa katabi nitong swivel chair habang habang tinitigan pa rin ang CT scan. “Dala na rin sa takot kaya ganoon talaga ang naging desisyon nila. Takot baka hindi maka-survive ang pasyente,” tugon niya, at tiningnan ito. Napataas ang kilay niya sa klase ng titig ng kaibigan niya. Maliban kanila Helix, at Gregg ay kaibigan niya rin ito since college pa sila. Naging magaan ang loob niya rito dahil magkasundo sila sa lahat ng bagay. “What? Bakit gan’yan ka makatingin sa akin?” Ngumiti ito sa kanya. "May naalala lang ako." Naniningkit ang kanyang mga mata. “Tapos? Ano naman iyon?" Tinapik na lamang nito ang pisngi niya sabay iling. “Kain tayo sa cafeteria? Nag-lunch ka na ba?" tanong nito sa kanya. "May gagawin pa ako kaya mamaya na,” tangging aniya. Bigla na lamang itong tumayo, at hinawakan siya nito sa braso. Hindi siya nagpatinag sa paghila nito sa kanya. Nakaupo pa rin siya, at nagtatakang tinitigan ito. "Saan tayo pupunta?" “Cafeteria. Wala naman akong ibang gagawin ngayon kaya samahan mo ako sa cafeteria.” Tinaasan niya ito ng kilay. “Anong mayroon sa’yo ngayon?” Hindi niya maintindihan kung bakit nag-aya ito. Isa pa’y isa ito sa pinaka-workaholic na tao kaya nakapagtataka na inaya siya nito. “Hindi na tayo masyadong nagkikita, at nagkausap dahil sa daming trabaho. Ngayon na may bakante akong oras ay gusto kitang ayain.” Napatingin siya sa kanyang wristwatch. Tumango na lamang siya rito. May kalahating oras pa naman siya na bakante kaya okay lang sa kanya. Tumayo na nga siya, at nauna nang maglakad patungong labas ng radiology room. Napabaling siya kay Dra. Karen sa pagtabi nito sa kanya. Magkasabay na silang naglalakad patungo sa cafeteria. Habang naglalakad sila sa hallway patungong cafeteria ay panay daldal nito ng kung anu-ano. “May pamilya ng dumating, at sa akin binaling ang inis nila. Tinanong pa ako. ‘Bakit Diyos ka ba para sabihin sa akin na may sakit ako? Tao ka lang naman kaya huwag kang mag-decide na may sakit akong cancer.’ Ito pa. Sabi pa ng pasyente, at ayoko rin pangalanan*. ‘Tingnan mo ako! Healthy akong tao, miss. Bakit ako magkakasakit? Huwag mo akong pangunahan.” Nakikinig na lamang siya sa kwento nito tungkol sa ganap nito sa loob ng radiology department. Ramdam niya ang pagkadismaya, at inis sa tono ng boses nito. Naintindihan naman niya ito. Sobrang stressful ang araw nila sa trabaho. May mga pasyente o pamilya ng pasyente ang ibabaling ang inis o hinaing nila tungkol sa nangyayari sa isa sa pamilya nila. Tinatanggap na lamang nila kung ano ang masasakit na salita galing sa pamilya ng pasyente. “Wala rin akong choice kung ‘di tanggapin ang masasakit na salita nila. Hindi naman natin hawak ang buhay ng pasyente. Sinabi lang naman natin ang totoo kaya dapat sana nilang tanggapin na bigla na lamang darating ang traydor na sakit na hindi natin inaasahan,” hinaing nito. Bumuntong-hininga siya. “Ito ang buhay ng isang doktor. Kung may namatay man na pasyente ay ibabaling sa atin ang sisi. Hindi naman kasi tayo Diyos, Karen. Gusto ba natin mawala ang buhay ng pasyente natin? Hindi. Masakit sa loob na sa kamay natin nakasalalay ang buhay ng pasyente, at bigla silang nawala. Ginawa natin ang makakaya natin na mabuhay sila o gumaling kaya lang nasa pasyente natin iyon kung kakayanin nila,” paliwanag niya sabay tapik ng mahina sa balikat nito. Napabuga ito ng hininga, at hindi na nagsalita pa. Tahimik na lamang silang naglalakad. Lumiko sila sa kanan, at ilang silid bago sila nakarating sa cafeteria. Napatigil siya sa paglalakad nang biglang tumunog ang phone niya. Kinuha niya ang phone niya sa bulsa ng kanyang pants. Sinagot kaagad niya ito nang makita niya si Nars Amanda ang tumawag. [Dok Rivera.] "Ano iyon, Nars Amanda?" tanong niya na hindi pa rin tumitingin dito. [Tumawag po ang pamilya ni Mr. Dalman. Pumayag na po sila sa operasyon.] Sinenyasan niya si Doktora Karen na mauna na sa loob. Tumango naman ito sa kanya, at nauna na ngang pumasok sa cafeteria. "So, pagkatapos ko rito ay schedule mo na bukas ang operasyon niya. Please, inform the family." [Yes, dok!] Pinatay na rin niya ang tawag, at tumungo na sa cafeteria. Pagkapasok niya ay nakita niya si Mrs. Hernandez. Tulak-tulak nito si Yllola. Lumapit siya sa mga ito. "Mrs. Hernandez. Miss Hernandez." Napabaling ang mga ito sa kanya. Umaaliwalas ang mukha ni Mrs. Hernandez nang makita siya. "Isaac, huwag mo na nga akong tawagin na Misis Hernandez. Tita Ynnah na lang." "May gusto po ba kayong bilhin?" "Gusto kasi niyang uminom ng smoothie." Napatingin siya kay Yllola na tahimik lamang na nakaupo sa wheelchair nito. Halatang pagod ito. "Mas maganda pong inumin ngayon ay cranberry juice o mint tea,” suhestiyon niya. Lumuhod siya sa harap ni Miss Yllola. “Gusto mo ba iyon, Yllola?" Tinitigan siya nito sa mga mata. Para bang nagtataka ito sa kinikilos niya. “Bakit ganito ka? Hindi naman tayo close para maging ganito ka sa akin. Bakit?” Napatda siya sa tanong nito. Hindi siya makasagot dito. “Ma, alis na tayo." Humingi na lamang ng pasensya si Mrs. Hernandez sa kanya, at iniwan na lamang siya na nakaluhod pa rin. Napahaplos na lamang siya sa kanyang batok. “Who is she, Isaac?" Napabaling siya sa nagsalita. “Siya ang babaeng gusto ko.” Napansin niya ang pagbabago ng mukha nito. Tumayo na lamang siya, at tumungo sa buffet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD